Chapter 41: Dream of me

42 2 0
                                    

Few days have passed. Ni hindi ko namalayan na nag Ber-month na pala. Ni hindi ko napansin ang mga Christmas decors sa bahay at kahit sa ibang lugar. Ni hindi nga nag sink-in sakin na may higanteng christmas tree palang naka display sa gitna ng park malapit sa bahay namin na araw araw kong dinadaanan.

Akalain mo 'yun? Ganun pala talaga pag nakapako na sa ibang bagay o sa nagiisang bagay- or should I say-- sa nagiisang tao ang buong atensyon mo. Wala ka ng pakialam pa sa ibang bagay kundi siya at siya lang. Wala ng ibang bagay na magbibigay interest sayo kundi sa taong yun lang.

Kadirdir pakinggan noh? Na nakay Kris lang ang buong atensyon ko? Pero anong magagawa ko? Some things are unevitable, most especially, feelings. Either you like it or not, it'll still happen.Tulad ng Love, hindi natin yan natututuna, kusa lang natin yan nararamdaman.

I looked down at the paper I am holding. Napabuntong hininga ako at napakagat labi.

First time.

First time in my 16 years of existence, I failed.

I failed in my Science subject.

Damn! sa isang major subject pa!

I know it was my fault. I failed my 3rd Quarterly exam in Science at ni hindi ako nagawa yung mga projects because I was out of town with Kris and friends. Nakakalimutan ko na rin gumawa ng assignments because I was busy texting and having a facetime with Kris, everynight. Ni hindi narin ako nag early study para sa mga lessons kinabukasan kaya ang resulta ay hindi na ako nag ooral recitation.

GOD!!

And know, my adviser just told me na nanganganib ang candidacy ko sa pagiging Valedictorian.

NO!! That can't happen! Kuya Shiro will be disappointed. And I don't like that to happen. Just thinking of it makes me want to cry.

Ang pagiging Valedictorian ko lang ang tanging paraan para makapag aral pa ako dito. Ito lang ang paraan para magka full scholar ako sa Milestone University.

Hindi kami kasing yaman tulad ng mga estudyante sa MU at hindi na kaya pa ni kuya at kahit ang Educational funds nila mommy at daddy para suportahan pa ang pag aaral ko sa Milestone.

Milestone University is the most Elite and Prestigious school in the country. And I have to study here because being one of those people who graduated here will get a job easily in anywhere. Isang tingin lang sa resume mo na graduate ka sa Milestone ay walang pasubale kang tatanggapin sa kahit saang kompanya sa kahit saang lugar.

I am a very ambitious person. I have a lot of ambitions, not only for myself but especially to my sister and my brother who work very hard each day just to provide my wants and needs.

Kaya hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng mawala nalang ang mga pangarap ko ng dahil lang sa naging pabaya ako sa pag aaral.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ito sa lamesang nasa gilid ng kamang inuupuan ko.

Impaktong' makulit calling..

Nakaramdam na naman ng pamimilipit ng kung ano sa tiyan ko. Dali dali kong pinindot ang answer button.

I cleared my throat before answering.

"Hello?" ani ko.

katahimikan..

"Hello? Sasagot ka ba hindi? " iritang tanong ko.

I heared him chuckled.

"Hi.. "  sagot niya sa isang malambing at mahinahon na boses. Para naman akong nanlambot, buti nalang at nakaupo ako.

Tinignan ko ang wall clock. It says 12:46 am!!

"What do you need? Alam mo ba kung anong oras na ha?!" pagalit na sigaw ko sa mahinang boses. Mahurap na at baka marinig pa ako ni ate at pasukan pa ako di to sa kwarto.

Mas lalo akong nairita nang marinig kong tumawa siya na para bang aliw na aliw siyang naiinis ako. Kainis lang!!

"Yeah.. it's already 12 midnight and you're still up? Can't sleep?" Tanong niya at tumigil na rin sa pagtawa at nasa mahinahong boses na naman siya.

"No.I was about to sleep na when you call. Bakit ka nga pala tumawag? at nang makatulog na ako." Tanong ko, irita pa rin.

There was a moment of silence before I heared the other line cleared his throat and answered..

"Nothing.. just wanna say Goodnight" aniya sa malambing at nakakapanindig balahibong boses.

" ..and... Dream of me,baby" halos hindi na ako makahinga. Parang ang sarap magtatalon at magsisigaw. Kaya lang di pwede kaya ang tanging nagawa ko nalang ay lumunok, tumahimik at kagatin ang unan ko.

Magsasalita na sana ako ng narinig ko ang mahabang toot-toot-toot sa kabilang linya.

Ang tanging nagawa ko nalang ay titigan ang cellphone sa kamay ko. At wala sa sariling nilagay sa lamesa ito, humiga sa kama, nagkumot hanggang leeg, hagkan ng napaka higpit ang Human-sized teddy bear ko at binaon ang ulo ko sa leeg nito tsaka nagsusumigaw!!!

UTANG NA LOOB!!! WALANGHIYA KA TALAGA KRIS ELIZALDE!!

DIS ORAS NA NG GABI!! NAGPAPA KILIG KA PANG, IMAPAKTO KA!!

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!! MAKAKATULOG PA KAYA AKO NITO?

Unexplainable thing called Love (LS1)Where stories live. Discover now