Aubrey's POV
Maaga pa lang nandito na ako sa school. Ayokong makasabay ngayon mga kapatid ko. Walang tigil ba naman akong inasar kagabi dahil sa nangyari sa amin ni Cleese kahapon. Pinangunahan pa ng madaldal kong Kuya na sinuportahan naman ng walangya kong kambal. Eh di piligro? Kawawa ako kagabi kaya hindi ako nakakain. Nagkulong agad ako sa kwarto. Nakakainis kasi mga sinasabi nila. Kesyo..
'Bagay kayo Aub!'
'Nagkakamabutihan na ba?'
'Ano ng level?'
'Nanliligaw na ba?'
'Sagutin mo na!'
'Hindi kami tututol'
Hindi ko sila pinapansin sa mga sinasabi nila sa'kin hanggang sa napuno na ako. Plinano ba naman na agad 'yung kasal daw namin ni Cleese balang araw. Nakisali ba naman sila Mom & Dad. Sumigaw akong 'Tumigil na nga kayo!' pero ang mga g*go,tinawanan lang ako.
Narindi ako sa mga sinasabi nila kagabi kaya sila ang dahilan kung bakit gutom ako ngayon. Makapunta na nga lang sa cafeteria. Nakakabwisit talaga!
Umorder ako ng burger,fries,chicken,spaghetti,burrito at iced tea. Sarreh! Gutom ako! Tsaka,wala pa naman masyadong tao rito kaya Go lang sa lamon career ko today.
Pagkatapos kong kumain,diretso agad ako sa room para sa first subject ko kahit malayo pa ang time. Matutulog na lang ako,tutal bawal malate sa subject na 'to. Lagot ka!
Nagising ako ng may biglang humampas sa akin sa balikat ng pagkalakas-lakas. Napabalikwas ako at muntik ng ihampas ang inuupuan ko sa humampas sa akin. Sabi nga nila 'Biruin mo na ang lasing,huwag lang ang bagong gising'.
Buti na lang napigilan ako nila Gemine at Leanna kung hindi warak mga buto ngayon ni Claire. Bwisit na nga ako sa bahay pati ba naman dito? Tss!
"Calm down. I'm sorry okay?" natatawang sabi ni Claire. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Bwisit!
"Oh sis? Why so serious?" kunot-noong tanong ni Aliyah.
"Who cares?" umirap ako at padabog na umupo sa kinauupuan ko kanina.
"La? Kaya nga kami nandito eh!" bulyaw ni Maureen. Inirapan pa ako at kumuha ng upuan at tumabi sa'kin.
"Dali,kwento na 'te!" excited na sabi ni Leana. As if naman!
"Baka matulungan ka namin sa problema mo!" gatong na naman ni Gemine. As usual!
"Alam mo,kaya nga tayo magkakaibigan pero kapatid ang turingan para may masandalan ka sa lahat ng bagay!" Jusko! Kadrama na naman nitong si Cassandra. Kala mo true!
"Wala akong problema!" matigas kong sagot sa kanila. Tumingin naman silang lahat sa akin na parang hindi pa rin naniniwala sa sinabi ko. Kilala na talaga nila ako. Wala talaga akong maitatago sa kanila. Hayyy!
"Okay!" simula ko.
"Yesss!" excited na namang sabi ni Gemine with palakpak pa talaga ah. Yung totoo? College na ba talaga 'to? Bakit nandito 'to?
Napatigil kami sa pag-uusap at dali-dali ng umayos sa iba't ibang kinauupuan dahil naririnig na namin ang mga yabag ng strikto naming prof sa Social Science.
"Later." bulong ko sa kanila kasabay ng pagpasok ni Mr.Arellano.
Sa prof na 'to,walang greetings-greetings sa kanya basta lesson agad pero hindi ka niya pagbabawalan na mag-ingay dahil kapag pagcocompute na ng grade,bawal mo rin siyang bawalan na bigyan ka ng minus o kung mas malala ginawa mong pag-iingay,buburahin niya talaga pangalan mo. Hindi ka niya kikilalaning estudyante niya. At maibabalik lang ang pangalan mo kung maglilinis ka sa room niya. 'Yan ang rule niya sa klase. Nakakainis pero kailangan sumunod,pilosopo 'tong prof na 'to eh. Mapapahiya ka sa klase kapag nabwisit mo 'yan!
BINABASA MO ANG
I'm Different
Teen FictionWe can win life by all means if we simply avoid two things in our lives: ✔COMPAIRING WITH OTHERS and ✔EXPECTING FROM OTHERS