MONIQUE
"Lokie? Sinong nag bigay ng pangalan na yan?" Tanong ko sa lalaking nagligtas sa akin.
" Ako at ang ate ko ang nag pangalan. Pinangalan namin yan dahil yan ang pangalan na nagligtas sa ate ko dati." Sagot nito na tila inaalala ang mga nangyari.
" Asan na siya ngayon?" Tanong ko ulit sa kanya na may halong ngiti sa aking bibig.
" Bakit ba ang dami mong tanong? Tyaka di ba dapat ako ang magtatanong kung anong ginagawa niyo dito?" Mga tanong nito na tila mga balang bumubulusok sa akin.
" Bumalik na naman sa kasungitan si Chris." Rinig kong sabi ni Melcy.
" Andito kami dahil nag alala kami sayo." Sabi naman ni Zoey. Tinapik ni Gale si Zoey na tila may nasabing mali.
" Bakit may mali ba sa sinabi ko?" Takang tanong nito.
" Sino bang nag sabi na kailangan ko ng pagalala niyo?" Masungit na sagot nito.
" Wag ka ngang maarte. Kami na nga ang nagmamalasakit sayo ikaw pa ang galit?" Pasigaw na sabi ni Zoey.
" Tama na Zoey at Chris. Cge na aalis na kami." Sabi naman ni Jamie na may halong pagalala.
Napili ko namang mag paiwan dahil tuwang tuwa sa akin ang aso at maging ako rin ay tuwang tuwa sa kanya.
" Cge, mauna na muna kayo. Susunod na lang ako." Sabi ko sa kanila habang patuloy akong dinidilaan ng aso.
" Oh cge, Monique. Magiingat ka lang diyan sa taong katabi mo. Baka gawin ka niyang pagkain." Asik naman ni Zoey habang naglalakad na palayo.
" Anong sabi mo?!" Sigaw naman ni Chris na dinig dinig sa buong Hardin. Akmang hahabulin pa niya si Zoey pero pinigilan ko siya.
Kami na lang dalawa ang nasa Hardin ngayon. Nag didilig pa rin siya ng mga halaman. Ngayon na ma'y tumitig ito sa akin.
" Bakit?" Tanong ko kung bakit siya nakatingin. Lumapit at siya at tila hahawakan ang bandang likod ng aking buhok.
" Aha!" Sigaw nito na nakakagulat." Bakit? Anong meron?" Gulat kong tanong na akala ko ay may ahas sa likuran ko.
Nakita ko na binunot niya ang palamuting ginawa ko kanina.
Tila ba namangha ito sa nakita pero bigla itong napalitan ng galit sa kanyang mukha.
" Saan mo ito kinuha?" Tanong niya sa akin.
" Dito mismo, diyan oh, sa mga inaalagaan mong halaman. Pasencia na pala kung kumuha ako." Sagot ko na halatang kinakabahan na baka magalit siya.
" Bakit bumunot ka dito? Di mo ba alam na mahalaga sa akin lalong lalo na ang sunflower na to?" Sagot niya sa pabalang na paraan.
" Pasencia na hindi ko naman alam eh." Sagot ko na humihingi ng tawad.
" Sa susunod matuto kang wag makialam sa mga bagay, lalo na kung hindi sayo." Sermon niya sa akin.
" Pasencia na nga eh." Ulit ko.Tila nangingilid ang luha at ramdam kong namumula ang mga mata ko.
" Oy teka , wag ka na mang umiyak diyan. Pinapatawad na kita." Sabi naman niya sa tonong nakokonsensiya.
Dinilaan naman ako ng aso na tila ba sinasabing wag na akong malungkot. Napangiti na lang ako.
Habang nakaupo ako at nakikipaglaro sa aso, tumunog na ang bell na ibig sabihin ay lunch na.
" Oh Tara na. Bumalik na tayo sa classroom at mananghalian." Sabi niya sa akin na may pagkamasungit pa rin.
" Lokie come here." Sabi naman ni Chris sa aso.
Tila nalungkot naman ang aso nang papuntahin siya sa tabi ng puno at itali.
" Wag kang magalala, babalik ako mamaya at dadalhaln kita ng pagkain." Sabi nito sa aso.
Habang kami ay naglalakad palayo, may napapansin akong hindi maganda. Parang may sumusunod sa amin. Nakakapangilabot.
Noong makarating kami sa classroom ay nandun sila Gale, Melcy at Zoey. Pero wala na si Jamie. Baka pumunta lang sa cafeteria para kumain. Sabi ko sa isip ko.
" One! Two! Three!" Sigaw ng isang babae habang papasok ako ng classroom.
Nung pagkatapat na pagkatapat ko sa pintuan ay may nalalag na isang timba ng malamig na tubig na may halong kulay pula.
Tawanan ang lahat nung mabagsakan ako ng tubig. Nakaramdam ako ng isang bagay. Hiya.
Nakita ko naman na biglang bumulusok si Chris papunta dun sa babaeng nag bilang kanina at sinigawan niya ito.
" Ano bang ginagawa mo Amber? Hindi ka ba talaga titigil sa mga pambubully mo?"
Sigaw niya sa babae habang ako ay naninigas at hawak ng kanang kamay ko ang kaliwa kong braso.
" Ano bang pakialam mo hah? May gusto ka ba sa kanya?" Sumbat naman nito kay Chris na nag ngangalang Amber.
Nag palinga linga naman si Chris na tila may hinahanap.
Nang makita niya si Gale na umiinom ng orange juice ay bigla nitong hinablot ang bote at itinapon kay Amber.
" What the?!" Sigaw nito habang nakatingin sa damit na nabasa.
" Hmmm. Do you feel it now?" Asik naman ni Chris sa babae.
Bigla naman itong lumabas at dumiretso sa kanyang locker. May kinuha ito sa bag na nasa loob ng locker. Isang tuwalya.
Pumunta siya sa likod kung saan ako pumasok at nabasa. Tila niyayakap ako nito dahil sa pagpunas niya sa akin.
" Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin habang hinahabol ang hininga.
" O-o ayos lang a-ako." Sagot ko sa nanginginig na boses." Hindi mo na d-dapat ginawa p-pa yun." Dugtong ko.
" Hmmp! Bagay lang yun sa kanya. Teka, basang basa ka. Mayroon ka bang pamalit?" Tanong nito na may halong pagalala.
" M-meron nasa b-bag ko." Sagot ko sa kanya.
Agad naman siya kumaripas ng takbo at kinuha ang damit sa bag ko.
" Mag palit ka. Magakakasakit ka niyan eh. Oy! Zoey, Melcy. Samahan niyo siya." Bilin nito sa kanila.
" Eh bakit hindi ikaw ang sumama?" Pabirong sabi ni Melcy na ikinasimangot ng mukha ni Chris.
" Eh kung iuuntog kaya kita?" Sagot naman nito sa nang aasar na si Melcy.
" Tama na nga yan. Tara na Melcy. Giniginaw na itong si Monique eh. Kauna unahang araw pa naman niya ito sa ating iskwelahan ay ang dami kaagad ang nangyaring hindi maganda." Sabi ni Zoey na talagang nadismaya...
***
Fourth chapter finished. Hayy. Sana patuloy akong mainspired para malayo ang marating nito.