ZOEY
Sinamahan namin si Monique sa Comfort Room.
Hawak ko ang mga damit niya at kinuha ko ang towel na bigay sa kanya ng taong nagligtas na naman sa kanya. Si Chris.
Binasa ko ito ng kaunti at saka ko inabot muli.
" Oh yan para di naman mag lagkit yang katawan mo. Isang food coloring siguro ang iniligay nung malditang iyon." Sabi ko kay Monique.
MONIQUE
Pagkatapos kong magbihis ay agad kaming dumiretso ng classroom. Pagdating naman dun ay...
" Ikaw na namang bata ka?!" Wala namang ginagawa sayo ang anak ko ah! Umpisang-umpisa palang nang pasukan ganya ka na?! Ano bang gusto mong iparating hah?! Hindi porket student council president yang ate mo ay pu-pwede mo nang gawin ang kahit anong gustuhin mo!" Sigaw ng isang babaeng nasa trenta'y singko.
Nang lumapit pa lalo ako sa pintuan upang makita kung sino ang kausap nito... Nagulantang ako at tila natakot nang makita ko siya.
Ang lalaking nagligtas sa akin para sa ikalawang pagkakataon. Si Chris.
"Mawalang galang lang hoh ah! Inaamin ko po na walang ginawa sa akin yang anak niyo. Pero sa mga kaibigan ko meron. Hindi nga lang isa eh. Dalawa pa hoh silang mahalagang tao sa akin ang sinaktan niya." Sagot nito sa pabalang at may galit na tono.
" Ah ganon. Kaya mo binugbog ang anak ko? Pwes! Humanda ka dahil sisiguraduhin ko na hindi ka na makakapag- aral sa iskwelahang ito!" Panakot naman ng babae Kay Chris na tila nagulat sa sinabi.
Hindi ko alam kung bakit pero may isang bagay lang akong naramdaman. Takot.
Hindi ko napigilang tumakbo sa lalaking nagligtas sa akin ng hindi lang isa kundi dalawa.
" Chris!" Sigaw ko kaya napatingin ang dalawang ito sa akin.
Hindi ko napigilang yakapin si Chris dahil sa takot na may gawin ang mga magulang ni Mark sa kanya.
Nagulangtang naman si Chris at ang kausap nito. Tumikhim naman si Melcy habang yakap ko si Chris
"Ah so siya yun. Isang babae. Hmmp! Kaya pala" sabi nito sa tonong may pagkainteresado.
Hindi umimik si Chris nang ilang saglit pero bigla rin siyang nag salita.
" Wag kang magalala hindi ko hahayaang may gawin sila sayo." Sabi niya sa akin na tila nagbago ang tono ng boses niya mula sa pagiging masungit.
"Ikaw ang inaalala ko Chris. Baka kung ano ang gawin nila sayo." Sabi ko na mayroong pagalala at parang ang tagal na naming mag kakilala.
"Anong nangyayari rito?" Gulat naman na tanong ni Sir Gin.
"Ah sir! Si Mark po nambully na naman." Biglang sabi ni Melcy na di sinangayunan ng magulang ni Mark.
"Aba! Sino kaya ang nambugbog sa anak ko aber?!" Tanong ng galit na galit na mama ni Mark.
Naiintindihan ko siya ngunit dapat hindi maparusahan dito si Chris dahil ako naman ang dahilan ng lahat.
Bigla namang kumabog ang dibdib ko ng bumitaw siya sa pagkakayakap.
Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata at hinawakan ako sa magkabilang braso.
" Patawarin mo ako kung nadamay ka pa dito." Sabi nito habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
"Wala ka dapat ihingi ng tawad sa akin Chris. Sa halip ay dapat akong magpasalamat sa iyo." Sagot ko sa sinabi niyang pag hingi ng tawad.
"Ah Mrs. Rune pasensiya na po sa mga nangyari." Rinig kong sabi ni Sir Gin sa mama ni Mark.
"Aba! Dapat lang! At tyaka hindi ako papayag na manatili pa ang walang modong batang yan sa iskwelahan na ito!" Sabi nito sabay turo kay Chris gamit ang pamaypay nito.
"Mr. Ackerman, go to faculty room now." Sabi ni Sir Gin kay Chris na may pagka authority sa boses nito.
Napakuyom naman ang mga kamay ni Chris habang naglalakad palabas ng room ng may biglang...
"Sir Gin! Ako po ang dahilan ng lahat! Kung mapaparusahan man po si Chris ay isama niyo po ako." Sabi nito nag hahabol ng hiniga. Si Gale.
"Teka Gale. Hindi ka na dapat sumambat pa." Sabi naman ni Chris.
Bigla kong naalala, kasama pala ako sa mga iniligtas niya. So it means...
"Sir ako din po! Ako naman ang dahilan kung bakit niya binugbog si Mark eh." Sabat ko din habang patuloy na nagpapaliwanag.
"Ah oo tama. Dapat kasama din yang babaeng yan." Sabi naman ng malditang nanay ni Chris na napansin kong napakaraming alahas na nakasabit sa katawan nito mula ulo hanggang paa.
"Hindi!" Sigaw ni Chris na bakas sa mukha ang pagalala.
"Hindi Chris. Tama na. Lalaban na ako this time at hindi na matatakot pa. Ipaglaban natin ang ating mga sarili dahil natin ang tama." Sabi nito na halatang nag palakas ng loob ni Chris.
"Ang dami niyong satsat. Dumiretso na daw kayo ng faculty room. Hmmmp!" Sabat naman ng nanay ni Mark na biglang binuksan ang pamaypay.
MELCY
Napaka maldita talaga nitong nanay ni Mark. Nakakainis. Ang sarap balatan ng buhay. Sabi ko sa isip ko habang nakikitang naglalakad na sila Chris, Gale at Monique patungo sa lugar na inutos ni Sir Gin.
"Sa tingin mo, talaga bang ipapatanggal si Chris sa iskwelahan na ito?" Tanong sa akin ni Zoey na halatang kinakabahan din.
"Hmm. Hindi naman ciguro. Sigurado naman akong sila Chris ang mapapaburan ng principal kasi sila ang nasa tama. Pero hindi rin namang tama na binugbog ni Chris ng husto si Mark. Kaya baka... Hayyyy! Napaka gulo!" Sabi ko habang iniisip kung anong magiging parusa nila Chris.
Nakita kong kinakausap pa rin ng malditang nanay ni Mark na Sir Gin. Nakita kong napakamot ng ulo si Sir Gin sabay ngiti. Tapos may nakita akong iniabot si Mrs. Rune kay Sir Gin. Isang sobre.
Tinukoy ko ang laman. Nang sinubukan kong sumilip, nakita ko ang kagimbal- gimbal na laman nun. Pera. Sinuhulan ni Mrs. Rune si Sir Gin! Sigaw ko sa isip ko.
Bigla ko namang tinapik si Zoey at pinakita kung ano ang nakita ko. Nang makita ito ni Zoey ay nagulat din siya. Nang hindi nagtagal, may naramdaman akong tumapik sa akin.
"Halika dito may sasabihan lang ako." Tawag sa akin ng matalino naming kaklase. Si Lianna...
***
Fifth chapter finished. Hala! Sinuhulan pala ni Mrs. Rune si Sir Gin. Tsk tsk tsk.