ISANG kamay ng lalaki ang biglaang umakbay kay Miuri. Nabaling lahat ng attention namin sa taong yun.
Napakunot ang noo ko nang makita ang mukha ng lalaki. Pamilyar kasi siya eh. Saan ko ba siya nakita?
Siningkitan ko lalo ang mata ko at inalala kung saan nga ba. Pero unti unting nawala ang pagkakunot ko at nanlaki ang mata nang mapagtanto ko kung sino siya.
"Oy Rienz!" bati ni luhan sa kaniya at nakipag fist bump pa.
Siya yung lalaking pakialamero sa Library!! Tama! Siya nga!
"Long time no see, bro." aniya kay kris at nakipag fist bump din. Tumingin siya sakin at binigyan ako ng nakakalukong ngiti. sheyt! Magkaibigan sila ni Kris Imapakto?! Waaaaaa! Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at lumunok.
"By the way Rie, This is Yana, Euricca and..." tinuro ako ni Miuri tsaka niya tinignan sa mata si Rienz ba yun?
"..Shikina Montefalcon." pagpapakilala niya.Di ko maintindihan kung bakit pero parang wierd ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko. Ang Wierd nila. Not wierd, wierd. BASTA! WIERD. Ang hirap eexplain.
Tinignan naman ako mula ulo hanggang paa ni Rienz habang naka taas ang kilay. Aba aba! Bakla ba siya? Pero mukhang hindi naman.
Nang nagtagpo uli ang aming mga mata, ngumisi siya at binalingan ng tingin si Kris. Nagtitigan silang dalawa. Oh di ba? Ang Wierd lang nila?
Naputol lang ang titigan nila ng magsalita si Miuri at sinabing magsimula na ang laro. Hinarap ko ang partner ko na medyo may malayo malayo ang distansya sakin na nakakunot ang noong nakipagtitigan parin kay Rienz. Ano ba 'tong dalawang 'to? May secret affair ba sila? Aba Bomu Bromance lang ang peg? Yuck! kadirdir silang dalawa ha!
Lumapit ako sa kanila. Naramdaman siguro nila na papalapit ako kaya sabay silang napatingin sakin. Si Rienz na nakangisi pero kita naman na peke at si Kris na seryosong nakatingin sakin. Anu ba 'yan na concious tuloy ako bigla sa mukha ko. Kailangan ba talagang nakatitig? Eeeeeee. Tumingin nalang ako sa ibang dereksiyon.
Nang tuluyan na akong nakalapit ay bigla nalang akong hinatak ni Kris palayo.
---
"Sht! wala pa ba tayo?! Kanina pa tayo naglalakad ah!" reklamo na naman ng Impakto sa likod ko. Umirap nalang ako. Kainis lang ha. kanina pa siya reklamo ng reklamo.Tinignan ko muna ang mapa na hawak ko. Hooo! Konti nalang. Kumunot ang noo ko ng makitang kailangan naming tumawid sa isang lawa. Juice ko! Paniguradong magrereklamo na naman 'tong Impaktong kasama ko.
Di rin nagtagal ay nakita ko na ang lawa. Base sa nakikita ko ay di naman siya malalim. Siguro hanggang sa tuhod ko lang.Naka jeans ako ngayon pero di bale nalang. Itutupi ko nalang ito mayamaya.Bumuga muna ako ng hangin at tinanaw ang buong lawa.
Narinig ko na namang nagmura ang kasama ko. Anu ba talagang problema niya? Makapagreklamo kala mo naman babae. Eh hindi nga ako nagreklamo na babae ako at pagod na pagod.
"Don't tell me, we have to go through this damn lake?!" nanlaki ang mata niya at hingal na hingal. Bakla talaga 'tong impaktong ito eh. Tsk. tsk.Tumango naman ako bilang sagot.
At ang BAKLANG IMAPAKTO, nagmura na naman. Kesho madudumihan daw siya,Pagod na siya, Naiinitan na siya, Pinapawisan na siya, Mababasa siya, at kung anu ano pang kabaklaan.
Nang hindi ko na kinaya ang mga reklamo niya sa buhay ay marahas ko siyang binalingan ng tingin at siningkitan ng mata. Kumunot naman ang noo niya.
"BAKLANG IMPAKTO!" seryosong sigaw ko sa kaniya habang dinuduro siya. Nanlaki naman ang mata niya at wala sa sariling napaturo sa sarili niya.
"AKO?!" balik sigaw niya. Dali dali naman akong tumango. Bakla siya. Bakla siya. Bakla siya. Taena! Isang playboy, BAKLA!
"BALIW KA BA?! SA GWAPO KONG 'TO, BAKLA AKO?! BAWIIN MO ANG SINABI MO!!" Sigaw niya. Sa lakas ng sigaw niya ay lumipad ang mga ibon sa gubat. Grabi siya! Walang straight na lalaki ang magrereklamo ng ganun. Dinaig niya pa ang Kapitbahay naming mas bakla pa kay Vice Ganda kung makapag reklamo.
I shook my head. Nope. Hindi ko babawiin ang sinabi ko. BAKLA SIYA. ISA SIYANG BAKLANG IMPAKTO. PERIOD. NO ERASE. PADLOCK. PINALUNOK SUSI KAY CHOWDER. TAPON KAY CHOWDER SA UNDERWORLD! Hmp!
"Aba't!--" hindi ko na narinig na nagsalita pa siya. Binalewa ko nalang at lumuhod gamit ang isang paa. Tinupi ko ang jeans ko pataas. Nang tuluyan ko nang natupi ay pinagpagan ko muna ito tska tumuwid ng tayo.
"Whether you like it or not, tatawid tayo. Itigil mo muna yang kabaklaan mo." wika ko habang tinatanaw ulit ang lawa at ang kabilang dako nito. Di naman talaga ganun kalayo eh. OA lang talaga itong Baklang Impakto.
Nagtaka ako ng hindi ko marinig ni isang salita sa kaniya kaya binalingan ko siya ng tingin.
"Hoy! an--" nanlaki ang mata ko at napasinghap.
Tumigil ang pag tibok ng puso ko..
Tumigil ang paghinga ko..
Tumigil pati ang pagikot ng mundo ko..
Ang tanging nakikita ko lang ngayon ay ang dalawang pares ng mata na parehos nakapikit..
Ang kaniyang mahahabang pilik-mata..
Ang kamay niyang naka hawak sa likod ng leeg ko..
Habang nasa bewang ko naman ang isa..
Pero ang mas nakapagpigil talaga sakin..
ay ang malalambot..
na labing..
nakadikit..
sa..
sa..
sa..
sa..
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!
sa...
PISNGI KO!!
HE JUST STOLE MY FIRST KISS!!
THOUGH, SA CHEEKS LANG!
---Hi :) di muna ako mag uupdate until mag 1k reads na 'tong UTCL. School days na kaya focus muna ako sa studies.
btw, thankyou sa nag comment dun sa last chapter. Pinasaya mo 'ko kahit tanong lang yun :)
Ciao!
xoxo♥
YOU ARE READING
Unexplainable thing called Love (LS1)
Teen FictionLove is undefinable, it demands to be felt. Unexplainable thing called Love (LoveSeries1)(PlayboySeries1) @MysteryMaskGirl All right's Reserved