CHRIS
"Uhh. N-nasaan ako?" Tanong ko habang pinipilit ibuklat ang mga talukap ng aking mga mata.
"Wag ka nang kumilos Chris. Dadalhin ka namin sa ospital. Si Gale ito." Sabi niya sa akin habang tinutulak ang aking stretcher.
Wala na akong nagawa. Habang pilit kong ibinubukas ang aking mga mata ay unti unti ko ring nararamdaman ang lahat ng sakit sa buo kong katawan.
"Wag kang gagalaw Chris. May ituturok lang silang pampamanhid para wala na ka nang maramdaman." Paliwanag niya sa akin habang pilit akong hindi pinapagalaw.
Sa una, nakaramdam ako ng kirot. Pero hindi nagtagal, nawala lahat ng nararamdaman kong sakit. Unti unti rin nitong kinakain ang kamalayan ko.
Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, muli kong naalala ang lahat. Nang papuntahin kami sa faculty room, nang palipatin sila Gale at Monique sa principal's office, kung paano nila ako bugbugin at kung paanong may biglang lumabas sa mga palad ko na pinatalsik si Mark. Ano kayang mang yayari sa akin? Mabubuhay pa kaya ako?
ZOEY
Nandito kami sa classroom at nagaantay ng balita. Malala ang nga tinamong sugat ni Chris. Sinamahan naman ito ni Gale papuntang ospital.
Ito. Ito ang kanina ko pa dapat nalaman. Hindi kaya, siya ang isa sa tinutukoy nung lalaki? Mga katanungan na hindi parin nasasagot.
"Hala! Sabi ko sayo Lianna eh. Dapat kanina pa natin siya tinulungan!" Sigaw ni Melcy na tila hindi makakayanan ang lahat ng pangyayari.
"Huminahon ka Melcy. Magiging maayos din si Chris. Tyaka tama ang desisiyon ni Lianna. Eh paano kung nahuli kayo? Oh edi pati kayo nadamay." Paliwanag ko sa kanya habang pilit ko siyang pinapatahan.
"Patawarin mo ako Melcy kung sa tingin mo ay mali ang desisiyon ko. Patawad." Sabi niya sabay yuko.
"Tama na Lianna. Walang may kasalanan dito, yung walang hiyang pamilyang Rune lang talaga ang may pakana nito. Once na malaman ko lang talaga na sila nga. Naku! Hindi ako makakapag-pigil." Sabi ko sa kanila na halata sa akin ang panggigil.
May napansin naman akong naglalakad papqsok sa pintuan ng classroom. Si Monique.
"Oh tapos ka na bang kausapin ng principal?" Tanong ko sa kanya.
Ngunit hindi ito umimik. Bagkus, ay umupo ito sa katabi kong silya at inisandal ang ulo sa kanyang mga braso na nakapatong sa lamesa.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago siya sumagot.
"Ipapatawag ang mga magulang ng lahat ng sangkot dito." She said with a sad tone.
A sad emotion coming from her makes my heart sad. Bakit kailangan mangyari ito? Bakit?
