Oeuvre 97

3.4K 145 32
                                    

Oeuvre 97

Ang mga key cities sa Asilo Escuro ay mga eksaktong replica ng mga paboritong lugar ng mga bampira sa mundo ng mga tao. Lahat ng mga iyon ay nasa popular na kontinente ng Ridre. Kaya iyon popular ay dahil doon pinakamahahaba ang mga gabi.

Sa kabilang ibayo naman ng Asilo Escuro ay naroroon ang kontinente ng Zadraes.

Hindi gaya ng mga lungsod sa Ridre, magkakalayo ang mga bayan sa Zadraes at napapalibutan ng mga disyerto. Sa Ridre ay namumuhay ang mga bampira nang normal—sa kung paano sila nabuhay sa mundo ng mga tao. Maluwag nilang tinatanggap ang umaga at wala silang ginagawa para kalabanin ito. Pagsikat ng araw, walang bampira ang makikitang gumagala sa labas ng kanilang mga tahanan. Nagkakaroon ng absolute silence sa lansangan hanggang pagpatak ng hapon. Magkagayunpaman, tuloy pa rin naman ang mga gawain ng bawat isa sa loob ng mga gusali.

Maikokonsidera na mas desperado at mapusok ang mga bampirang pinili ang manirahan sa Zadraes. Doon din ang kalimitang refuge ng mga barbarong walang matutuluyan sa Ridre. Ang mga bampira sa Zadraes ay naghahanap ng reporma. Hangad nila na maging permanente ang kadiliman sa mundo ng Asilo Escuro kung imposible nang mawala ang sumpa ng araw.

Dala ng mga bali-balita na nakakaalarma, tumungo si Div Umbra Claymore sa isa sa mga lugar sa Zadraes na pinakamahaba ang mga araw, ang Asphodel Yard.

Kahit nasa gitna ng disyerto, hindi patag ang Asphodel Yard. Layered ang mga street nito na pinaghihiwalay ng mga hagdan. Habang pababa, mas padilim nang padilim at palaki nang palaki ang mga istruktura na ang inspirasyon ay baroque at gothic.

 Habang pababa, mas padilim nang padilim at palaki nang palaki ang mga istruktura na ang inspirasyon ay baroque at gothic

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masasabi ng kahit na sinong estranghero sa Asphodel Yard na ginawa ng mga katutubo rito ang lahat para itakwil ang araw. Papasok pa lang sa unang tarangkahan ay mausok na. Naaapektuhan ng mga usok na iyon ang ulap kaya naman kahit matindi ang sikat ng araw, animo'y hapon at maggagabi na. Sa mga pagkakataon naman na mas tumindi pa ang sikat ng araw, makakapaglakad pa rin sa mga plaza ang mga bampira dahil sa mga magkakadugtong na catwalk. Dikit-dikit rin at compressed ang mga bakuran ng bawat tahanan at maraming lusutan na sadyang idinisenyo para makasilong kaagad ang mga bampira.

Isa lang ang Asphodel Yard sa mga ideal na tirahan ng mga bampira ngunit ang mga naninirahan dito ay itinuturing na mga walang disiplina at mga mapaghangad ng mga naninirahan sa Ridre

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isa lang ang Asphodel Yard sa mga ideal na tirahan ng mga bampira ngunit ang mga naninirahan dito ay itinuturing na mga walang disiplina at mga mapaghangad ng mga naninirahan sa Ridre.

The Forlorn Madness of Blair BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon