KUNG katulad lang ito ng nagdaang pasko ay siguradong kumakain na kami sa hapag ngayon habang tumatawa ng sabay. Sabay rin naming iinisin ni kuya si ate sa sinasabi niyang 'love of her life'. Tapos paplanuhin na namin ang mga gagawin namin sa bagong taon.
Ngunit, hindi.
Ngayon, ibang iba na.
Dahil heto ako ngayon, sa loob ng kwarto ko.Mag isang nakaupo sa kama ko habang nakatanaw sa bintana.
It's already past midnight but the neighborhood were still wide awake. Mukhang may party pa sa bakuran nina Aling Neneng, yung kapitbahay namin. Halos sila lahat tumatawa. May mga bata pang naghahabulan. At ang mas maganda pa, lahat sila naka kulay pula.
Napatingala ako sa langit ng may nagpaputok na naman ng fireworks.
Ano bang pagkakaiba sa pasko'ng ito?
Napabaling ako sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa ang kapatid ko. Wala paring ekspresyong makikita sa mukha niya kahit sa mga mata niya. I swallowed hard as her cold eyes reached mine.
"Ate.."
Lumapit siya sa kinaroroonan ko tsaka umupo ng nakatalikod sa kama. Matinding katahimikan ang bumalot sa amin.
Hindi ako sanay. Hindi ako sanay sa ganitong katahimikan lalo na sa amin ni ate.
"A-ayaw niyo bang magpaligaw ako?.. ayaw niyo ba ka-kay K-Kris?" Nagkandautal utal na ako sa pagtanong. I saw her took a deep breath as she speak.
" Once upon a time, I had my very own fairytale.." napatahimik ako sa sinabi niya. Halos pumiyok na ang boses niya.
" ..Never taught that it was actually a Nightmare" Napatungo siya bago tumingin sa direksyon ko. Kitang kita ko ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ni Ate.
"I was played.." this time, pumiyok na talaga ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Nangingilid na rin ang luha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pakiramdam ko may hindi ako alam.
"Played by an Elizalde.."
"Ate.." is all I could utter. Sinong Elizalde? Wala namang pinsan si Kris dahil nag iisang anak lang ang Daddy niya.Mas lalo namang walang kapatid si Kris.
DON'T TELL ME ANG IMPAKTONG YUN ?!
"Ilang beses na kaming napaglaruan ng mga Elizalde'ng yan. Nangyari na sa akin dati na nanggamit siya ng ilang tao para saktan tayo. Pati ang nagiisang babaeng sineryoso ni kuya dati! Baliw ang Elizalde'ng yun!" Parang nanggigigil na si ate sa paraan palang ng pagkakahigpit ng hawak niya sa kumot ko. Ramdam na ramdam ko ang galit sa loob niya. Sa bilis ng paghinga niya at sa paraan ng panlilisik ng mata niya at sa sabay sabay na pagtulo ng luha niya without even blinking.
"S-sinong Elizalde?" kinakabahang tanong ko. At dahil sa tanong ko, napalitan ang lungkot at sakit na nasa mga mata ni ate kanina ng galit at poot.
"Cassiopeia Elizalde, Kris Elizalde's Older Sister. That Obsessed Bitch!!" Asik niya. Napakunot noo ako.
I shook my head. Hindi maaari. Walang kapatid si Kris. I remember once I asked him before if did he ever had a siblings, he said he never had one. Aniya ay only child siya. So hindi. Walang kapatid si Kris.
"No. Y-you're wrong. K-kris is an only child. The only heir of the Elizalde Empire. A-at tsaka, hindi naman porke't naloko kayo noon ng isang Elizalde ay mangyayari rin yun sakin. We're different ate. We have different stories with different people involved in it. Those were from your past, and I was'nt belong in that story of yours. Wag niyo namang lahatin ang mga Elizalde." Nanginginig na wika ko. Maaaring nagkamali lang sila ate at kuya. Hindi maaaring magsinungaling si Kris. I mean, why would he lie if he truly had feelings for me? Or does he really have?
OH MY GOD! HE BETTER BE!
Parang nagalit naman siya sa ginawa ko. Marahas siyang tumayo at humarap sakin. Marahas niya ring hinablot ang dalawa kong palapulsuan at inilapit ang mukha sakin. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin na sigurado akong magkakapasa ako nito mamaya.
