Chapter 10: Terrible past

56 5 2
                                    

MONIQUE

Kabigla-bigla talaga ang mga pangyayari kanina.

Ang paglalaban nila na muntikan mauwi sa pagkawala ng isa sa kanila.

Pero sa kabila nun ay may parte pa rin sa aking puso ang pagkamangha.

Kahit nagkaroon ng kaunting aberya, sa tingin ko ay matagumpay ang plano ni Cane na malaman ang kapangyarihan ni Zoey.

Speaking of Cane, nagpapasalamat ako sa Panginoon at nakaligtas siya. Nakaligtas siya dahil sa guro niya na sa pagkakaalam ko ay Caroline ang pangalan.

Hindi ko inaasahan ang pagdating niya pero nagpapasalamat talaga ako. Hindi rin ako makapaniwala sa itsura nito. Parang mas matanda lang siya sa amin ng lima o anim na taon. Napaka bata pa niya para maging isang guro.

Sabi ni Xandra, siya ang itinuring nilang nakakatandang kapatid slash guro nilang tatlo sa society kung saan sila naninirahan.

"Ah miss, okay ka lang ba? Wala ka bang natamong sugat?" Sabi ng babaeng nasa isip ko ngayon-ngayon lang. Si Miss Caroline.

Siguro ay tapos niya nang gamutin si Cane at Zoey kaya ako naman ang napansin.

"Ay, okay lang po ako. Maliit na galos lang po ito. Wag niyo po akong alalahanin." Sagot ko sa kaniya.

"Ay hindi maari yun. Akin na at gagamutin ko ang sugat mo." Pagpupumilit niya.

Dahil nagpumilit siya, wala na akong nagawa kung hindi sumunod na lamang. Itinapat ko ang aking kanang braso na may lapnos dahil sa ginawang pag atake kanina ng walang malay ngayon na si Zoey.

"Yan ba ang maliit na galos?" Panunudyo niyang tanong.

Wala naman akong nagawa kung hindi tumawa na lamang.

Itinapat niya ang kaniyang dalawang kamay sa aking balat kung saan may lapnos.

Dahan-dahan niyang inalapat ang kaniyang mga kamay sa aking braso hanggang sa tuluyan niyang maidikit  ang mga ito sa aking balat.

Nakaramdam ako ng hapdi. Habang tumatagal ay nawawala ang lahat ng sakit ng magsimulang umilaw ang mga kamay ni Ms. Caroline. Unti-unti at dahan-dahan.

"Oh tapos na ito." Maikling sabi ni Ms. Caroline.

"Ah, salamat po Ms. Caroline." Maikli kong pasasalamat.

"Ah kahit wag na miss. Napaka pormal eh. Sa society mo na lang ako tawaging miss kapag tinuturuan na kita." Paliwanag niya.

Matapos kong magpasalamat ay dumiretso namana siya sa walang malay pa ring si Cane.

Nakakamangha ang kaniyang ginawa. May kakayahan siyang gumamot kaya siguro isa siya sa mga doktor doon sa lugar nila. At ang balat kong kanina ay lapnos ay ngayo'y walang bahid ng lapnos maski peklat.

Oo. Isa nga akong doktor. Bulong ng isang tao sa isip ko.

Nagpalinga-linga ako para hanapin kung sino yun.

Hindi kaya...

Nang tumigin ako sa kinaroonan nang taong gumamot sa akin kanina lamang ay bumungad sa akin ang isang masayang ngiti mula sa maaliwalas niyang mukha. Si Caroline.

Wala naman na akong nagawa kung hindi ngitian siya pabalik.

Kung gano'n, ang kapangyarihan ni Caroline ay manggamot at... Telepathy?

The Bearers of Magic PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon