NAKAUPO parin ako sa buhangin habang nakasobsob ang ulo sa aking braso nang maramdaman kong may tumabi sakin.
Agad akong napatingin sa gawing iyon. Nakita ko namang prenteng nakaupo sa tabi ko ang isang lalaki. Nakatanaw rin sa dagat tulad ko. Nangunot ang noo ko sa kaniya.
At ano naman ang ginagawa niya dito? Not that it's prohibited, but God! Ang lawak kaya ng beach nato, kailangan talagang dito siya sa tabi ko umupo? Not that his prohibited to do it too but because his totally RESTRICTED.
First, I don't know him, aside from the fact that his name is Rienz and he's friends with the people I am with . Second, I STILL DON'T KNOW HIM. And lastly, I JUST STILL DON'T KNOW HIM. Malay ko ba kung mamatay tao siya, holdaper, rapist o ano pa jan.
But I doubt that. Mukha naman siyang matinong tao. Hindi nga lang matinong lalaki. tsk!
Bigla naman siyang humarap sakin ng ngingisi ngisi. No doubt. Gwapo din siya. Tulad ng Imapaktong yun. Well, lahat naman siguro sila na magbabarkada ay mga gwapo at maganda.
Para ngang off limits ang mga mukhang unggoy sa kanila eh.
"Hi" bati niyang nakangiti parin. Psh! Gwapo rin naman siya ah. Bakit di tumitibok ng mabilis ang puso ko tulad ng nararamdaman ko tuwing ngumingiti o kahit magkalapit lang kami ng Impaktong yun.
What's so special 'bout him, anyway? Ang unfair lang. hmp!
"Hello" wika ko at binalik ang tanaw sa dagat.
"What are you thinking?" narinig kong tanong niya. Nakikita ko sa 'king peripheral vision na nakatitig parin siya sakin. Nakakailang ah. Pero mas nakakailang naman kung magtititigan kami.
At teka nga, ano naman ang pakialam niya sa iniisip ko? Unang una ay hindi kami close at duh! Kakakilala lang kaya namin noh. 'Wag ng i-consider yung sa library chuchu.
"Huwag kang pa FC. Di tayo close. You don't have to know what I'm thinking." walang ganang sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung nakakain ba 'to ng hapunan dahil parang nalipasan siya ng gutom. Ano naman kasi ang nakakatawa sa sagot ko diba? Tumawa pa talaga siya ng malakas. Baliw.
Tinignan ko naman siya na parang nababaliw na. Hindi. Nababaliw na talaga siya.
"But I have to." aniyang nagpataas ng kilay ko.
"And why so?" tanong ko naman. Ngumiti naman siya.
"Just because I need to." sagot naman niyang nagpagulo sakin. Hanudaw? Umirap nalang ako at binalik tanaw ang dagat. Kanina pa ako nafrufrustrate dito kaya wala akong oras makipagbiruan sa kaniya. O kung ano mang kailangan niya kaya siya lumapit sakin.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko.
He smiled before he answered.
"I just want us to be friends. I've heared your one smart girl. I did'nt know you're funny too." He chuckled. He intertwined his both hands.
"Am I? " tanong ko naman.
"Yeah.." mahinang sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko. Maymaya ay nagsalita na siya..
"Si Kris ba...?" tanong niyang nagpakunot sa noo ko. Anong si kris? Si Kris ang Impakto? aba syempre, OO!
Para namang nabasa niya na diko siya naintindihan kaya dinagdagan niya.
" Yung... tinutukoy mong nagpapagulo sa isip at puso mo.. Yung nagpapalakas ng tibok ng puso mo.. Yung na--" hindi ko na siya pinatapos.
"Shhhhhh! Don't say bad words!" inis na wika ko. Siya naman ay parang naguluhan sakin.
Huminga muna ako ng malalim tsaka siya sinagot.
"Tutal alam mo naman yung katangahan ko sa library, sasabihin ko nalang.. Basta mangako kang di mo sasabihin sa iba! Naku! kukutusan talaga kita." panakot ko sa kaniya na tinawanan lang niya sabay tango. Hear we go..
"Hindi ko rin alam,okey? Kahit ako nalilito sa nararamdaman ko. Shucks! First time ko kayang magka ganito!" frustrated na sigaw ko. Medyo malayo naman ang pwesto namin at wala nang gaanung tao sa labas dahil nga gabi na kaya okey lang siguro kung sumigaw ako ng kaunti.
"First time kong problemahin ang isang bagay na walang kinalaman sa academics..Well, di naman ako nagkakaproblema sa financial dahil medyo may kaya naman kami. Di rin naman sa family dahil kami nalang nina ate mika at kuya shiro tapos kalugin naman si ate at si kuya naman nasa japan kaya wala talaga akong pinoproblema kesa sa Grades ko!" narinig ko naman siyang bumulong ng 'school freak' pagkatapos kong sabihin yun. Sinaman ko siya ng tingin na nginisihan lang niya na Inirapan ko lang.
"Bago lahat ng 'to sakin. At .. " nilunok ko na muna ang imaginary bara sa lalamunan ko.
"Nakakatakot. Natatakot ako na baka sa 'One shot of a lifetime' ko na ito, ay baka masaktan lang ako. Nakakatakot masaktan noh " wika ko at napahawak sa magkabilang pisngi ko.
"To tell you frankly, my brother is one of those heartless playboys who only take girls for granted. I've seen him broke a lot of girls heart." naaninag ko namang sumeryoso ang mukha niya.
"And it scares the hell out of me na baka samin ni ate mapunta ang karma ni kuya.. I- I..I don't know.. Basta nakakatakot..." lumabas na parang bulong lang ang pagkakabigkas ko sa huling salita. Shucks. I've never been this scared. Hindi naman ako natakot nung namatay sina mommy at daddy dahil alam ko namang hindi ako pababayaan nila ate at kuya.Hindi naman siya umimik. Akala ko nakatulugan na niya ako pero nang binalingan ko siya ng tingin ay nasa dagat na ang kaniyang atensiyon. Seryoso at tahimik lang siya. Mukhang malalim ang iniisip niya.
Ano naman kaya 'yun?
Nang lumipas ang mahabang katahimikan ay nagsalita na ako.
"Hoy!" I poke him. Tinignan lang naman niya ako gamit ang seryosong mukha parin. Ano ba! kahit seryoso ang mukha, gwapo pa din? grabi lungsss.
"Just.. Just think every possibilities and consequences.. " aniyang hindi makatingin sakin.
Huh? Ano daw?
I saw him gulp before he stood up. Tumingala ako sa kaniya ng hindi pa siya umalis pero nakatayo lang sa gilid ko.
"Just.. I'm sorry." he said in a small voice before he turn around and went back inside.
And I was like, Huh?
YOU ARE READING
Unexplainable thing called Love (LS1)
Teen FictionLove is undefinable, it demands to be felt. Unexplainable thing called Love (LoveSeries1)(PlayboySeries1) @MysteryMaskGirl All right's Reserved