"Naririnig mo ba ang sarili mo Shikina?!" Halos mapatalon ako sa pagtaas ng boses ni ate Mika. Tumaas baba ang kaniyang dibdib, habol parin ang hininga. Kulang nalang ay may lumabas na usok sa ilong at tenga niya.
"Gagawin ng babaeng yun ang lahat para saktan at sirain tayo! Nagtagumpay siya sa pagsira sakin at kay kuya! Wag kang tangang magpabilang sa aming naloko ng mga pesteng Elizalde'ng yun!! Akala ko nga iba ka sa amin Shikina dahil naturingan kang matalino, pero hindi! Tanga ka kung hanggang ngayon naniniwala ka parin na iba ang mangyayari sayo sa naging karanasan ko dahil sa pesteng Elizalde'ng yan!!" Tuluyan ng lumandas ang luha ko. Nasasaktan ako, oo. Pero alam kong mas nasasaktan si ate. Hindi ko alam na may ganitong emosyong tinatago si ate Mika. Ang kapatid kong puro ngiti at biro lang, ay may tinatago palang sakit sa loob loob niya.
"Ate.." patuloy sa paglandas ang mga luha ko. Bakit ganito? Bakit parang sinasaksak ang puso ko sa mga naririnig ko? Bakit parang ayaw kong maniwala na totoo ang mga sinasabi ni ate? Bakit parang hindi ko matanggap na possible ngang totoo ang mga paratang ng kapatid ko?
Anong kinalaman ko sa ate niya? Ano ba'ng naging kasalanan ng mga kapatid ko sa ate niya at ganito kung maghigante sa amin? Ano bang ginawa ng mga kapatid ko at bakit pati ako ay possibleng madamay sa problema nila sa nakaraan? Dahil alam ko sa sarili ko, inosente ako. Ni hindi ko nga kilala o alam man lang na may babaeng anak pala ang mga Elizalde.
"Gagamitin niya kahit ano.. kahit sino.." unti unting humina ang boses ni ate pati narin ang pagkakahawak niya sakin ay unti unting lumuluwag. Pero andun parin sa boses niya ang matinding sakit.
"Pero ate.. kung t-totoo man ang sinasabi mo. A-asan si Cassiopeia? Bakit nagsinungaling si kris tungkol sa pagkakaroon niya ng kapatid? Bakit parang wala namang nakakaalam sa existence niya?!" Halos sumigaw na ako sa frustration na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong dapat isipin. Kailangan ko ng sagot.
Bakit ako? Balit kailangan kasali ako? Who is this Cassiopeia aside being that Imapakto's possible secret sister? What is behind this revenge of her? Ano bang nagawa ko? Ano bang nagawa namin sa kanila?
"7 years ago.. may nangyari sa kaniya na nagbigay ng matinding kahihiyan sa pamilya nila. And because of the disgrace she brought to her family's name, The Elizalde's decided to hide her existence for further humilliation.." kunot koo parin ako. Tumigil na rin ang mga luha ko. Pero parang sumikip ang dibdib ko bigla ng nakatungong siyang pinipigilan humagulhol. Akala ko yun lang ang sasabihin niya, akala ko ang pag pipigil ni ate ang hudyat na tapos na, pero hindi pa pala..
"3 years ago.. September 14, may balitang nakabalik siya ng pilipinas, and that time.." she bit her lower lip. September 14, 3 years ago yun din ang araw ng pagkamatay--
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kapatid ko. NO. Don't tell me--
"She was the reckless driver of that car. " pumiyok ang boses ni ate. Halos hindi na siya makapagsalita pa. Mugtong mugto na rin ang mga mata niya sa kakaiyak.
"Ang sasakyang bumangga kina Mama't Papa" tuloyan ng humagulhol ang kapatid ko at nanghihinang napaupo sa sahig. Ako naman ay parang upos na kandila.
Tulala at hindi makapagsalita. Parang tubig ulan na naguunahang pumatak ang mga luha ko. Sa nalaman ko ay para akong nawalan ng pakiramdam.
Para akong upos na kandila, unti unting namamatay.
May ikakasakit pa ba dito? May ikalasakit pa bang malaman na possibleng ginuguyo lang ako ng lalaking natutunan ko ng mahalin?
May ikakasakit pa bang malaman na ang baliw na kapatid ng lalaking mahal mo ay siyang dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal mong mga magulang?
YOU ARE READING
Unexplainable thing called Love (LS1)
Teen FictionLove is undefinable, it demands to be felt. Unexplainable thing called Love (LoveSeries1)(PlayboySeries1) @MysteryMaskGirl All right's Reserved