Aubrey's POV
Papasok pa lang ako sa loob ng room,natanaw ko nang sumasalubong ang mga kaibigan kong may mga saltik.
"Aaaaaahhhh! Aubrey,namiss kita!" napatakip agad ako sa aking
tenga nang biglang sumigaw 'tong si Claire palapit sa akin at sinunggaban ako ng napakahigpit na yakap.Napakajolly at sweet talaga nitong kaibigan kong 'to."Let go.Can't breathe." Pagkasabi ko nito agad naman siyang kumawala sa akin.
"Saan ka naman nanggaling aber?" taas kilay na tanong nitong si Maureen.Sungit ba? Ganyan 'yan,palaging may dalaw.
"Hindi ka man lang nag-abalang kamustahin kami." nakapout na sabi ni Cassandra.Ang dakilang drama queen ng barkada.
"Nakakatampo ka girl,hindi mo man lang kami naalala." singit naman ni Leana.Ang pinakamakulit sa amin na minsan weirdo.
"May iba ka sigurong pinagkakaabalahan,ano girl?" sinundot-sundot pa ako ni Claire sa tagiliran habang tinatanong ako.
"Ano naman?" nagtataka kong tanong.Ano ba dapat? Hindi ko alam eh!
"Aba! Malay namin sa'yo.Nakasama ka ba namin nang ilang linggo ha?" bulalas nitong isa pang kaibigan kong si Gemine.OA talaga 'to kahit kailan!
"Fine.Sorry!" naalala ko,busy pala ako nun sa pagsama kay Kuya Ash sa mga practice niya para sa laban niya nung isang araw.Supportive sister here!
"By the way,nakita niyo ba si Lia?" pagtingin ko sa kanila,nakasimangot silang lahat sa harapan ko.Jusme!
"Matutulog daw muna siya sa library,maaga pa naman daw." malungkot na sagot ni Leana.
"As if naman! Tinatamad lang yun pumasok no! " gatong naman ni Claire.Kahit kailan talaga!
Sa paglipas ng oras,parang walang pumasok sa utak ko na lesson namin ngayon.Hindi kasi talaga ako nakinig kanina sa mga nagsdaang mga prof namin.At si Athalia hindi pumasok! Lagot kay Kuya Ash 'yun mamaya.Tsk tsk tsk!
-
@School Cafeteria
"Ano sa inyo mga ugly duckling?" tanong sa amin ng ever-nagmamagandang si Claire.Masyado talagang epal!
"Ganda mo girl!" sabay-sabay naming sigaw sa harap niya! Pero ang gaga,walang naisagot.Nalagutan na yata ng hininga.
"Grabe! Hindi ako nakahinga dun ah.Hindi kasi ako makasagap ng fresh air." lokong sagot nito sa amin.
"Hiyang-hiya kami sa amoy ng hininga mo no? Amoy air freshener kasi eh!" sabat pa ni Gemine.Napailing-iling na lang ako sa mga may saltik kong kaibigan.
"Tama na 'yan! Sinong oorder? Gutom na ako eh." pagtigil ko sa sagutan nila.Maiba pa mapuntahan eh.
"Ikaw!" sabay-sabay pa silang sumagot.Gulat pa 'ko.
"Easy!" nakataas kamay ko pang awat sa kanila.
Iba talaga kapag mabait ka. *cough cough cough*. Naubo pa ako! May mali ba sa sinabi ko? Wala naman di ba?
Bumili na ako ng mga order namin at bumalik na sa aming table.Paglapag ko ng mga pagkain namin,nakarinig na naman ako ng iba't ibang reklamo nila.
"Uy babae! Nasaan mga drinks natin?" masungit na namang tanong ni Cassandra.
"Nag-order ka na nga,hindi mo pa kinuha?" gatong pa ni Claire.Grabe! Most bullied friend goes to ... AUBREY MARIANE PORTER.Congrats sa akin! Yehey?
"Grabe! Mahahawakan ko ba lahat? Dalawa lang kamay ko 'di ba?" naiiyak ko nang sabi sa kanila.Syempre! Paawa effect.
"Eh 'di sana nagpa-assist ka 'di ba?" dagdag pa ni Leana
"Minsan,gamitin mo rin kasi utak mo Aubs!" natatawa nang sabi ni Gemine.
"Oo nga,baka mabulok.Ay! Meron ka nga ba nun?" nang-iinis pang tanong sa akin ni Maureen.Inirapan ko na lang,asar eh!
"Tss.Makakuha na nga ng inumin ng mga MADAM!" sinadya ko talagang marinig nila para naman makonsensya sila.Pero nakarating na ako sa counter at lahat-lahat wala pa ring sumusulyap sa akin kahit isa man lang sa kanila at magkaroon man lang ng pake para tulungan ako sa pagbuhat dahil nabibigatan na ako.Wala pa rin! Ibig sabihin lang nun ako lang masi---
"Aaayyyy!!!" sigaw ko dahil nadulas ako,may tubig pala sa dinaanan ko kaya naman 'yung hawak kong mga--
Nasaan na 'yung hawak kong..
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ang isang lalaking basang-basa ang uniform dahil natapon lahat sa kanya 'yung mga juice.Lagot na naman ako nito! Lamunin mo na ako oh lupa!"Are you really pissing me off?" madiin na bigkas nito bawat salitang lumabas sa bibig niya.Ah! Paano ako makakawala dito? Tumingin ako sa table ng mga friends ko pero lahat sila nakatitig lang sa amin.Wala talaga akong maaasahan sa kanila.Tsk tsk tsk!
"Ahm-- So--sorry hi--hindi ko--o sina--sadya." nauutal kong paumanhin dito kay mokong.Sh*t! Unti-unti nadadag-dagan 'yung mga kasalanan ko sa kanya.Waaahh!! Sana last na naming pagkikita 'to.
"Clumsy!" 'yan ang huli niyang sinabi gamit na naman ang poker face niyang mukha bago tuluyang umalis ng cafeteria.Napanganga ako sa sinabi niya dahil siya ang kauna-unahang lalaking nagsabi na CLUMSY ako.Kailangan ko na talagang iwasan magpakita 'dun.Buti na lang hindi ako binugbog dito.Natatakot na tuloy ako sa pinagsasabi ko,baka mahazing ako mamaya.Jusko! Huwag naman sana.
〰
Tagal kong nawala? Tinatamad akong magtype eh! Wala rin kasi akong maisip na idudugtong sa previous chapter.Buti sana kung nagproprocess lagi isip ko,eh minsan pa naman traffic. Haha
CORNY!Click VOTE.Or else?..
I'll viSH*T you tonight!
BINABASA MO ANG
I'm Different
Ficção AdolescenteWe can win life by all means if we simply avoid two things in our lives: ✔COMPAIRING WITH OTHERS and ✔EXPECTING FROM OTHERS