Oeuvre 8

3.9K 181 8
                                    

Oeuvre 8

Blair's POV:

"Nyaaaaaaaaahhhh!" Hinagis ko ang hawak ko'ng krus. Tumilapon sa malayo ang zombie na sanggol.

"Ayun ang gate! Bilisan na nating pumunta doon," sabi ni ate Anne. Kulay pula ang mga iris niya. "Nakikita kong may parating nang wave dito."Ang cool nilang dalawa ng mahal na Prinsipe. Mantakin mong under zombie pressure na, kalmado pa rin sila.

Naglaho sa tabi ko si ate. Sa isang kisap-mata, nandoon na kaagad siya sa may gate.

Tinapik ako ng mahal na Prinsipe. "Blair, magteleport ka na. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nakakarating doon sa gate," aniya.

Kinakabahan ako kaya hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang parating na mga zombie. Tapos may nakikita pa akong mabilis tumakbo! Nyaaay!

Muli akong tinapik ng mahal na prinsipe. Cool na cool niyang isinandal sa kanyang balikat ang krus na hawak niya. "Magrelax ka. Baka nakakalimutan mo kung sino ang mga kasama mo? Kami ni Anne ay survivor ng nagdaang malawakang undead plague!"

May kasama akong prinsipe at Prinsesa... tama, hindi ako dapat matakot. Kailangan ko lang magtiwala sa kanila. Once again, nagconcentrate ako. Nagfocus ako sa gata at kay ate.

Mayamaya lang ay palapit nang palapit sa paningin ko ang gate—

Namalayan kong nasa tabi na ako ng gate nang tapikin ako ni ate. "Yey! Nandito na si Blair, Aster! Bilisan mo, pumunta ka na dito!"

Hinampas muna ng mahal na prinsipe ang mga zombie na abot-kamay na siya bago siya pumunta sa amin.

Nagtinginan kaming tatlo. "Ready?"

Sabay-sabay naming hinawakan ang gate. Nasilaw kami sa sumabog na liwanag at nang magbalik sa normal ang aming paningin, nasa entrada na kami ng isang kaharian. Nakasulat sa arko ang salitang: Seinen.

"Ow, shit!" Bulalas ng mahal na prinsipe. "Nakalimutan ko ang tungkol sa super rare equipment na napanalunan ko! Teka—isesend ko na ngayon sa inventory ninyo."

"T-Teka po... nasaan si ate Anne?"

"Oo nga, ano?"

Tumingin-tingin kami sa paligid. Natanaw namin si ate Anne na masayang nakikipag-usap sa isang NPC na naka-cosplay at nakatayo sa tabi ng isang Otaku café doon sa ibayo. Nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya, kumaway siya. "Magkanya-kanya muna tayo, ha? Mag-memessage na lang ako kapag oras nang mag-log out!"

"Okay lang po ba si ate Anne?" Tanong ko sa mahal na Prinsipe.

Bumulong siya sa akin. "Alam mo, may pagka-otaku iyang si Aning kaya pabayaan na natin siya. Mabuti nga at malibang siya para makapag-explore tayo."

Tumunog ang notification ko. Binuksan ko ang aking holographic inventory. "Wow, dumating na ang rare equipment ko! Salamat po!"

Mahal na Prinsipe?

Bigla na lang siyang naglahong parang bula. Nakatanggap na lang ako ng private message mula sa kanya. Magkita-kita na lang daw kapag oras nang mag-log out.

Matagal bago nag-sink in sa akin na nag-iisa na lang ako ngayon. Paano nila naaatim na iwan ang isang newbie na gaya ko? Huhuhu...

Bago ko pag-isipan kung ano ang magandang gawin, ini-equip ko ang niregalo sa akin ng mahal na Prinsipe. Inilahad ko ang kamay ko. Pinagmasdan ko na mabuo sa harap ko ang isang napakalaking pulang scythe na doble yata ng height ko ang taas. Kakaiba nag hitsura niya dahil pito ang kanyang talim.

"Wow! Iyan ba ang Legendary Crimson Trinity ni Bloody Mary?" Dinig ko mula sa isang napadaang player na huminto sa harap ko. IGN: Kulas Lv 87

"H-Hindi ko po alam."

The Forlorn Madness of Blair BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon