Log 2: Grandapa's Deal
Levi's POV
"Patay... naloko na."
Naku... pa'no na 'to. Sino kaya nagsabi sa kanila na dito ako nag-aaral. Magugulo na ata ang halos limang buwan kong tahimik na pumumuhay.
"Levi... dito ka lang pala nagtatago ha... ALAM MO BANG LIMANG BUWAN KAMI NAGKAKANDARAPA MAHANAP KA LANG!? Minsan lumiliban pa nga kami sa mga klase namin... At kung hindi pa sinabi ni Grandma na andito ka lang pala... naku di ko na alam ang gagawain. " medyo mahabang speech na Ate Liza. Kung gan'on si Grandma pala ang nagsabi sa kanila.
Sh*t talaga di ko alam kung ano'ng gagawin... wait, oo nga pala naka disguise pa ako, matry nga, malay niyo makalusot pa kung mag maang maangan na lang.
"H-ha? Ano p-pong pinagsasabi n-niyo, at s-sino po si L-Levi?" Ayan, sana makalusot ang acting ko. May pa utal- utal pa yan, para may pascared effect.
"Ahhh... gusto mo pala maglaro ah, sige makikisabay ako..."
Naku lagot, 'di man lang siya natinag sa acting skills ko, sa bagay 'di naman ako artista para magaling umarte. Pa'no 'to? Ahhhgg... bahala na nga.
"Ahhmm Ate, ano ba ang pinagsasabi niyo... wala po ak-"
"MATT! Ilabas ang ipis!"
"I-i-ipis?" Potacha sa ikadamidami ba namang hayop diyan IPIS pa, pwede namang palaka o kaya butiki o bulate, IPIS pa talaga!?
"Ah sige Ate wait lang, kunin ko lang sa kotse." At ayon, tumakbo na si Kuya Matt sa kotse para kunin ang i-i-ipis...
'Di ko pala namalayan na pinagtitinginan na kami dito ng mga estudyante at meron din iilang faculty... teka nga bakit parang wala naman atang pumipigil sa kalokohan na pinang gagawa namin dito, ay este sila kuya't ate lang pala, hindi ako kasali no.
Nagpalinga linga pa ako, at nakita ko sa 'di kalayuan si Kuya Xander at Ate Lynn na may kausap na babaeng nasa 30 years old ata, at may kasama pa itong dalawang security guard sa likod. Parang pamilyar ang mukha ng babae... hmm...Ay fudge!! Siya pala ang Principal ng school... anu ba yan. Kaya naman pala walang nagtangkang pumigil sa kalokohang nagaganap ngayon sa cafeteria, e nakisabwatan din pala ang principal.
"Ate eto na oh..." saad ni Kuya Matt na nakangiting aso habang naglalakad sa may puwesto ni Ate Liza na malapit sa table na kinakainan ko ngayon, at may dala dala pa siyang jar na may lamang mga kulay brown na gumagalaw...
D*MN SH*T ang daming ipis naman yan.
"Oh ano? Magkukunwari ka pa ba diyan, oo bubuksan ko 'tong garapon?" Sabi ni Ate Liz na nakasmirk pa.
"Ah... hehee.." ano ba yan parang wala akong kawala nito. Umaandar na naman yung phobia ko. Ilabas niyo na lahat na nakakatakot o nakakadiring bagay, wag lang IPIS. Ewan ko ba kung bakit ako nanginginig kapag makakita ako ng ipis, naku lalong lalo na pagnaka bukas yung mga pakpak nito at palipadlipad sa paligid... eeeeewww yuck talaga.
"Oh? Di ka pa aamin... Isa... Dalawa.." sh*t ayan bubuksan niya na potcha nakakadiri talaga.
"Oo na... oo na, aamin na, ako nga 'to, kaya wag mo na ituloy please... maawa ka Ate Liz wag mong buksan yan..." pagmamakaawa ko sa kanya habang nakapikit na mangiyak ngiyak at butil butil na pawis na ang tumutulo sa mukha ko, dagdagan pa nang nanginginig kong katawan. Sh*t talaga yang ipis na yan.
Oy sa mga hindi takot sa ipis diyan ewan ko lang sa inyo, kayo kaya gapangan ng ipis diyan, at sa buong katawan pa ha, at makagat ng 'di ko na nga mabilang na beses, hindi kaya kayo matrauma?
BINABASA MO ANG
Warring Ages Online: The Council of Demigods
Science FictionA game where fantasy meets reality. Isang anonymous game developer/programmer ang nakapaghack ng various advanced weapon systems ng buong mundo kabilang na dun ang mga malalakas na bansa gaya ng U.S. , U.K. , Japan, China, Russia, India at iba pa. N...