MELCY
Bigla naman akong nagtaka kung bakit ako tinawag ni Lianna.
"Bakit? At tyaka saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang tila nagmamasid kaliwa't kanan.
"Ah pasensiya na. Pwede wag ka muna maingay diyan?" Utos nito sa akin habang nagpapalinga linga.
"Ano ngang..." Bigla kong natutop ang bibig ko ng makita kong... Nakatali at puno ng sugat si Chris.
"Shhht! Wag kang maingay!" Bulong nito sa akin habang kinukuha niya ang phone niya at saka kumuha ng litrato.
"Tulungan natin siya! Tyaka sino ang may gawa niyan sa kanya?" Sabi ko na may pagalala kung nasaan naman si Monique.
"Sa ngayon wala tayong magagawa. Pero wag kang magalala. Sasabihin ko ito sa daddy ko para maparusahan ang gumawa sa kanya niyan." Sabi niya sabay senyas sa akin na umalis.
Nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. Hindi ko mapigilan makaramdam ng takot, kaba at galit. Bakit kailangan nilang gawin 'to kay Chris? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palayo sa pinuntahan namin ni Lianna kanina.
"Wag kang umiyak. Maililigtas din natin siya at yung isa mo pang kaibigan." Sabi nito habang pinapakalma ako.
"Teka nga pala. Paano mo nalaman lahat ng ito?" Tanong ko sa kanya sabay titig ng diretso sa kanyang mga mata para malaman ko kung nagsisinungaling siya.
"Magmula nung pinapunta sila sa faculty room imbis na sa principal's office. Alam kong tuso ang mga magulang ni Mark kaya ikinialarma ko kaagad ang pagutos ni Sir Gin na papuntahin sila sa faculty room imbis na sa principal's office." Paliwanang nito sa akin habang nag lalakad at sinisugurong naka lock ang bawat pictures na kinuha niya kanina.
Matalino talaga ito. Pero bakit parang nagkaroon siya ng interes kila Chris at Monique? Bulong ko sa sarili ko. Hindi, napapraning na naman ako. Dagdag ko.
Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Zoey.
"San ka galing? At bakit kasama mo si Lianna?" Tanong niya sa akin.
"Ah wala. Nagusap lang kami sandali about sa story na ginawa ko. Nagbigay lang siya ng comment." Sabi ko sabay pilit na ngumiti.
"Ah ganon? Yung story mong ubod ng romance sa una tapos hindi mo itutuloy? Yung nakakainis mong istorya?" Sabi naman niya na halata sa kanyang boses ang nangingibabaw na pagtataka.
"Sobrang ganda daw, oo. Di ba Lianna? Sabi ko sabay senyas na umo-oo na lang siya.
"Ah oo nga. Maganda yung story pero mahilig talaga siyang magpabitin." Sabi nito sabay ngiti.
"Weh? Di nga? Baka naman tinakot ka lang nitong babaeng ito?" Sabi niya na halatang nagulat sa sinabi ni Lianna.
"Sus! Di ka lang kasi talaga naniniwala." Sabi ko sabay dila sa kanya.
"Oo na." Sabi niya then she rolled her eyes.
Habang kami ay naguusap ay hindi ko talaga kayang hindi magalala
Natatakot talaga ako para sa kanila. Sana ayos lang sila.
ZOEY
Bakit parang may mali? Bulong ko sa utak ko. May hindi tama dito. Kailangan ko yung malaman.