Oeuvre 118

2.2K 108 9
                                    

Oeuvre 118

Blair's POV:

Nahigit ko ang braso ni Maddox bago siya tuluyang makalapit sa ginoo na kakatawag lang niyang 'Isla'. Nabaling sa akin ang atensyon ni Maddox at halatang inis siya.

Binaliwala ko iyon at tinanong ko siya. "Magkakilala kayo?"

"Oo," tipid niyang sagot.

Wala na akong maisip itanong kaya binitawan ko na siya. Ayoko namang magmukhang chismoso sa harap ng ginoo—teka... tama ba ang nakikita ko na nakatitig siya sa akin?

Sa mga ginintuang mata ko ba siya nakatingin? Nasa mansyon lang naman ako kaya hindi na ako nag-abalang magsuot ng contact lenses... o siguro ay pinagmamasdan niya ang buhok ko na kinulayan ni Maddox?

Mayamaya ay tumingin na rin siya kay Maddox.

"You're... alive," seryosong sabi ni Maddox kay Isla.

Ngumiti si Isla. Ang creepy ng ngiti niya, para bang ini-stretch lang niya ang kanyang mga labi para maipakita ang kanyang mga ngipin. "Sa tingin ko ay may mga bagay kang natutunan pagkatapos kong 'mamatay'?" Iyon lang ang narinig kong parte sa sinabi ni Isla. Bumaba siya ng balustrahe at may ibinulong na kung ano kay Maddox.

Pagkatapos nu'n, nakita kong nagulat si Maddox. Siya na ang lumayo kay Isla at tumabi sa akin.

Sinenyasan ako ni Isla na lumapit sa kanya. Itinuro ko ang sarili ko. "A-Ako?"

Hindi siya tumango o umiling. Inulit lang niya ang pagsenyas gamit ang kanyang kamay. Lumapit na lang ako. Nakita kong itinaas niya ang kanyang kamay pero nadistract ako ni Juan nang mapadaan siya at makita kami.

"Ano'ng mayroon? Sino iyan?!" Ngayon na lang namin ulit siya narinig magsalita at napakamahinahon pa. Sa palagay ko ay mas nakakatakot ang personality niya ngayon kaysa noong basang-basa namin ang pagka-badtrip niya.

May hinila mula sa ulo ko si Isla at nang paglingon ko sa kanya ulit, subo na niya ang marami-rami ring hibla ng pulang buhok.

"Wah! B-Buhok ko iyan?!" Gulat kong tanong habang hinihimas ang parte ng ulo ko na naramdaman kong nanakit saglit.

Tumango-tango si Isla habang nginunguya ang buhok ko! Seryoso ba siya?!

May habit rin ako na magsubo ng buhok pero hindi ko binubunot at nginunguya! "H-H-Hoy! 'Wag mo'ng kainin ang buhok! H-Hindi iyan edible!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nilingon ko si Maddox pero umiwas lang siya ng tingin. Parang hinahantay lang niya ako na sumama sa kanya pabalik ng kuwarto.

Mabuti na lang at lumapit sa amin si Juan. "Sino na naman itong panibagong baliw na pinatuloy ni Reign dito sa mansyon niya?"

Pagkalunok ni Isla sa buhok na nginunguya niya, inilahad niya ang kanyang kamay kay Juan. "No man is an island... but I'm Isla."

May balak sanang makipag-shake hands si Juan kaso hindi na niya itinuloy. Kinamot na lang niya ang palad niya. "Biglang nangati kamay ko. Parang gustong manapak. Makaalis na nga lang dito." Pagtalikod ni Juan, nabunutan siya ni Isla ng may kakapalan ring mga hibla ng buhok.

Gaya ng nangyari sa buhok ko, kinain rin niya ang buhok ni Juan.

Napabuntong-hininga na lang ako para sa susunod na mangyayari...

"KING INA KANG KAMBING KAAAA!" Hindi na nakapagpigil si Juan, sinapak niya si Isla na kaagad napahandusay sa sahig. Tumalsik malapit sa paahan ko ang monocle ni Isla. Pinulot ko iyon.

Inapak-apakan rin ni Juan si Isla na parang basahan. Hindi ko alam kung paano ako aawat. Mukhang hindi naman apektado si Isla. "KAYONG MGA BAMPIRA KAYO, WALA NANG MAGAWANG MATINO! HUH?!"

The Forlorn Madness of Blair BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon