Oeuvre 170

972 42 14
                                    

Oeuvre 170

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oeuvre 170

Reign's POV:

After dealing with Cianna's mess, wala na talaga akong tiwala sa mga undead. I really hope Tamara is okay. I can sense desperation from her. Maaaring na-brainwashed siya ng undead na iyon. But what can I do? She didn't gave me a sign that she's in danger.

Sunud-sunod na ang mga hindi magandang nangyayari.

Tumungo ako sa kuwarto kung saan ko ipinalipat si Blair. A strong barrier is in effect. Ipinagbabawal ko sa lahat ang pagpasok dito lalo na kay Isla.

Humila ako ng armchair at naupo sa tabi ng kamang hinihigaan ni Blair Black. I was named his guardian but in times like this, I really can't do much. At tila sinasadya ng tadhana na may nalaman ako tungkol sa kanya via Lord Ae.

Kinuhanan siya ng DNA ni Lord Ae nu'ng inoperahan siya nito. He unexpectedly discovered a match. Blair's DNA had a paternal match with the current king's DNA. That is not 100% but it's highly unusual, said Lord Ae. There are also traces of modification to his prints.

Kumbinsido si Lord Ae na ang magulang ni Blair Black ay ang mahal na Hari, ngunit somewhere along, nagkaroon siya ng progenitor, which is I think, Lord Redder Black. He inherited his eyes so that must be during infancy.

Everything will be in place even if this remained a secret. But I'd like to solve this mystery. I don't doubt Lord Ae's capabilities and that he will never lie to me. But he's not credible to others especially now... I need to prove this.

Ang alam namin tungkol sa mahal na Hari ay namatay noon ang kanyang anak pagkasilang niyon. Hindi noble ang kanyang asawa at nawala ito sa radar ng mga paniki. Umalis daw ito dahil hindi nito matanggap ang nangyari sa kanilang anak.

Nasa akin ngayon ang burden na i-reunite si Blair sa kanyang tunay na mga magulang. Gusto ko ring malaman kung sinadya ba ng mahal na Hari na alisin si Blair sa buhay nito o hindi.

Masama ang kalagayan ng mahal na hari ngayon. Siya ay nasa comatose state ang sabi ng ilang paniki. Ganoon din ang nangyari kay Blair.

'Di ko maiwasang isipin na maaaring konektado ang nangyayari sa kanila. Isang Arca ang mahal na Hari habang si Blair naman ay capable na paglakbayin sa dreamland ang kanyang consciousness.

Tumayo ako. Siguro ay marami kaming oras dito sa waking world upang maghintay, ngunit si Blair, maaaring wala nu'n, kung saan man siya napadpad.

Lumabas ako ng silid, natamaan ko pa ang mga eavesdropper dahil hindi nila expected na lalabas ako.

"Tingin niyo ba ay magsasalita ako nang mag-isa?" Tanong ko habang tinitingnan ko isa-isa sina Juan, Maddox, Penumbra, at Isla na hawak-hawak ni Juan sa braso.

The Forlorn Madness of Blair BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon