Chapter XI - Her

13 0 0
                                    

Cleese's POV

Community service for 1 week,huh? Anong akala ng matandang hukluban na 'yon? Susunod ako sa kanya? D*mn his ass!

Hilig talaga nun magpahiya kahit kailan. Ano siya santo? Kaya lang naman ako nalate because I visited her. If you didn't know! It's her birthday and unfortunately her Death Anniversary. For pete's sake! I just wanna forget the bad things we had. Tss,stop this drama. Makapunta na nga lang ng cafeteria. Mag-isa na lang pala ako dito sa loob ng room. Nasaan na kaya yung mga ugok?

Pagkapasok ko pa lang ng cafeteria,rinig na agad mga tawanan galing sa dalawang table malapit sa counter. Mukhang nagkakasiyahan sila kahit wala ako. Sabagay! Hindi rin naman ako makakatawa ngayon. Hayyy!

Makaorder na nga lang ng makakain. Uupo na lang siguro ako sa ibang table.

Wala nang available seats sa mga table ng cafeteria at kung minamalas ka nga naman. Sakto pang napatingin sa gawi ko si Ash. Umiiwas na nga 'tong tao eh!

"Oh! Cleese,halika ka na Pare huwag ka nang mahiyang umupo dito sa amin." pag-aaya sa akin ni Ash. Psh! Hindi na ako makakatanggi kasi nagtinginan na lahat ng ugok sa akin pati na rin sila kwan. Argghh! Sila Aubrey. Yung kahawig ng mahal ko na nasa heaven na. Tss.

Umupo na lang ako sa tabi ni Ken na busy sa pangingindat kay Maureen. Close na pala sila? Di ba masungit na kaibigan ni Aubrey yan. Paano niya napaamo?

Tahimik lang akong kumakain habang sila nagtatawanan.

"Kung iniisip mo yung nangyari kanina,hayaan mo na lang si prof Cleese. Hindi ka na nasanay dun!" bulong sa akin ni Ken.

"Hindi no! Bakit ko naman iisipin yung matandang yun." inis na sagot ko sa kanya. Mukha pa lang nun,nakakasuka na!

"Haha. Mandiri ka nga bro!" lokong sagot ni Alec kay Ken. Napabuntong hininga na lang ako at sa hindi sinasadyang pagkakataon,napatingin ako sa gawi nila Aubrey. Hindi ko alam na nakatingin rin pala siya sa akin kaya agad itong umiwas ng tingin.

"Paano na 'yan Cleese,community service daw?" mahinahon na tanong ni Liame. Kumibit balikat na lang ako bilang sagot.

"Ahm By the way,bakit ka nga ba nalate kanina?" tanong ni Cliff habang kumukuha sa pagkain ko. Patay Gutom talaga!

"Binisita ko siya." nung una,nagtataka sila kung sino ang tinutukoy ko nang di kalauna'y sabay-sabay silang na pa "ahh si Jasmine". Kilala na talaga ako ng mga kaibigan ko. Pagkatapos kasi ng nangyari noon bihira na lang mapunta sa usapan namin ang lahat ng tungkol sa kanya. Nakakapagod rin kasing alalahanin ang mga bagay na hindi na pwedeng maibalik.

Nagsibalik na ulit sila sa pagkukwentuhan na parang pilit iniiwas ang tungkol sa kanya.

Lumapit sa akin si Ash at bumulong ng "Di ba birthday ni Jasmine ngayon?" malungkot na tanong niya sa akin. Tanging tango na lang ang naging sagot ko sa tanong niyang 'yun.

"At ang masaklap pa Death Anniversary niya rin di ba? Naalala ko pa yung mga pangyayari noon. Hayyy!" pabulong niya ulit na sabi sa akin.

"Ang bilis niyang nawala eh." mapait akong napangiti sa sinabi ko. Pero alam ko namang may mas malalim na dahilan kung bakit siya kinuha sa amin.

Tumungo kaming dalawa pero hindi namin alam na nakalapit pala sa amin ang mga ugok kaya nagka-untugan kaming lahat.

"Mga tsismoso kasi!" sigaw ni Ash habang hinihimas ang ngayon nang namumula niyang noo.

"Nagsasarili kayo eh!" sagot naman pabalik ni Aldric.

Nagtinginan kaming lahat sa sinabi ni Aldric. Iba ang naiisip namin sa sinabi niya eh. Lalaki rin kami no! Tinitigasan din! Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon