Log 8: god of Souls
Levi's POV
*Vibrate Berrrr Vibrate Beerrrrrrr*
~Dad Calling~
~Hello Dad. Napatawag kayo?
~Punta ka dito sa office mamaya after ng klase mo.
~Huh? Bakit Dad?
~May pag-uusapan tayo.
~Sige Dad.
~End of Call~
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom ng napatawag si Dad. Ang weird, bakit kaya siya napatawag? Siguro confidential ang pag-uusapan.
"Levi-kun!!!"
"Lance my labs!!
"Victor my sweetheart"
"Babes"
"Cupcake!!"
"HoneyBunch!!"Dafuq. Ano akala nila sa'kin, Dessert?
Ayan na sila. Kailangan kong magtago. Dudumugin na naman ako ng mga babaeng yun. Kahapon, ganun din ang napala ko. Eh malay ko ba na kung sasabihin kong single ako ay dudumugin nila 'ko.
Tumakbo ako papuntang room. Medyo malapit lang naman. Pagkapasok ko sa room halos walang babae, puro mga kaklase kong lalake lang ang nakikita ko. Ay mali may dalawang babae pala rito.
Isang... medyo serious na naka suot ng glasses at isang hyper na cute at kinakausap niya yung babaeng nakaglasses.
"Oy tol, dito!!" tawag sa'kin ni Enzo at Jiro.
Haha. Napag alaman ko nga pala kahapon na si Jiro ay si Ragerhaixe. Hanggang ngayon 'di pa rin siya makapaniwala sa nangyari dun sa Virridian Forest.
"Bro, asan yung ibang classmates natin ba't ang konti naman ata natin dito." tanong ko sa kanila.
"Nagtaka ka pa talaga. Edi ayun sa labas, pinaghahanap ka." tugon ni Jiro.
"Ahhh, kaklase pala natin yung humahabol sa'kin, grabe nagdala pa sila ng mga banner at kung anu-ano pa."
"Pinagsasabi mo? Hindi sila yun. Baka yun ata ang Fans Club mo. Haha. Hinanap ka ng mga kaklase nating babae dahil sa Fans Club na yun."
sabi ni Enzo."Huh? Bakit naman?" kunot noo kong tanong.
"Ayaw daw kasi nila na mapahamak ka dahil sa Fans Club na yun. Oh diba ikaw na ang mahalaga." sarcastic na pagkasabi ni Jiro.
"Hays. Ewan ko sa inyo."
Ilang minuto lang nagsipasukan na ang iba kasabay ng guro namin. Ngiting tagumpay naman yung mga babae dahil 'di daw ako na abutan ng Fans Club ko daw. -_-
Nagsimula na magklase si ma'am. Lumipas ang apat na oras ay lunch break na. Grabe wala man lang recess. Saklap
Pumunta na kami sa Cafeteria, kasama ko sila Jiro at Enzo. Buti walang nagtitilian ngayon. Nakasalubong ko rin pala sina Ate't Kuya at inimbitahan kami nilang sumabay sa kanila pero tinanggihan namin.
"Bro naglalaro ka rin ba ng WAO?" tanong ko kay Enzo, dahil nakalimutan ko siyang tanungin kahapon. Haha.
"Oo naman bro, kita tayo mamaya sa game ha. IGN ko'y Arceus."
"Sige. Eh ikaw Jiro maglalaro ka ba mamaya?" tanong ko kay Jiro.
"Hindi bro. May lakad kami ng mga magulang ko. Next time na lang, nasa friend's list ko naman kayong dalawa kaya kayo na lang ni Enzo ang magkita para ma add niyo ang isa't isa."
BINABASA MO ANG
Warring Ages Online: The Council of Demigods
Science FictionA game where fantasy meets reality. Isang anonymous game developer/programmer ang nakapaghack ng various advanced weapon systems ng buong mundo kabilang na dun ang mga malalakas na bansa gaya ng U.S. , U.K. , Japan, China, Russia, India at iba pa. N...