Oeuvre 74

2.8K 162 16
                                    

Oeuvre 74

Blair's POV:

It seems that... mahaba ang alaala ni Hio sa panahong ito... kung saan naganap ang Bubonic plague around 1665 o 1666. Hindi pa rin ako makaalis.

This time, hindi pa alam ng mga tao na daga ang carrier ng sakit.

Nakakatakot na mabasa ang tungkol sa Bubonic Plague sa mga libro. Wala sa hinagap ko na kikilabutan ako nang husto nu'ng mapunta ako dito sa mismong pangyayari.

Ito 'yung tagpong maitatanong mo kung pinabayaan na ba ng Diyos ang mga tao? Galit ba siya kaya nangyari ito?

Ang amoy ng kapaligiran ay amoy ng kamatayan. Sa ilog ay nagsisiksikan ang mga bangkay at nagmistulang floating cemetery iyon.

Sa pampang, mas nakalulunos ang eksena. Pila-pila o kaya ay patung-patong ang mga bangkay...

Hindi ito isang zombie apocalypse. Maraming bangkay pero walang tumatayo para mangagat at manghawa...

Dito, hindi alam ng mga tao kung tinamaan na sila ng contagion. Basta na lang silang nakakaranas ng paghihirap at bigla na lang namamatay. Mamamatay sila kung saan sila aabutan ng kamatayan.

Ang kaibahan nito sa zombie apocalypse, hindi ito isang kathang-isip. Totoong nangyari ito, at malaki ang posibilidad na maulit ito...

Nakaupo ako sa tabi ni Ama. Nanginginig siya habang nakapamaluktot sa dayami at kahanay ang napakaraming bangkay ng mga bata.

Lumuluha ang kanyang kaliwang mata pero walang emosyong mababakas sa kanyang mukha. Nakayakap sa likuran niya si Harlequin at kung anu-anong kasamaan ang ibinubulong nito sa kanya.

"Walang pagmamahal sa mga tao kaya tingnan mo... pinarusahan sila ng Diyos! Ha-ha-ha!"

"Wala ring nagmamahal sa iyo. Walang nagmamalasakit sa iyo. Malas ka. Wala kang ibang alam gawin kundi ang magdala ng kamalasan gaya ng sabi ni Ina!"

"M-Malas a-ako... Ma-las a-ako..."

Napapansin ko na habang iniimpluwensyahan siya ni Harlequin, lalong dumidilim ang aura na nakapaligid sa kanya.

"Hindi ka magiging masaya! Wala kang magiging kaibigan hangga't malas ka!"

Nahiga ako sa tabi ni Ama. Maraming beses kong sinubukan na hawakan ang kanyang kamay. "Ama, mahal na mahal kita. Huwag ka nang malungkot... n-nandito ako. P-Pansinin mo ako. Please..."

Gumuguho na ang paligid.

"Hio, 'wag muna! Ayokong iwan nang ganito si Ama! 'Wag!"

Walang nakinig sa akin. This place crumbled. I fell down. Sa gitna ng isang kalye ako napadpad. Pagabi na kaya nagliligpit na ang mga mangangalakal na nag-aalok ng kanilang mga paninda.

Namataan ko kaagad si Ama mula sa 'di kalayuan. Madali lang siya ma-locate dahil sa kakaibang kulay ng kanyang buhok. Hindi na siya gusgusin. Makulay ang kanyang suot... para siyang isang pierrot.

May nahagip ang mga mata ko, pahayagan na binabasa ng isang ginoong dumadaan. Napansin ko na ang petsa ay 1791. Malapit nang matapos ang pamumuno ni King Louis XIV ng France.

"Ring-a-round the rosie
Pocket full of posies
Ashes! Ashes!
We all fall down."

"Ring-a-round the rosie
Pocket full of posies
Ashes! Ashes!
We all fall down."

Pinalibutan ng mga kumakantang bata si Ama habang siya ay tumutugtog ng plawta.

Mayamaya ay isa-isang nagsitumbahan ang mga bata. Huminto sa pagtugtog ng plawta si Ama. Lumapit siya sa mga bata at sinuri ang mga iyon.

The Forlorn Madness of Blair BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon