Year 2021, isang genius scientist, si Dr. Maxwell Collins, half Filipino half American, ay nakaimbento ng Nerve Set. Isang device na ginagamit sa pag treat ng mga mentally retarded patients.
Madami ang napagaling ng device na ito, sapagkat ang main function nito ay ang pag detect ng signs or symptoms of possible diseases ng patient at pag treat ng neurons or brain cells sa utak through harmless static pulses na pinapadaloy ng device sa brain.
Ang device na'to ay may dreamscape function, kung saan pinapatulog nila ang patient at nilalagay ang consciousness nito sa dreamscape na gawa ng device sa pamamagitan ng static pulses na pinapadaloy nito, dahil na din sa matagal na oras ang gingugol ng treatment sa patient na umaabot minsan ng 24 hours na walang kain o pahinga kaya nila ito nagawa. Sa dreamscape inoobserbahan ang patient if nagrerespond sila dito, which nagrerespond naman kahit yung mga malala or terminal cases na, ay napapagaling pa din.
Di naglaon naging success worldwide ang invention na'to at isang Game Company ang nakaisip ng idea na e apply ang dreamscape function ng device sa game nila. Wala namang tutol si Dr. Collins sa idea bagama't gumawa pa nga sila ng partnership dito.
Sa palagay ni Dr. Collins, mas makakabuti pa nga eto sa patients niya at sa iba pang patient ng mga mental diseases na nakahiga na lang sa mga hospital beds nila. Bukod sa pinapagaling na sila ay nakakapag enjoy pa sila.
Gumawa na ng kasunduan ang company at si Dr. Collins. Sa tulong ng samo't saring computer programmers at game developers, sa loob ng 7 years ay nabuo nila ang Warring Ages Online at naging unang Virtual Reality- Massive Multiplayer Online Role Playing Game or VR-MMORPG.
Ang pangalan ng company na nakaisip ng idea at siya ding magrerelease ng game ay, Matrix Gaming Corp. na pinapamahalaan ng Acevedo Group of Companies.
Matagumpay ang game dahil madami itong positive remarks and reviews na natatangap kahit nasa kalagitnaan pa lang ito ng Beta Phase. Dahil dun nagschedule agad ang game ng release ng Alpha Version ng game pagkatapos ng Beta this year 2028.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nakatanggap ang Game Company ng report na ang mga data ng Advance Weaponry ng mundo ay na hack at nilagay sa game ang mga ito. Isang Anonymous Hacker ang nagpakilala na siyang may kagagawan nito, nung una hindi naniwala ang mga leader ng mga bansang nanakawan, ngunit lumabas sa intelligence report nila na nawawala daw talaga ang mga iyon at nakompira din ito ng company, dahil may mga nadetect daw sila na mga foreign data at naka attach eto sa mga weapons data ng laro.
Doon na sila umpisang kumilos at nagplano kung anong gagawain. May nag suggest na e manual override ang system ng laro at kunin doon ang mga nawawalang datas. Ngunit mahigpit itong tinutulan ng CEO at President ng Company na si Alexander Falsetto Acevedo Sr. , dahil daw baka magcorrupt ang mga programs ng laro, sapagkat parang nakamerge daw ang mga nawawalang datas na yun sa weapons data ng laro, kung kukunin ito at ipaghihiwalay, baka macorrupt daw ang system ng laro sapagkat foreign data ang kukunin at hindi ito parte ng game. Kung sakaling macorrupt ang system, hindi na ito maaaring maretrieve pa at masasayang lang ang pinaghirapan nila for 7 years, at baka manganib din daw ang mga players na kasalukuyang naglalaro ng Beta Version ng game. Sa huli nagsuggest sila na e mano mano na lang daw ang pagkuha ng mga foreign data sa pamamagitan ng pagpasok sa laro at isa isang hanapin ang mga Advanced Weaponry datas na naka disguise sa loob ng game, at ito naman ay pinagkasunduan ng lahat, sa ganitong paraan kasi walang risk na makukuha, di gaya ng unang suggestion.
Dahil sa napagkasunduang plano, napagpasyahan na din na isama sa isang server ang lahat ng server, na dapat sana'y sa bawat bansa lamang, at gawin na lamang na cross-server ang laro na dapat sana'y sa later part pa ng game e rerelease. E aactivate na din ang World Language Translator sa Alpha Version, dahil sa Beta lang ito enabled, cross- server kasi ang Beta Testing kaya ganun. Ang Translator ay may 100% accurate translation of language in the game, maliban na lang sa English na Default ng Program, para na din sa mabilis na communication between players.
Ang hacker ay nagbigay ng coded data sa company at ito'y nilagay ng company sa special item na e didistribute sa players na representative ng mga bansang kasali sa mission na e retrieve ang mga nawawalang data ng kani kanilang bansa. Bawat bansa ay may iba't ibang code kaya hindi pwede mag agawan sa nawawalang data ang mga ito. Ang special item ay isang ring na magrereveal ng lost data if ginamit ito sa weapons ng game, parang scanner lang, pero hindi lahat ng weapons sa game ay may lost data, pili lamang ang mga ito ayon sa hacker.
Ang plano ay isasakatuparan pagkarelease ng ALPHA Version ng game. Lahat ng bansa ay handa na, kabilang na ang Pilipinas ngunit may isang hindi malinaw para sa kanila, at 'yon ay kung ano ang intensyon ng hacker, kung bakit niya ginawa ang lahat ng 'to.
♠♦♣♥♪‡★†∅ī ō Π ± § ∞ ≈}{
BINABASA MO ANG
Warring Ages Online: The Council of Demigods
Science FictionA game where fantasy meets reality. Isang anonymous game developer/programmer ang nakapaghack ng various advanced weapon systems ng buong mundo kabilang na dun ang mga malalakas na bansa gaya ng U.S. , U.K. , Japan, China, Russia, India at iba pa. N...