"Oh ba hindi ako natatakot sayo." Matapang kong sagot.
Maamo sana ang mukha eh. Malayo naman yata sa ugali. Hmmp!
"Sige, kung matatalo kita, luluhod ka sa harapan ko at hahalikan mo ang paa ko." Matapang at mataray kong sabi.
"Oh sige. Kung matatalo kita, ano naman ang kapalit? Tanong nito sabay suksok ng kanyang mga kamay sa magkabilaang braso.
"Buhay ko." Mataray ko na namang sagot.
"Wala, hindi maari yun. Kung yun ang kapalit, hindi rin siya mabubuhay dahil papatayin siya ng mga taga-society." Sabi naman ni Alex sabay hagikhik.
"Tama siya. Hind ko maaring gawin yun. Ganito na lang. Kapag nanalo ako bibigyan mo ng halik si Alexander. Ayos ba? Alexander? Sabi nito habang nakikipag-apir sa lalaki.
"Oh ba! Hahahah. Payag ako diyan." Sabi nito habang titig sa akin sabay kindat.
Nag-isip muna ako ng ilang sandali bago sumagot.
"Arrgh! Sige! Payag ako." Hindi ako makapaniwala sa naging sagot ko kaya napakuyom ang mga kamay ko.
"Hmm. Kailan? Saan? Anong oras?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Ngayon at dito." Maikli kong sagot.
Hindi talaga ako makapaniwala. Ano 'tong pinasok ko? Patay. Tsk.
"Oh ba." Maikli nitong sagot sabay palit ng kasuotan gamit ang kapangyarihan.
Ang naging suot niya ngayon ay black shiny fitted pants with his armored belt with a design of a taurus. And he is also wearing a white sando under his black leather jacket.
Nakita ko namang nag suot din ito ng black gloves na may butas upang makalusot ang bawat daliri niya.
MONIQUE
"Teka, lugi naman yata si Zoey dahil ikaw may kapangyarihan. Siya, wala?" Nag-alala kong tanong na kanina pa yata inaantay ni Zoey.
"Oo nga. Paano yun?" Dugtong ni Zoey.
"Eh hindi nga ako gagamit ng kapangyarihan, di ba?" Maikling sagot ni Cane.
"Weh? Kaya mo? Eh baka naman mangdaya ka?" Pang uudyok na tanong ni Zoey.
"Sus! Sa tagal ko ng gumagamit ng kapangyarihan ay kaya ko ng kontrolin ito noh! Baka naman natatakot ka lang?" Pangiinis na tanong ni Cane.
"Hindi! Hinding-hindi! Tara!" Matapang na sigaw ni Zoey.
"Oh yun naman pala eh." Maangas na sabi ni Cane.
Napasimangot naman ang mukha ko dahil sa takot at kaba na nadarama ko.
"Wag kang mag-alala. Hindi naman niya magagawang mapatay yang babaeng iyan eh . Ito talaga ang balak ni Cane sa umpisa palang. Ang balak lang ni Cane ay malaman ang kapangyarihan ni Zoey. Kaya, magagawa lamang niya yun kung makikipaglaban siya kay Zoey." Mahabang bulong naman ni Xandra sa gilid na nahalata yata ang pag-aalala ko .
"Wala na bang ibang paraan? Mamaya ay mapahamak si Zoey." Nagalala kong tanong.
"Kaya niya yan. At isa pa, kayang magpigil ni Cane. Hindi siya yung tipong ng taong mainitin ang ulo." Paliwanag ni Xandra.
"Maaga pa naman eh. Mga alasingko-imedya pa lang naman eh." Dinig kong sabi ni Cane.
"Ano tara na? Umpisahan na natin?" Naghahandang sabi ni Cane.