Chapter 3: Friend Support

82 6 2
                                    

CHRIS

Alam ko na kung anong mangyayari sa akin pag katapos kong bugbugin yung hin***pak na yun.

Hindi ko alam kong bakit ko nagawanag iligtas ang babaeng yun.

Hindi. Baka natuwa lang talaga ako nang sinubukan niyang iligtas si Gale. Masakit ang kamao ko at may mga sugat ito.

Nang basain ko ito ng tubig ay napangiwi ako sa sakit. Ang hapdi.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Nakita ko ang ilang mga pasa sa aking mukha na dulot ng bugbugan namin ni Mark.

Ano na namang ipaparusa sa akin? Unang araw palang may parusa agad. Hayy. Isang malaking buntong hininga ang aking pinakawalan.

Mabuti pa hindi na muna ako pumasok sa klase. Tutal, unang araw pa lang din naman. Nang mapagtanto kong wag na ngang pumasok, isang lugar agad ang naisip ko. Ang Hardin.

Kaya agad akong lumabas ng palikuran at mabilis na tinahak ang daan patunong hardin.

Habang ako'y naglalakad, maraming tao ang tumitingin sa akin. Dahil siguro ito sa mga pasang tinamo ko mula sa bugbugan namin ni Mark. Hayy, nakakahiya.

At sa wakas nalagpasan ko na ang daan ng kahihiyan at ngayo'y ako'y nasa hardin na.

Napabuntong hininga ulit ako ng makalanghap ng sariwang hangin mula dito. Hayyy.

Lumapit ako sa mga inaalagaan kong bulaklak na nakahiligan ko na dahil sa madalas na utos ng aking ate na alagaan ang mga ito.

Napansin kong may mga bumunot na ilang piraso ng bulaklak na aking inaalagaan. Hasyt. Mga tao talaga.


ZOEY

Heto kami ngayon. Kinakabahan sa kung anong maaring mangyayari kay Chris.

Kasalukuyan namang dinadala ni Gale si Mark sa klinika.

Napaisip naman ako para kay Monique. Baka madamay siya dito at pati na rin pala si Gale.

Siguradong kasama sila sa ipapatawag ano mang oras mag mula ngayon.

Alam kong hindi mag susumbong si Mark pero alam kong hindi ito palalagpasin ng mga magulang niya. Mga magulang niyang ubod ng luho sa katawan at yabang. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganun ang ugali ni Mark. Like parents like son.

"Nakita mo na ba si Chris?" Tanong sa akin ni Melcy na maging siya ay nagaalala.

"Hindi ko alam. Sigurado naman akong hindi na tuluyang papasok yun kasi may nagawa na naman siya. Siguro ay alam ni..." Napahinto ako nang maalala ko ang best friend nitong si Gale ciguro alam niya.

"Gale!" Sigaw ko nang maiisip ko na siya nga ang maaring may alam kung saan nag pupunta ang kanyang kaibigan sa mga ganitong sitwasiyon.

MONIQUE


May pag ka matalino talaga tong si Zoey. Mag la-lunch na pero wala namang klase buong araw dahil first day pa lamang. Kaya nag umpisa na kaming hanapin si Gale.


Lumabas na kami ng classroom upang pumunta sa klinika kung saan dinala ni Gale si Mark.

Ngunit pagdating namin dun ay wala kaming nakita ni anino ni Gale. Ang tanging nakita lamang namin dun ay ang nakaratay at walang malay na katawan ni Mark.

The Bearers of Magic PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon