Aubrey's POV
At dahil wala kaming magawa ngayong Saturday night,may usapan ang barkada na pupunta kami sa Crazy Lounge.Gimmick na ituu! Party Party!
Ang call time na ginawa ng ever-masungit naming kaibigan na si Quianna Maureen Wittman ay 8:00 pero wala pa rin ang aming PABEBE Queen na si Cassandra Eunice Grazer.My goodness! Nagsasaya na kami rito tapos siya papunta pa lang? WTF?
"Cass! Here!" sigaw ng bungangerang si Pauline Claire Trinidad.
Agad namang napatingin sa kanya si Cass kaya dali-dali itong pumunta sa gawi namin.Muntik pa nga itong madulas buti na lang nahawakan niya yung upuan.Now,who's clumsy?
"Katagal mo girl,nagdrama ka na naman sa Mommy mo para payagan ka no?" tanong ni Angela Gemine Leoberse.Natawa na lang ako sa sinabi niya.Lagi naman eh!
"Hindi na kayo nasanay!" dugtong pa ni Leanna Colleen Baldwin.Kahit kailan talaga 'tong dalawang to.Naggagatungan!
"Grabe! Eh sa ayaw akong paalisin eh.Anong magagawa ko?" nakapout niyang sabi sa amin.Dami talagang drama nito sa buhay.Tinawanan na lang namin kasi lagi namang ganito sitwasyon niya.
"Wooohh! Party Party!" pagewang-gewang pa maglakad 'tong kambal kong si Aliyah Marisse Porter.Nakainom na 'to,panigurado.
At sa inaasahan nga,pagkaupo niya.Tulog agad! Tsk tsk tsk. Mahina!
Patuloy lang kami sa pagsayaw dito sa dance floor nang biglang tumigil ang lahat sa pagsasayaw.Maging kaming magkakaibigan ay napatigil dahil hindi namin inaasahan ang nangyaring ito at tinignan ang sanhi ng sandaliang pagtigil ng kasiyahan.
Hindi na ako nagulat dahil talaga namang makalaglag hininga ang buong barkada ni Kuya Ash.Nagsimula na rin ang bulong-bulungan.Katulad na lang ng:
Nandiyan na ang mga Clastal Jays!
Papa Cliff Hurley Williames,I love you!
Hello Kennedy Miller,can you be my boyfriend?
Ang hot mo talaga Aldric James!
Ang Sexy mo talaga Alec Steig Preston!
Pogi pogi talaga ng Asawa kong si Jasper Liame Lionhart! Aaahhh!
Ang gwapo talaga ni Ash Marvin Porter!
Ney! Mas gwapo kaya si Papa Jonas Cleese Absury!
Balita ko,ngayon na lang ulit sila napadpad dito pagkatapos ng nangyaring aksidente kay Baby Cleese.
Kawawang-kawawa siya nun di ba?
Oo nga eh,sana ako na lang ka-forever niya!
Napaisip ako sa huli kong narinig.Anong aksidente yun? Bakit naman siya naging kawawa? Tss.May part sa isip ko na kailangan kong malaman ang nangyari pero parang ayaw ko kasi masasaktan ako? What? Pinagsasabi ko? Naguguluhan na ako! Pake ko ba kasi dun?
Nagfake naman ng ubo ang Kuya kong mahangin na akala mo sobrang gwapo kaya naman balik agad sa kanya-kanyang business ang mga tao dito sa club.Umupo naman kaming magbabarkada kasi parang naudlot kasiyahan namin dun.Bitin kumbaga! Ayoko pa man din namin ng nabibitin.
Nagulat kami ng inokupa nila Kuya ang mga upuan sa kabilang table na katapat namin.Akala ko pupunta sila sa VIP Lounge kasi mukhang kailangan nila ng privacy.Yung mga titig ba naman ng mga bruha dito halos hubadan na nila yung mga Clastal Jays?
Nararamdaman ko parang may nakatitig akin.Tumingin ako sa harapan ko ganun na lang ang laking gulat ko nang tinititigan ako nitong si Cleese kaya naman nang mapansin niya yatang nakatingin na ako sa poker face niyang mukha ay sabay kaming nag-iwasan ng tingin.
Parang biglang umalingawngaw yung mga sinabi kanina ng mga bruha dito tungkol sa mapait yatang karanasan ni Cleese.Ano kayang totoong nanyari sa kanya?
Hindi yata ako makakatulog kakaisip dun.Sabagay,bakit ko nga ba pinagkakaabalahang isipin yun?
〰
Me:Lounge?
Lounge Bondpaper?
Footlounge?
Bulongue?
Pagulongue-gulongue?
Tulongue?Tama na yaaan...
Corny na!
Click VOTE.Or else?
I'll viSH*T you tonight!
*evil laugh*

BINABASA MO ANG
I'm Different
Teen FictionWe can win life by all means if we simply avoid two things in our lives: ✔COMPAIRING WITH OTHERS and ✔EXPECTING FROM OTHERS