Chapter 2 - For the Second Time Around

23 1 0
                                    

Aubrey's POV

Kanina pa namin ginigising 'tong kapatid kong si Aliyah na sarap na sarap sa tulog.Tulo laway!

Syempre as a concern siblings,kailangan na namin siyang gisingin para hindi kami malate.

"Hoy Aliyah! Gumising ka na diyan!" sigaw namin nila Kuya Ash,Ate Agatha at ni Alec.

Pero ang gaga,nagtalukbong pa ng kumot at humihilik-hilik pa! Kainis 'to!

Ting! I have a bright idea.

Ibinulong ko sa mga kapatid ko ang gagawin namin para magising pati kaluluwa ni Aliyah.

Nagtinginan kami at sabay-sabay na sumigaw ng...

"Sunoooooooooooooog!!!"

Napabalikwas naman ito ng bangon at walang tigil sa pagsigaw ng 'nasaan ang sunog'.Dumiretso pa siya papunta sa lagayan namin ng fire extinguisher at pikit-mata pang itinutok sa amin ang hawak niya.

Pagkatapos ng palabas niya,sabay-sabay kaming humagalpak sa tawa pero napatigil kami nang makita namin siyang masama ang tingin sa amin kaya naman dali-dali kaming lumabas ng kwarto niya at baka mabato pa kami ng fire extinguisher na mahigpit na niyang hawak sa ngayon.Masakit pa naman kapag tinamaan ka.

Walang tigil pa rin kami sa kakatawa hanggang sa makababa kami sa kusina.Tinanong pa kami nila Mom at Dad kung bakit ang ganda ng gising namin.Kwinento naman namin sa kanila ang lahat kaya 'yun,humagalpak din sila sa tawa.

Unti-unti,may naririnig kaming yapak sa hagdan na alam naming si Aliyah na 'yun pero hindi pa rin kami tumitigil hanggang sa makaupo siya.

"Nakakainis kayong lahat! Arggghh!!!" nanggagalaiti niyang sabi sa amin.

"Pfft--Eh Lia,late ka kasi gumising eh kaya ga--pfft nun pfft--" pigil-tawang sabi ni Dad.

"Tama lang naman ginawa namin ah,Twiny!" nakangising sabi ko sa kanya.Maasar pa nga!

"Isa ka pa! Akala ko magkakampi tayo dahil kambal tayo pero hindi pala,Traydor!" nakapout nitong sabi sa akin.Nakonsensya tuloy ako.Huhu

"Tsaka lil' sis,ginising ka lang naman namin.Haha" tumatawang sabi ni Kuya Ash.Baliw!

"Haha.Sa susunod ikaw na mauunang magising huh?" alok ni Ate Agatha na halata namang imposibleng magawa ni Aliyah.Tsk tsk tsk!

"Kami na nga nagmamalasakit Ate eh!" kakamot-kamot pang sabi ni Alec.Sus! Nagdrama si bunso.

"Tulog-mantika kasi eh!" gatong pa ni Mommy.Haha.Loka-loka!

"Fine.Sorry." nakasimangot nitong turan sa aming lahat.Wala kaming masabi kaya nagtawanan na lang kami.

Pagkatapos naming kumain,naghanda na kaming lahat sa pagpasok pero nakabihis na kami't lahat-lahat hindi pa rin bumababa si Aliyah kaya kinulit-kulit pa namin siya kanina na pakibilisan ang galaw dahil malelate na kami.Sabay-sabay kasi kami papasok eh.
Mukha kaming convoy kasi puro black 'yung mga sasakyan namin.Haha.Leche!

-

@Katzenburg University

Hindi man lang ako hinintay ng mga kapatid ko.Napalayo kasi pagpapark ko eh kasi naman...
Magpapark na sana ako kaya lang inunahan ako ng kung sino man sa pagpasok ng kotse ko.Ilang ulit ko na ngang binusibusinahan pero nang hindi na ako nakapagtimpi,binabaan ko na lang.Kinatok-katok ko pa 'yung tinted windshield niya bago nagsalita na alam ko namang hindi rinig sa loob.

"Hoy! Alam mo na ngang ako ang magpapark,talagang pinilit mo pa ring ipasok 'yang kotse mo! Tanga ka? Bwisit! Bumaba ka nga diyan." nakapameywang kong sabi sa kanya.Bumaba naman ito at agad akong napayuko nang mamukhaan ko siya.Lagot! Siya 'yung lalaking tinuhod ko dun sa fighting ground.

Nagsmirk ito bago ako sinagot ng "You.Again." madiin nitong sabi sa akin.Nakailang ulit na nga akong lunok pero talagang hindi nawawala ang kaba ko.Teka! Bakit nga ba ako kinakabahan?

Tumungo ako para makita 'yung mukha niya pero nagulat ako nang nanlilisik na ang mata niyang nakatingin sa akin.Parang papatay?

"A-ah ah-- Sige.Ha-hanap na-aa la-lang ako ng ibang pagpa-paparkingan." nauutal kong sabi rito pero napatigil ako sa pagsakay sa kotse ko nang sinabi niya ang mga katagang 'MAGTUTUOS PA TAYO'.Parang binuhusan ako ng balde-baldeng malamig na tubig dahil sa sinabi niya kaya binilisan ko nang maghanap ng mapaparkingan at pumasok na sa aking klase.Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano nakalayo ako dun sa halimaw na 'yun.Haay!

Late update guys! Exam kasi namin 'yung dapat na araw ng pag-uupdate ko.Hindi na ako nakapagpaalam kasi busy ako sa pagrereview.Salamat!

Please click VOTE Or else...
I'll viSH*T you tonight!
*evil laugh*

I'm DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon