Oeuvre 105

2.2K 118 36
                                    

Oeuvre 105

Nakumpleto na ang tuluyang pagsanib ng ispirito ni Nyx sa katawan ng Jester.

Walang nagbago sa pisikal na anyo ni Redder Black liban lang sa kulay ng kanyang buhok at ang mga kama niya na nangitim hanggang braso.

Tumayo si Redder at nagpasalit-salit ang tingin kay Div Umbra at sa Insanity Weaver.

“A-Ano’ng ginawa mo sa akin, diablo?” Tanong ni Redder kay Div Umbra.

“Aba, bumalik na ang iyong katinuan. Baka dapat ka pang magpasalamat sa akin.”

Nagkibit-balikat si Redder. “Bakit ko gagawin iyon? Hindi ko hiniling ang tulong mo.”

“Mukhang hindi mo makakasundo kahit kailan ang Jester, Dark Lord. Kaya sumuko ka na at ipaubaya na siya sa amin,” singit sa kanila ng Insanity Weaver na nakahanda na ang hawak-hawak na rod para sa posible nitong pag-atake.

Napatitig si Redder sa Insanity Weaver. Napansin iyon ni Div Umbra. “Nasa hitsura mo na kilala mo iyan at ang master niya.”

“Wala akong sasabihing kahit na ano sa iyo, diablo,” pagmamatigas ni Redder.

“A-ha-ha-ha! Ganyan nga, Jester. Ngayon,” Inilahad ng Insanity Weaver ang kanyang kamay sa direksyon ni Redder. “Lumapit ka na rito at sumama sa akin nang tahimik.”

Biglang pimagitan sa kanilang dalawa si Div Umbra. Nakaharap siya sa Insanity Weaver at nakatalikod naman kay Redder.

“Nasa loob niya ang kapangyarihan ng Nyx. Lahat ng pag-aari ko ay hindi ko ibinibigay sa kahit na sino,” mariing sabi ni Div Umbra.

Ngumiti ang Insanity Weaver “Pero maaaring agawin, hindi ba? Lalo na kung patay ka na—UCK!”

Bumaon sa lalamunan ng Insanity Weaver ang isang pin. Mula iyon sa kurbata ni Div Umbra na kakaayos lamang niya ulit kasabay ng kanyang suot. Hindi man niyon talagang nasaktan ang Insanity Weaver, atleast naagaw ni Div Umbra ang momentum.

“Kapangyarihan ng Nyx, sakupin mo ang mga huwad na teritoryo ng kadiliman.”

Dahan-dahang hinarap ni Div Umbra si Redder. Nanginginig ang mga braso ng payaso. May parte niya na nilalabanan ang utos ngunit mas lamang ang pagsunod sa utos ng master ng kapangyarihan.

Inilapat ni Redder ang kanyang mga kamay sa sahig. Isa-isang naglitawan ang mga pulang seal sa bawat void na kontrolado ng Insanity Weaver.

Ilang sandali lang ang lumipas ay may mga aninong kamay na ang nagsisilabasan sa void. Ang ilan ay nahuli ang paa ng Insanity Weaver. May ilan na umagaw sa kanyang Rod.

“TIGILAN NINYO AKO, MGA ANINONG LIGAW! IBALIK NIYO SA AKIN ANG AKING PANGHABI!”

Sinamantala ni Div Umbra ang paghihirap ng Insanity Weaver. Dinampot niya ang espadang nasa sahig at saka lumapit sa Insanity Weaver.

“Isa kang makapangyarihan at maaasahang instrumento ng iyong master ngunit ganito ka lang kadaling mamamatay.”

Sa isang imbay ng talim ng espada, napugot ang ulo ng Insanity Weaver. Nagliwanag ang buo nitong katawan na kalaunan ay naghiwa-hiwalay sa mas maliliit pang bola ng liwanag na unti-unti ring naglaho.

Panaka-nakang bumalik sa ayos ang lahat. Bumalik na rin ang mga haligi at kisame ng basilica ni Eros hanggang sa tuluyan nang mawala ang bakas ng Endormi.

“Blair…” Narinig ni Div Umbra na usal ni Redder. “Ang anak ko.”

Tumayo si Redder at tinunton ang main door ng basilica. Bubuksan pa lang niya ang mabibigat na pinto nang maestatwa siya. Nagbigay na naman ng utos ang diablo.

The Forlorn Madness of Blair BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon