Oeuvre 183

514 28 6
                                    

Oeuvre 183

Blair's POV:

Kakaiba dito sa tore. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa amin. Wala akong nasasagap na ibang aura bukod sa amin ng kamahalan. Ni hindi ko na rin nakita si ama, kung legit na nandito nga ba siya. I am starting to think na isa lang siyang imagination. Baka dahil sobrang missed ko na siya.

Iniabot ko sa kamahalan ang kinuha kong kinakalawang na liyabe. Agad niyang iniabot iyon at ginamit upang higpitan ang turnilyo ng ginagawa naming 'science project'.

Hindi ko sigurado kung ano ang significance ng construction dito sa toreng ito. Isa lamang iyong platform na mayroong arko. Sa arkong iyon ay maraming nakakabit na na mga mahabang pinagdugtong-dugtong na telang may mga nakasulat na hindi ko maintindihang letra.

"Tapos na ito, in physical aspect," biglang sabi ng kamahalan sabay hinagis niya sa akin pabalik ang liyabe. "Kailangan na lang tapusin ang inscription. Ako na ang bahala doon. Para lang iyong nagsosolve ng isang Math problem."

Ngumuso ako. "Naiintindihan niyo po ba ang mga nakasulat?"

Tumango siya. "Oo. Malinaw na malinaw. Nakapagtataka nga, eh."

"Weh?" Hindi pa rin ako kumbinsido.

Ngumiti ang kamahalan. "Hindi ko alam kung ilan ang may alam ng inscription na nandito sa device. Basta ang alam ko ay natutunan ko lang ito mula sa iisang bampira noon. Idiosyncratic ang aking ama. It means may weird habit siya na mag-imbento ng sarili niyang lenggwahe. Of course, he's good at hiding it. He's using them for 'science projects'. You know, we, vampires are boxed by the monarchy with regards to the limits of our powers. Elementers for example, should only be doing what Elementers usually do. Itinatago ng aking Ama ang kanyang mga bagong discovered ability sa pamamagitan ng panibagong lenggwahe."

"Hindi po ba iyon naman ang nature? Kung ano ang nadiscover nating kapangyarihan natin, iyon ang dapat nating i-enhance?"

Tumango ang kamahalan. "Yes. But I think my father is a living confusion. Well, wala na siya ngayon. Maybe he wanted to go outside of his innate powers. For a gentle person, he has a very destructive ancient power. Matagal bago siya nagkaroon ng classification hanggang sa inilagay siya ng mga ministro sa ilalim ng mga Cancellers."

"K-Katulad po pala niya ako..." Pabulong kong sabi. "H-Hindi ko pa rin po talaga alam kung ano ba talaga ang totoo kong kapangyarihan. Pero parang gusto rin nila ako i-classify bilang Canceller."

Tinapik ng kamahalan ang aking balikat. "Ayos lang iyan. Marami pa'ng oras para—Oh, shit. Parang nasa limbo nga pala tayo, ano?"

Niyakap ako ng kamahalan. "We'll figure something out para makaalis ka dito."

Ayos lang ba talaga ako? Mahigit sampung taon na akong pinagbabantaan ng kamatayan at ngayon naman ay pabago-bagong physical age. Hays...

Napatingin ako sa bukas na pintuan. Saglit akong natulala dahil may nakikita akong napakalaking anino sa labas. Sisigaw sana ako ng 'sino iyan?' pero naunahan ako ng pagkagulat nang may makita akong malaking mata sa anino. Kakulay ng sa'kin ang iris ng mata na iyon at waring tinititigan ako tagos hanggang sa aking kaluluwa ng isang higante.

Tlang!

Naibagsak ko ang hawak kong liyabe kaya nagulat ang kamahalan at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "Bakit?"

Wala na ang nakita kong anino at napakalaking mata sa labas nang muli akong bumaling doon. Namalikmata nga lang ba ako?

"K-Kamahalan... m-may nararamdaman ka ba'ng kakaibang aura dito sa tore?"

The Forlorn Madness of Blair BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon