Log 4: Game Start

1.9K 113 7
                                    

Log 4: Game Start

Levi's POV

"Link Start..."

Pagkatapos kong banggitin yun. Bigla na lang umilaw ang paligid at bumungad sa akin ang isang white room. Walang gamit o ano man, puro puti lang lahat nakikita ko, yung kisame at ding ding, pati na din ang sahig ay puti din. Palinga linga lang ako sa buong room ng biglang may lumabas na magic circle sa sahig, 'di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Circle siya na may mga runes sa gilid tapos may guhit na 6 pointed star sa loob tapos meron ding maliit na circle sa gitna na may mga runes din. Ang astig, umiilaw pa ito ng black at ang mga guhit ay umiilaw ng kulay white.

Biglang may lumitaw ulit na magic circle na mula sa una, at unti unti itong tumataas, hanggang sa magkaheight na kami nito, parang cylinder na ngayon ang hugis na nabuo at unti unting may nagfoform na tao sa gitna ng dalawang magic circle. Lumabas ang isang babae, malalaman mo agad na AI (Artificial Intelligence) ito dahil sa kulay blue ang nakapatong na gem sa ibabaw ng ulo nito.

Maganda siya, mahaba ang itim niyang buhok na abot hanggang bewang, almond shape na mata na may kulay na brown at may mahahabang pilik mata. Matangos na ilong at mapulang labi na katamtaman lang. In short para siyang goddess.

"Good Day, my name is Layla and I will be assisting you with your [Character Creation]. But before that you must sign up for an account. If you already have an existing account from the Beta Test you may use it as your account, but you have to reenter your personal profiles for security purposes." - Layla

Pagkatapos niyang magsalita may lumabas agad na VS  or Virtual Screen sa harap ko, kaya finill up ko agad ang mga blankong espasyo na nakalagay dito.
———————————————

User Name: HeliumCloud
Password: *********** (√)
Verify Password: *********** (√)
Email: acevedolevi@email.com
Phone Number: 09##-###-####

Name:
Lancelot Victor Collins Acevedo
Address:
Haven Gates Subd. , Distric 1.
Age: 16
Bio Scan:
[Complete: Status: Fine]
Gender: Male
Height: 5'6
Weight: 52 kg/ 114.4 lbs.

IGN: Praxis
———————————————

"Your account has been successfully verified. Now for the [Character Creation]."

[Race: Default: Human]

Races can be changed in the game. [Race Convertion] can be aquired through a certain quest. You will be acknowledged by a race as their own by increasing your affiliation with them by doing their specific quest, if you raise enough [Intimacy], you will be given a chance to take a special quest, [The Trial of Acknowledgement], if  completed, it would grant you an option to convert your race to the one with your greatest [Intimacy].

The only options that are available for Alteration are the following:

————————————————
•Hair Color:
•Hair Style:
•Eye Color: ————————————————

Napatango tango na lang ako sa lahat ng sinabi ni Layla, kung ganun default na ngayon ang Race, kasi noong Beta Test hindi yun ganun, at saka puwede ka na rin pala magchange Race through questing. Mukhang madami atang binago sa game ah, pero sa bagay madami nadin siguro ang updates ng game kasi nagsimula na ito five months ago.

Warring Ages Online: The Council of DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon