Nakaka lungkot pala ang nangyari kay Melcy noong bata pa siya.
Hayy. Tapos dinagdagan ko pa. Nakokonsensiya kong bulong sa utak ko.
Nasaan na kayo Monique? Biglang may nag tanong sa utak ko na sa tingin ko ay si Caroline.
"Ah eh, sino po kayo? Si Caroline po ba kayo?" Paninigurado ko bago ako sumagot.
Hindi ba halata? Oo, ako nga. Pilosopo niyang sagot.
"Ah, pasensiya na. Malapit na po kami sa paaralan. Tanaw ko na nga po ito eh." Magalang kong sagot.
Oo, halata nga. Nakaka gulat niyang sabi.
Anong halata nga? Bakit, nasa paaralan na ba sila?
Oo, kararating lang namin. Nauna pa pala kami sa inyo? Ang tagal niyo naman. Bulong ulit nito sa aking utak.
"Sige po. Malapit na rin po kami." Pagkatapos kong sabihin yun ay sinenyasan ko na sila na bilisan nila ang paglakad.
Hindi nagtagal, nakarating na din kami sa malaking gate ng aming paaralan.
Pumasok na kami sa tamang pasukan at agad dumiretso papuntang 3rd floor lobby.
Pero 'di pa kami nakakarating sa hagdanan ng agad sumalubong sa amin ang mukha nila Caroline, Xandra at Alex.
Teka, may kulang. Si Cane! Nasaan si Cane?
Nasa bahay niyo. Nagpapahinga. Siyempre, matapos ang mga nangyari, papasok pa siya? Pamimilosopo na namang sagot ni Caroline.
"Ah, okay. Sige, tara na. Pumasok na tayo." Suhestiyon ko.
"Teka? Sino-" Hindi na natapos ni Zoey ang sasabihin ng biglang nagsalita ang protector nila Lianna at Melcy.
"Caroline! Nauna pa pala kayo? Naramdaman ko yung kanina. Kanino yun?" Siguro ay naramdaman nito ang malakas na kapangyarihan ni Zoey.
"Shhh! Wag ka ngang maingay diyan Tristan. Ikukuwento ko na lang sayo mamaya." Saway ni Caroline sa isa pang guardian o protector na si Tristan.
"Ah, bago tayo pumasok. Tristan this is Monique Stanford and Zoey Rhys." Sabi niya sabay tapat ng kamay sa aming dalawa ni Zoey.
"Ah, hello. I'm Tristan Cruel. Isa sa mga protector ninyo." Pakilala niya.
"Hello. Nice to meet you." Bati ko sabay yuko.
Hindi naman umimik si Zoey at nauna nang naglakad sa hagdan.
"May problema ba siya?" Nag aalalang tanong ni Tristan.
"Ah, eh. Dahil po siguro sa kaninang nangyari. Pasensiya na po." Paumanhin ko sabay habol sa kaibigan ko. Si Zoey.
Dahil sa ginawa ko, naiwan sila Lianna at Melcy kasama ng aming mga guardian.
Kasalukuyan kong tinatahak ang daan paakyat ng hagdan kung saan dumaan si Zoey.