Ash's POV
Kagwapo talaga ng nagp-POV ngayon.Perstym 'to uy!
Katagal naman ng lil' sis ko.Saan kaya 'yun pumunta? Mahintay nga sa gate at nang masermonan ko mamaya.Ay! Nanay lang ang peg?
May nakikita na akong sasakyang paparating at parang kilala ko kung sino ang may-ari nito.Hindi pala parang dahil kilalang-kilala ko talaga 'to dahil kotse 'to ni Cleese sakay ng kapatid kong si Aubrey.
Sakay ng kapatid kong si Aubrey!
Sakay ng kapatid kong si Aubrey!
Sakay ng kapatid kong si Aubrey!
Sakay ng kapatid kong si Aubrey!
Sakay ng kapatid kong si Aubrey!
Anooo? Bakit sila magkasama?
Naunang bumaba si Cleese at pinagbuksan ang pababa na sanang si Aubrey.Mapicturan nga siya habang nakatalikod pa siya sa akin.Tsaka Anong meron sa kanila? Lalong-lalo na sa Cleese na 'to? Naging gentledog yata 'to? Anong pinakain ng kapatid ko sa kanya?"Saan kayo galing?" kunwaring galit kong sigaw sa kanila at ang kaibigan ko sumipol-sipol lang.Parang walang nangyari.
"Lalong-lalo ka na! Saan ka galing?" natatawa ako sa itsura ng kapatid ko.Nanginginig na kasi siya tapos kinakagat-kagat na rin niya ang ibabang labi niya.Ngayon lang kasi ako nagalit 'kuno' diyan eh.
"Eh-- ku--kuya,guma-awa lan--g ka--mi ni Cleese ng re-esearch namin." nauutal na sagot ng cute kong kapatid.Sarap tirisin ng mamula-mula niyang pisngi.Pero kailangan kong pigilan dahil galit ako.
"Pasok!" sigaw ko sa kanya at biglang kumaripas ng takbo pero bigla siyang bumalik at umaktong parang may nakalimutang gawin dito sa labas.
"Ahmm! Sige pasok na ako Cl--" pinutol ko na siya dahil bigla ko na lang itong sinigawan."AUBREY MARIANE PORTER,HINDI BA SABI KO PASOK?!"
Tumingin ako kay Cleese na kasalukuyang nakatingin sa langit.Kinakausap siguro yung..
"Bro! Hindi mo man lang sinabi na nagkakamabutihan na pala kayo ng kapatid ko?" patanong na sabi ko sa kanya.
"What are you saying? We're not even close!" blankong sagot ng kaibigan ko.
"Eh bakit kayo magkasama bro?" mahinahong tanong ko sa kanya.Baka kasi magsupersayan 'to eh.
"We finished our Research paper.If you won't believe me,at least try to ask your sister,then." poker face pa ring sagot nito.Mauupakan ko na 'to!
"Naniniwala na ako! Bakit kayo ginabi?" tanong ko sa kanya.
"Naflat yung tires ko sa likod kaya pinaayos ko muna.Nag-aalangan naman akong isakay ang sister mo sa cab dahil alam ko namang magwawala ka kapag may nangyaring masama sa kanya.I know you better bro when it comes to your sisters." tama lahat ng sinabi niya.Kilalang-kilala na talaga ako nito.Kaya mahal na mahal ko'to eh.Pwe! Ako pa nandiri sa sinabi ko.So Gay!
"Thanks bro!" sabay pat ko sa shoulders niya.
"May napansin pala ako.Nagiging gentledog ka na yata tapos dumadami na rin yung mga salitang lumalabas sa bibig mo.Bumabalik na ba ang dating Jonas Cleese Absury na kilala ko?" nagulat siya sa huling sinabi ko.Ayaw na kasi niyang bumalik ang dating Cleese.Ewan ko pero sabi niya kapag nanatili pa siyang ganun mas mahirap sa kanyang takasan ang mapait niyang karanasan.Pero lagi naming sinasabi sa kanya na dapat huwag niyang hahayaang limutin niya ang nakaraan dahil makakatulong ito upang hindi na ito maulit pa sa kasalukuyan.Pero hindi niya kami pinakinggan.
"I'll go now!" blanko na naman ulit niyang sabi sa akin.Sabi na nga ba eh! Kaya tango na lang ang naisagot ko sa kanya at pumasok na sa loob.
Cleese's POV

BINABASA MO ANG
I'm Different
Novela JuvenilWe can win life by all means if we simply avoid two things in our lives: ✔COMPAIRING WITH OTHERS and ✔EXPECTING FROM OTHERS