Log 3: The Challenge
Levi's POV
Nakarating kami sa bahay, ay mali, mansyon pala, nila Grandpa't Grandma. Wala namang gaanong nangyari ng papunta kami dito maliban na lang sa sinabi Kuya Xander na may Deal proposal daw si Grandpa na nakapukaw ng interes ko.
Pagakatapat namin sa gate ay automatic agad itong bumukas.
Binaba ko ang side window ko at binati si Manong Mario na nasa Guardshed sa gilid ng gate, binati din niya ako ng welcome back at kung anu ano pa. Guwardiya siya nila Grandpa at hindi lang siya nag iisa marami din siyang kasama mga nasa 24 ata sila at hindi pa kasama dun ang personal guards ni Grandpa, malaki kasi itong mansyon kaya marami ang bantay.Pinarada ko na ang kotse sa may parking, kasunod lang namin sila Ate Liza, na naka convoy sa'min kanina.
Bumaba na kami ng sasakyan at dumiretso sa front door ng bahay, pagkabukas ko ng pinto...
"SURPRISE...!!!" sabay sabay nilang sabi.
Wala, gulantang isip ko, dilat mata, hulog panga. 'Di ko naman kasi inaasahang na nandito silang lahat, by LAHAT I meant lahat talaga, pati nga sila ni Gramps Renz at Grandma Vicky andito kasama nila si Ate Maw, ang pagkaka alam ko nasa states sila, kelan pa sila umuwi dito?
Nandito rin pala sila Uncle Clifford at Auntie Sarah na mga magulang nila Kuya Cedric, sina Uncle Mike at Auntie Cecil na magulang nila kuya Ace, sila Uncle Gareth at Auntie Jezel na magulang nila Ate Gale.
Nandito rin pala sina Uncle George at Auntie Chloe, at sina Uncle Dale at Auntie Asha, na ang pagkakaalam ko ay nasa States. Eh kung nandito sila, ibig sabihin nandito din sina...
"Yo, Chuckie Monster!!! Long time no see."
"Kuya Theo!!! Akala ko nasa states kayo kasama sila Kuya R.J. at Kuya Ar- ar. Kelan pa kayo umuwi?"
"Well, last minute lang naman ang arrival namin at kanina nga lang kami nakarating, timing nga eh, kaka alis lang din nila Kuya Xander mo para sunduin ka. Haha."
"Edi jetlag ka pa din, grabe nageffort pa talaga kayo umuwi para lang sa pagdating ko."
"Anung jetlag, sanay na ako diyan kaya no effect na sa'kin ang mga yan, at saka birthday mo kaya bukas, kaya lang ayaw mo kasi ng magarbong celebration kaya heto tayo ngayon. Sabi ni Grandma isasabay na lang daw ang welcome party at birthday party mo, para daw maiwasan ang pagplano ng magarbong party." Mahabang lintanya ni Kuya Theo or si Theodore Acevedo Lark, 23 years old kulay, brown yung buhok at mata niya at siya ang pinakamatanda sa'ming magpipinsan, at siya din yung loko loko sa'min, maliban na lang kay Kuya Matt at ako naman, medyo may pinagmanahan din sakanila ng konti.
"Hey cous' long time no see, how're you doi-- AW!?" Sabi ni Kuya R.J. habang kinakamot ang batok at papalapit sa direksyon namin.
"Tsk. Wag ka nga mag English hindi bagay sa'yo at saka, lumipad ka lang ng States nakalimutan mo nang magtagalog." Sabi naman ni Kuya Ar-ar na siyang bumatok kay Kuya R.J.
Si Kuya R.J. or si Rio Jasper Acevedo de Guzman, 21 years old na may green eyes at brown na buhok na anak nila Uncle Dale at Auntie Asha. Isa din siya sa kasama namin nung Beta Test. While si Kuya Ar-ar naman or Aaron Arthur Santiago Acevedo, 21 years old, light brown eyes, reddish hair at nakakatandang kapatid ni Kuya Ace kasama din namin siya nung sa Beta Test.
"Hahaha, andito din pala ang tatlong asungot. At kailan pa kayo dumating aber...?" Tanong ni Ate Liz na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
Marami pang kamustahan ang naganap at hindi nawawala ang mga makapigil hiningang mga yakap nila. Lalong lalo na sa dalawa kong Grandma na pinisil pisil pa ang magkabilang pisngi ko, instant blush on tuloy. Takte ang sasakit kaya, ang hahaba pa ng kuko nila, pero ininda ko na lang yun at hinayaan na lang sila.
BINABASA MO ANG
Warring Ages Online: The Council of Demigods
Science FictionA game where fantasy meets reality. Isang anonymous game developer/programmer ang nakapaghack ng various advanced weapon systems ng buong mundo kabilang na dun ang mga malalakas na bansa gaya ng U.S. , U.K. , Japan, China, Russia, India at iba pa. N...