It's been a week after that weekend out-of-town trip with the campus royalties, everything went back to normal, which was actually less than what I expected.
And yeah. It's been a week since the day Kris had declared that he is officially courting me. Well, everything went back to normal except off course, my relationship with Kris.
No.
We are still not In a Relationship.
But, we often times go somewhere just to bond with each other. Talk about things. Getting to know about each others likes and dislikes and etc.
At first, it was a little bit awkward for me but later on, I slowly got used to it. As to what Kris said, wala naman talaga daw'ng dapat magbago, I can still treat him as a friend. Just, not as enemy.
And, I should lessen my brutality or sadistic side at him, accourding to Kris. But I said, it depends on my mood and his behaviour.
I only get to punch,pinch, slap or spang him if he's at his playful mood and bugs the hell out of me. Which really annoys me most of the time.
Kasabay ng pag tunog ng bell ay ang sunod-sunod na pag vibrate ng cellphone na nasa bulsa ng palda ko hudyat na may dalawang mensahe akong natanggap.
Binasa ko ang muna ang unang message galing kay ate,
From: Mika-kun
I'll be staying late at the cafè shop tonight. Still, you better be home at the exact time. Ugh. Feel so exhausted :(natawa ako sa text ni ate. Wawa naman. Nireplyan ko nalang ng okey. Tsaka ko binasa ang pangalawa.
From: Impakto!
Lunch break! Let's eat together,aryt? See 'ya! :*I blushed as to what emoticon he used. God! Pwede namang di gumamit ng emoticon di 'ba? tss.
Pakilig masyado ang Impakto! Oo na! Kinikilig na ako! Shucks! kahit kadirdir aminin na kinikilig ako sa KANYA, ay talagang kinikilig ako!
"Oh? si manliligaw na ba 'yan?" ngising aso ang ginawad ni Euri sakin. Umirap nalang ako sa kawalan ng binangga niya ang bewang ko nang pabiro.
"Naku! Magkaka boyfriend na rin si Kina kung sakali." kinikilig naman na komento ni Yana. Sabay sabay kaming lumabas tatlo sa classroom tungo sa cafeteria. Pero bago kami nakarating sa cafet ay pumunta muna kami sa aming locker para ilagay ang aming mga librong di namin gagamitin mamaya.
At Oo. Alam na nina Yana at Bessy na nanliligaw kuno si Kris sakin. Syempre, sila ang mga besties ko kaya ba't ko naman itatago. At kailangan ko sila di 'to. Kailangan ko ang kanilang mga opinyon ukol sa panliligaw ni Kris.
Nung una ay diskompyado rin sila sa tunay na intensyon ni Kris sakin. Pero nung nakaraang dalawang araw lang ay unti unti na rin sila napapaisip na baka nga ay totoo talaga ang nararamdaman ni Kris sakin.
Sino ba namang di mababago ang isip sa ginagawang stunt ni Kris. Tulad nalang nung isang araw,
Tahimik kaming nakikinig sa teacher namin habang inaaral samin ang tungkol sa Ika-12 kabanata ng El filibusterismo ni Jose Rizal.
Halos makarinig na ako ng mga langgam sa sobrang tahimik namin. Pansin ko na rin na parang naghehead-bang na ang isang kaklase ko sa gilid. Hindi dahil sa nagpapamusic siya kundi dahil sa nakakatulog na siya.
Juice ko! kahit naman ako inaantok na rin. No offense. Ang ganda na sana ng El fiibusterismo pakinggan kung di lang sa mala-zombie naming teacher kung makapagsalita. Dinaig pa ang mga kapitbahay naming lasenggero kung magsalita.
Halos napapapikit na ako nang biglang tumunog ang speaker namin sa school.
"Good Morning my fellow students.." nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.
"This is your Kris Elizalde speaking... I just want to shout out to the whole world that I, Kris Elizalde is officially courting Ms.Shikina Sierra Montefalcon. The most beautiful girl I have ever laid my eyes on."
shit! napapikit ako at napangalumbaba ng magtinginan lahat ng mga kaklase ko sakin. Halos ipasok ko na ang ulo ko sa ilalim ng desk ko o di kaya ay itago ang ulo ko sa loob ng bag ko dahil sa mga nanlalakihang mata nina Euri at Yana at ang mga nanlilisik na mata ng mga kaklase kong babae sa kin.
Juice ko! Pwede bang bumuka nalang ang lupang inaapakan ko at lamunin ako? Nang hindi na ako mahirapan at matigil na 'tong kahihiyang ito? nakakahiya talaga!!!
"Shikina Sierra Montefalcon if you are listening.. Well, I'm sure you are listening." he said as a mater of factly. Na para bang siguradong sigurado siya na nakikinig talaga ako.
" By now, you're probably cursing the shit out of me because of this.. but I want you to know that I'm doing this crazy shit because I want to tell the whole world and I'm starting it in here that whatever I have for you.. and whatever I am feeling for you, is true." wika niya sa napakamahinahong boses. I have never heared him use that voice. It was so calm and full of sincerity.
shit! tumahimik ka na ngang Impakto ka! Lagot ka sakin mamaya.
"So.. yeah! Students of Milestone University, I am absolutely Shikina Montefalcon's property. And She is definitely Mine.. "
Halos mabingi ako sa impit na tili ng mga kaklase ko at muntikan ng ma punit ang uniform ko sa walang humpay na yugyog ni Bessy sa akin.
"Walanghiya ka bessy!!! Hindi na mala-Dora ang buhok mo!! Tinalo mo pa sa haba ng buhok mo si Rapunzel!! shucks!! Nakakakiliiiiiiiiiiiiiiig!!!"
Amputek ka Elizalde!!!!
PAKILIG KA MASYADO!!!!
YOU ARE READING
Unexplainable thing called Love (LS1)
Roman pour AdolescentsLove is undefinable, it demands to be felt. Unexplainable thing called Love (LoveSeries1)(PlayboySeries1) @MysteryMaskGirl All right's Reserved