Aubrey's POV
Maaga akong papasok ngayon dahil pupunta daw lahat ng students sa Auditorium.
Tapos na akong gumayak kaya naman bababa na ako para dun na lang hintayin ang mga kapatid kong PABEBE.Pero pipihitin ko pa lang sana yung door knob nang may magring na phone sa side table ng kama ko na kasabay naman ng pagsigaw ni Kuya Ash ng,
"Lil' sis,sagutin mo nga kung sino mang tumatawag diyan!" sigaw niya mula sa banyo Ko.Nakalimutan ko pa lang sabihin na dito naligo si Kuya dahil sira yung shower niya kaya yun..
Naka-indicate doon ang pangalan ng caller I.D na Cleese?
[Hello bro?] tanong sa kabilang linya.
"Hello?!" alanganing sagot ko rito.
[Where's Ash?]
paghahanap nito kay Kuya.Parang narinig ko na 'yung boses niya sa kung saan eh."Ahm! Naliligo si Kuya Ash eh" sagot ko sa kanyang katanungan.
"Ah okay. Can you please tell him that we will have a training tomorrow at Saunders Gym,9:00 am.SHARP!" blangkong sabi nito.Para siyang nabubuhay na wala man lang kaemo-emosyon.Pero familiar talaga yung boses niya.Saan ko kaya yun narinig?
"Copy!" masiglang sabi ko rito para naman maging light ang atmosphere.Magbababye pa naman sana ako kaya lang.Bwisit! Pinatayan ba naman ako?!
Hayyyy! Makababa na nga!Few moments Later...
Sa wakas makakaalis na rin kami.Kakupad talaga nilang gumalaw kahit kailan.Halos tuyo na nga 'tong buhok ko nang makarating kami sa Auditorium eh.Buti na lang kasama ko 'tong mga baliw kong mga kaibigan dito.
"Nakakaantok naman dito.Ano ba kasing gagawin natin sa lugar na 'to!" nakasimangot nang sabi ni Aliyah.
"Aba! Bobita ka,ngayon ka na nga lang namin nakasama gusto mo pang umalis?" nakapameywang na sabi ni Claire sabay harap dito.
"Ni hindi mo nga kami kinakausap sa klase kapag pumapasok ka man!" Hay naku! Masungit na naman 'tong si Maureen.
"Malamang! Natutulog yan lagi." hilig talagang mangsulsol nitong si Leana kahit kailan.
"Jusko! Di na kayo nasanay diyan." dagdag pa ni Gemine.
"Ay! May naalala ako.Hindi pa ba naikukwento sa'yo ng kambal mo yung nangyari sa kanya kahapon?" excited na tanong ni Cassandra.
"Hindi pa,ano ba yun?" nagtatakang tanong ni Lia sa kanila.Halos titigan na nga niya isa-isa yung mga yun,sabihin lang nila yung tungkol sa kahapon.Halos patayin na nga niya ako sa masamang titig niya eh! Lagot! Hindi ko nasabi sa kanya! Inirapan pa ako ng gaga.
At dahil sila ang nakasaksi ng mga pangyayari,kwinento nila ang bawat detalye ng nangyari kahapon at pagkatapos nito ay sinundan ng mga impit na tawa,baka kasi mapagalitan kami at tuluyang mapalabas.Binigyan na kasi kami ng warning kanina eh.Ewan ko pero habang nakatingin ako sa kanila,naalala ko na naman yung tumawag kanina kay Kuya.Sino ba si Cleese? Bakit familiar yung boses niya? Naghahallucinate lang ba akong parang 'yung lalaking natuhod ko sa fighting ground 'yung tumawag? Baka nga nag-iilusyon lang ako?! Oo baka nga?! Tss. Ewan!
-
Katagal ko na naman mag-update.Sorry na! Wala akong maisip eh.Kaya ang resulta,TSENEN...
Lame updateClick Vote.Or else?
I'll viSH*T you tonight!
*evil laugh*

BINABASA MO ANG
I'm Different
Teen FictionWe can win life by all means if we simply avoid two things in our lives: ✔COMPAIRING WITH OTHERS and ✔EXPECTING FROM OTHERS