Oeuvre 80

2.6K 150 13
                                    

Oeuvre 80

Blair's POV:

Oriental ang palace ng Viscountess. May kababaan ang bakod na may tisang bubong, end to end. Tumingkayad lang ako ng kaunti, kita ko na ang loob. Hiwahiwalay ang mga silid na pinagdurugtong ng mga tulay at may ilog na nagsasanga-sanga. Basically, parang idinisenyo na ang mga maliliit na bahay ay nakatayo sa patag at 'yung mga tulay ay sa ilog.

Natuwa ako dahil may mga koi sa ilog at napakaraming lumulutang na mga lotus. Karamihan naman sa mga punong nakatanim sa paligid ay plum na naglalaro sa kulay fuschia, pink, red, at orange.

May naririnig akong kantahan sa loob, hindi ko lang eksaktong matukoy kung saan banda. Puros boses babae ang kumakanta at nakakarelax ang kanilang musika.

Kumatok ako sa kulay berdeng gate. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang nagbukas kahit na isa. Nasaan ang mga tagasilbi ng Viscountess? Saka may kantahan sa loob kaya imposibleng walang tao rito ngayon?

Hindi kaya busy silang lahat at hindi muna sila tumatanggap ng bisita?

Tsk. Baka dapat mamaya o bukas na lang ako bumalik.

Nahampas ko ang pinto out of disappoinment at umawang iyon. Bukas naman pala. Subukan ko na lang kayang pumasok? Wala namang mawawala. Hindi naman ako kung sinong intruder.

Humakbang ako papasok. Naramdaman ko ang pagtagos ko sa hindi nakikitang barrier. Nakapasok ako sa loob ng walang kahirap-hirap.

Kung may enchantment ang gate, hindi basta-bastang makakapasok ang kahit na sinong walang permiso. Ibig sabihin ay may permiso ako. Okay. Tinatamad siguro ang mga tagasilbi rito at talagang mas mahalaga para sa kanila ang kasiyahan.

Dumaan kaagad ako sa tulay para makapunta sa pinakamalaking bahay. Sa likod ng malaking bahay na iyon ay may hindi kataasang water falls. Doon nanggagaling ang magandang boses ng mga babae.

May napansin din akong babaeng nakatalikod mula sa view ko. Nakaupo siya sa gilid ng tulay sa gilid ng malaking bahay. May hawak siyang parasol at medyo natatakpan nu'n ang view ng kanyang ulo. Parang may pinapanood siya sa may tubigan.

Siya na ba ang pagsisilbihan ko?

Lumapit ako sa kanya. May hindi ako magandang naaamoy pero hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin.

Doon ay napagmasdan ko na siya nang maigi. Nakasuot ng magandang kimono ang Viscountess. Nakapusod ang kanyang buhok at maraming nakasuksok doong mga palamuting gawa sa ginto, pilak, at jade.

"Milady, ako po si Samsa Stark. Ang inyong magiging Knight mula ngayon," pagpapakilala ko. Ack! Kailangan ko na namang gumamit ng hindi ko tunay na pangalan. At hindi pala maganda kapag pinagsama ko an dalawang ginamit kong pseudoname doon sa mundo ng mga tao. This sucks.

Lumingon sa akin ang Viscountess. Maganda at maamo ang kanyang mukha. Mas lalo siyang gumanda nang ngumiti siya. Kaso may nakikita akong parang marka ng pagkasunog sa ilang parte ng kanyang mukha at leeg. Ayos lang ba siya?

"Mabuti at dumating ka na. Ako nga pala si Kagura Kuzunoha. Ipinanganak ako noon sa Tsina... pero nu'ng nag-migrate ang aming angkan, pinalitan na ang aking pangalan."

Naupo ako sa tabi ni Lady Kagura. Kinuha ko ang kamay niya at humalik ako sa likod ng kanyang palad, tanda ng aming kasunduan.

Nang bibitawan ko na sana ang kanyang kamay, pinigilan niya ako at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Gaya ka rin ba nila na iiwan din ako pagkatapos ng araw na ito?"

Umiling ako. "Hindi ko po gagawin iyon sa inyo."

"Ahh... mabuti naman kung ganoon, Samsa." Ngumiti ulit siya.

The Forlorn Madness of Blair BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon