" Ice Cream lang pala ang katapat mo." ani ng impakto sa harap ko. Inirapan ko lang siya at nag concentrate sa Vanilla Ice cream ko. Pa salamat siya at ni libre niya ako. Hmp!
Kasalukuyan kaming nasa Ice cream parlor ngayon. Libre ng Impakto sakin para makabawi sa pambubwsit niya sakin kanina.
Well, okey na rin kasi atleast nakalibre ako ng Ice cream. Hehehe. At wag ka, Ang mamahal lang naman ng mga Ice cream dito! Parang may Gold o Diamond silang pinagmix dito sa mahal ng Ice cream nila. Ang churvaa lang!
"Strawberry pala favorite mo?" tanong ko ng makitang ikapang apat na niyang Strawberry Ice cream ang kinakain niya. Grabi lungss! Dalawa lang ang nilibre niya sakin tapos apat yung sakanya. Kuripot ng Impakto. Di na sinagad eh.
"So what?" umirap pa talaga ang loko. Aba! Banasan ko 'to eh.
"Bakla ka ba?" bulalas ko ng di ko na mapigilang magtanong. Nakakaduda na kasi itong lalaking 'to eh.
"Off course NOT! Want me to prove it to you?" he grinned. Loko talaga!
"Tse! Ang Defensive mo masyado. Nahahalata ka na ah." Biro ko sa kanya. Bigla naman siya tumayo at linapit ang mukha sakin.
"Want me to kiss you to prove it?" Ilang centimeters nalang yung mukha namin. Syempre tinulak ko noh. Kapal ng mukha.
"Tumigil ka nga!" patawa tawa pa siya habang bumabalik sa pagkakaupo.
"At tsaka, ikaw ha! Ang Kuripot mo. Manglilibre ka na nga lang Dalawa lang sakin tapos sayo apat" reklamo ko. Syempre pa FC muna ako ngayon. Baka dagdagan niya Ice cream ko eh. hehehe. Baka lang naman.
"Ikaw na nga nililibre, nagrereklamo ka pa. Syempre apat sakin eh pera ko 'to eh." baliwalang sagot naman niya habang patuloy parin sa pagkain sa Ice cream niya. Grabi talaga!
"Grabi ka! Bakit sinabi ko bang ilibre mo ko?" kainis talaga 'tong lalaking 'to!
"You should be thankful! Sige nga, iluwa mo nalang yung ice cream mo kung ganyan ka lang." pa as if pa niyang na offend siya sa pagrereklamo ko.
"Kadirdir ka! Yuck! kinain ko na nga iluluwa ko pa? Yuck! Gross!" utak talaga ng isang 'to!
"Hahaha. Kaya nga diba? Tss. Just finish your Ice cream. Wa'g ka ng magreklamo jan." saad niya habang kumakain ulit.
Habang kumakain ako ng ice cream ko, napansin kong parang may mali talaga sa pagtetext ng lalaking nasa harap ko eh. Ngumingisi pa sabay sumusulyap sakin pabalik sa cellphone niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ng naghari na talaga ang curisidad ko, hinablot ko bigla ang cellphone niya.
At ang Bwsit! Pinipicturan pala ako!!
Binato ko sa kaniya ang Tissue'ng ginamit ko kanina. "Bwsit ka! Ba't mo ko pinipicturan?!" Grabi lungss talaga! Pero in fairness ha, Ang Ganda ko sa mga kuha niya. Kuhang kuha ang saktong angulo ko. Pero kahit na noh! Hmp!
Patawa tawa pa siya habang kinukuha ang cellphone niya bago ko pa ma delete.
"E Delete mo!!" Pa hysterical kong utos. Pero syempre slight lang. Nakakahiya naman kung mag iskandalo ako dito diba?
Imbes na e delete niya ay lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Napausog naman ako ng konti sa pagtabi niya. Bigla niya akong inakbayan tsaka Itinaas ang phone niya.
Naka front camera ito at nakatutok saming dalawa na kita din ang Ice cream ko.
"Look in the camera--" Wala sa sariling napatingin ako sa camera..
kahit nag aalangan ako sa pagsunod nang dahil sa lapit namin sa isa't isa at sa bango niya. Shucks! Is it just his perfume? or natural scent niya talaga 'to? Deym.
"Smile" wala rin sa sariling napa smile ako kasabay ng pag click niya sa camera.
Tinignan naman niya ang picture tsaka pinakita sakin.
"Our first picture together" he said with that 'laglag panty' smile niya. Shucks! Wag ka ngang Ngumiti!!!!!
Nagkakarerahan na naman tuloy yung mga kabayo sa loob ng dibdib ko!
Dumagdag pa 'tong kung ano sa tiyan ko. Juice ko lord! Ano na bang nangyayari sa katawan ko.
--
Sorry for the typos and wrong grammars.
Vote and Comment ;)
thanks
-xoxo☆
YOU ARE READING
Unexplainable thing called Love (LS1)
Teen FictionLove is undefinable, it demands to be felt. Unexplainable thing called Love (LoveSeries1)(PlayboySeries1) @MysteryMaskGirl All right's Reserved