Aubrey's POV
Kung makapagbigay naman yung mga prof namin ng mga requirements akala mo yun lang palagi iniisip namin.May kanya-kanya rin kaya kaming mga problemang kinakaharap sa buhay tapos dadagdagan pa nila.Kalbaryo na mapupuntahan nito!
"Okay guys! I'll announce to you who will be your partner for your research paper." matinis na sigaw ng matanda naming prof sa Physics.
"Claire~Ash
...
Maureen~Kennedy
...
Gemine~Liame
...
Cassandra~Jasper
...
Leanna~Aldric
...
Aliyah~Steig
...
Brian~Charice
...
Katagal naman akong tawa--
Aubrey~Cleese
Ah! Si Cleese lang pa-- Huh? Aubrey? Di ba ako yun? Cleese? What? Siya? Siya ba talaga? Tama ba pagkakarinig ko? Hindi 'to pwedeeeee!!!
"Your research sholud be past next week.I hope you'll finish that as early as you can.Help each other okay? Thank you! Bye." paalam ng prof namin.
Bakit naman kasi siya pa yung partner ko? Makipagpalit kaya ako?!
Ni hindi nga kami close eh.Paano namin matatapos agad yung research kung warla kami?
Haaayy! Mag-iindividual na nga lang ako! Tss.Wala akong magagawa.
Tumingin ako sa partner ko pero ang gago nakatingin lang sa labas ng bintana na parang ang lalim-lalim ng iniisip?
Makapunta na nga lang ng cafeteria.Ikakain ko na lang 'to!
"Hoy Aubrey! Saan ka pupunta? Tapos na ba kayo magplano?" pagalit na namang tanong nitong si Maureen.Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot.Tinatamad akong makipaglokohan ngayon lalo na kung minamalas ka sa naging partner mo.
"Sama kami!!" sabay-sabay nilang sabi.Weird?
"Bakit pa kayo sumama?" blankong tanong ko sa kanila.
"Boring rin kasi sa room eh!" sagot ni Leanna.
"Tara boycott tayo!" suggest ni Claire.
"Kahit kailan kagaling talaga ng pag-iisip mo no?" sarcastic na sabi ni Cassandra
"Syempre naman! Pagdating sa mga ganito active 'tong utak ko!" proud pang sagot ni Claire.
"Proud ka pa no? Akala mo naman tama yung mga sinasabi niya!" dagdag pa ni Aliyah.
"Bakit? Gusto mong pumasok huh Aliyah?" nakakatawa yung tanong nitong si Gemine. Haha. Oo nga naman kasi. Parang gusto naman kasing pumasok ng kambal kong yan. Matutulog rin lang naman yan sa klase!
"Sabagay! Tama ka rin diyan." pagsang-ayon ni Aliyah sa sinabi ni Gemine sa kanya.Sabi na nga ba eh!
"So? Dating gawi?" naeexcite na sabi ni Claire. Nauna na ngang maglakad eh!
Nagtataka kayo kung bakit dating gawi? Kasi nga ginawa na namin 'to dati. Actually,pang-apat na beses na namin itong gagawin. Kaya lang napa-isip ako na baka mahuli ulit kami. Noong pangalawang beses kasi naming magcutting,nahuli kami ng guard na magduduty pa lang nang oras na yun,eh sa back gate kami laging dumadaan kapag ayaw na namin pumasok tapos sakto naman dun din pumasok yung guard eh di huli kami. Gets? Basta yun. Mag-iingat na lang siguro kami.
BINABASA MO ANG
I'm Different
Teen FictionWe can win life by all means if we simply avoid two things in our lives: ✔COMPAIRING WITH OTHERS and ✔EXPECTING FROM OTHERS