Log 9: Two Swords, An Axe and Six Other Weapons
... In game...
Jana or Minerva's POV
Haayys. Mukhang mahaba ata ang araw ko ngayon. Pano ba naman kasi, kanina pa tanong ng tanong si Kook. It's getting in my nerves. Nakakairita kasi, alam niyo yun?
"Oy! Jana, tingin mo kaya dadating pa sila Levi at Enzo?"
sabi ni Kook.-_-
"Haayyss. Kook, alam mo? Kanina ka pa tanong ng tanong diyan. Siyempre dadating yung mga yun, maaga lang kasi tayo sa tagpuan." sagot ko sa kanya with a bored expression. -_-
"Hala, oo nga no. Hehehe. 'Di kasi ako time conscious." (^_^)V
sabi niya.Napailing na lang ako. Sana naman kasi dumating na yung dalawang asungot na yun.
...Meanwhile...
Levi's POV
Nandito na ako ngayon sa City of Haven. Dumaan ako sa portal mula sa Town of Seibwen. Kunti lang gumagamit ng portal kasi medyo may kamahalan ang bayad sa paggamit nito, pero 'di yun problema sa'kin, madami na kasi akong gold na nakuha dahil sa quest at pagkill ng maraming mobs.
Tumambad ako sa City of Haven malapit sa gate papasok ng City. Maglalakad na sana ako papuntang tagpuan namin ng may marinig akong parang rambulan at sigawan sa paligid.
"Hoy!! Tabi!!-Bilis habulin niyo siya!!!! sigaw ng isang lalaki na nakahood na itim at mayroon siyang guild badge sa kanyang dibdib. Isang pin na may design na limang bilog at may alternating color na black and white (°•°•°).
Tiningnan ko ang ibabaw ng ulo nila at kabilang sila sa mga Player Killers dahil kulay red ang crystal sa ibabaw ng ulo nila, dahil kulay green yun kung hindi.
Eniquip ko ang hood ko mula sa Armour Set na nabili ko kay Mang Seth pero 'di ko muna sinuot ang buong set nito. At dahil sa dakilang matulungin ako, sinundan ko sila palabas ng gate patungong forest.
Sinusundan ko lang sila, at ang dami pala nila, siguro more than 35 ang tantya ko. Hinahabol nila ang isang babaeng player na naka mage outfit. Mukhang marami ang makakalaban ko ah, pero bahala na nga.
Nakorner nila ang babae sa isang malaking kahoy. nagkubli ako sa isang sanga ng puno pero kitang kita ko pa rin sila sa view ko. Nabigla ako ng mas dumami pa ang mga kalaban at pinalibutan nila ang babae.
May isang player mula sa kalaban ang lumapit sa babae sabay hubad ng hood nito. Sa posisyon ko kitang kita ko ang pagmumukha niya, base dun nalaman kong Chinese ang nationality niya.
"Miss ibigay mo na sa'min yang staff mo, ibabalik din naman namin agad." sabi nung lalaking singkit.
"No. Ayoko nga, at tapos ako naman ang mawawalan ng points? Pinaghirapan ko kayang makuha 'tong weapon na 'to." sabi ng babae.
Wala siyang suot na hood o anumang pantakip ng mukha, kaya nasulyapan ko ang maamong mukha nito. For the record, wala naman talaga kasi siyang masyadong suot. Kung edidiscribe ko... parang two piece swimsuit lang siya na may naka attach na mahahabang mga tela sa pangibaba. Guys maawa kayo sa'kin wag na masyadong details... nakakadugo ng ilong eh. (A/n: Check the media guys.)
Base sa kanyang facial features, taga ibang bansa din ang isang 'to. Matataas na cheekbones matangos na ilong at almond shape na mata, tingin ko European siya, 'di ko lang matukoy kung saan sa Europe.
So, base sa kanilang conversation isa sila sa mga representative ng mga bansa nila para magretrieve ng mga stolen data files. At kung 'di ako nagkakamali ang staff na hawak ng babae na kulay ginto at may malaking ruby crystal sa ibabaw nito ay naglalaman ng stolen data file.
BINABASA MO ANG
Warring Ages Online: The Council of Demigods
Ficțiune științifico-fantasticăA game where fantasy meets reality. Isang anonymous game developer/programmer ang nakapaghack ng various advanced weapon systems ng buong mundo kabilang na dun ang mga malalakas na bansa gaya ng U.S. , U.K. , Japan, China, Russia, India at iba pa. N...