Chapter 8: Explanations

71 4 2
                                    

"Zoey! Gumising ka na! Mahuhuli ka na sa klase mo." Tawag ng babaeng pamilyar ang boses sa pangalan ko.

Bakit alam niya ang pangalan ko?

"Mamaya na po mommy inaantok pa po ako." Antok na antok na sabi ng bata.

Bakit napakapamliyar ng pangyayaring ito?

Maya-maya pa ay parang biglang nag iba ang lugar. Parang naging isang kastilyo.

"Aalis lang kami anak. Wag kang magalala, babalik din kami." Sabi ng matandang lalaking pamliyar din ang boses.

"Teka po. Kailangan niyo po ba talagang umalis?" Tanong naman ng bata.

"Oo bunso. Hindi ka naman pababayaan ni yaya eh." Sabi naman ng batang lalaki .

"Captain Rhys! Malapit na po sila!" Nakakairitang sigaw ng isang lalaki.

"Oh cge. Ihanda na ang lahat. Tara na Luisa at Lo..." Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin ng biglang may nangyaring malakas na pagsabog.

"Mahal na mahal ka ng mommy, anak. Magkikita pa tayo ulit. Pangako." Mga huling salita ng babaeng umiiyak bago ito umalis.

Isa lang palang panaginip. Paulit-ulit na panaginip na hanggang ngayon ay hindi ako pinapatahimik. Nakaka inis dahil ako'y nakalimot. Anim na taong gulang ako noon ng mawalan ako ng memorya. Sabi ng taong nag aruga sa akin ay marahil parte ng aking buhay ang bawat napapanaginipan ko.

Naikuwento ko na rin ito isang beses sa taong nag aruga sa akin. Ang sabi niya sa akin ay ipinagkatiwala daw ako sa kanya ng mga magulang ko. Ang pangalan ng aking ama ay Richard Rhys at ang ina ko naman ay Luisa Rhys. May kuya daw ako sabi niya. Ngunit hindi rin niya alam ang pangalan nito dahil bago lang daw siya sa pamilya namin that time at hindi ito naipakilala ng aking mga magulang sa kanya dahil may nagtatankga na pumatay sa akin sa mismong araw na yun.

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa akin sampung taon na ang nakakaraan. Basta ang alam ko, iniwan ako ng pamilya ko para sa aking kaligtasan.

Tuluyan na akong nagising. Naimulat ko na ng maigi ang mga mata ko. Ngunit napatingala lang ako sa kisame ng aking kuwarto.

Saka ko naalala ang lahat.

Ang lahat? Hah! Gulat na gulat kong sabi. Anong nangyari? Nasaan ako?

Nang mapansin ko kung nasaan ako ay mas lalo akong nagulat. Kasalukuyan akong nasa kuwarto ngayon. Nakahiga at nagpapahinga. Anong nangyari? Nasaan si Monique? Nasaan ang mga taong nagligtas sa amin?

Mga tanong na bumabagabag sa akin.
Tumingin ako sa orasan. Magaalas-kuwatro pa lang ng umaga.

"Anak, halika na dito. Bumaba ka na." Tawag sa akin ng taong nag aruga sa akin ng mahabang panahon. Si yaya Mel.

"Cge po ma. Pababa na. Maghihilamos lang po." Sagot ko.

Ma or mama na ang tawag ko sa kanya dahil siya na rin ang itinuring kong nanay sa mahabang panahon.

The Bearers of Magic PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon