Log 6: The Death god's Quest
Levi's POV
Maaga akong nagising ngayong araw dahil araw ng Lunes ngayon at dahil ngayong araw din daw ako papasok sa bago kong school.
*Tok tok tok*
"Young master, gising na po. Nakahanda na po ang breakfast sa dining area, nandoon na din po ang Daddy niyo pati na rin ang mga kapatid niyo." Sabi ng maid namin na nasa labas ng kwarto ko.
"Sige po, bababa na po ako maya't maya." tugon ko dun sa maid namin. Sa pakakataong ito ay kasalukuyan akong nagbibihis ng uniform na binigay nila kuya. Eto daw ang uniform ng school. Long sleeve siya na white at sinamahan ng blue over coat or jacket na may logo ng school, meron din kasamang neck tie na red. Ang pants naman ay kulay black. At siyempre naka black shoes din ako.
Agad na akong bumaba dahil tapos na akong magbihis at kung di niyo naitatanong kanina ko pa tapos gawin ang mga daily rituals ko, gaya ng ligo, toothbrush at kung anu ano pa, kayo na bahala mag imagine.
Pagkababa ko ng malaking hagdan ay dumiretso agad ako sa dining area, kung saan naghihintay silang lahat. Nakaupo na din pala sila ni Grandpa't Grandma.
"Oh Levi, halikana at sumabay kana sa'min kumain, baka malate pa kayo." Saad ni Grandma. Kaya umupo na ako sa mesa at nagsimulang kumain.
"Anak, kamusta naman ang game? Natanggap mo na ba ang rewards mo mula sa Beta Test?" sabi ni Dad habang humihigop ng mainit na kape.
"Ah, oho."
"Bro, ano ang nakuha mong rewards, sa akin kasi ay rings lang at isang passive na skill." saad naman ni Kuya Matt.
"Oo nga Levi, anong nakuha mo? Ang sa akin kasi enchanment materials lang at isang active skill na 'di ko masyadong nagamit noong nasa Beta Test pa lang tayo." sabi naman ni Ate Lynn.
"Ahh, anu kasi... ang nakuha ko ay ang Dark Infinity Edge at isang active skill ko na Cosmic Trod. He... he... he."
"Waaa. Ang daya naman. Ang nakuha mo pang item ay 'yong main weapon mo tapos isang active skill na parati mong ginagamit. Ang daya talaga." tugon ni Kuya Matt habang nakabusangot. Hahaha. Parang bata lang.
"Pareha pala tayo Levi. Nakuha ko din 'yong main weapon ko at isang passive skill nga lang 'yong isa. Pero ok na din yun. Haha." Sabi ni Ate Liza habang nakangiti.
"Ahhh, ganon ba, eh ikaw kuya Xander. Ano ang nakuha mong rewards?" tanong ko kay Kuya Xander na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa usapan.
"Pareha tayo. Nakuha ko rin 'yong main weapon ko tapos ang isa sa mga active skill ko na parati kong ginagamit." tugon ni Kuya Xander sa tanong ko.
"Maiba ako, Dad, kilala niyo po ba ang player na nakakuha ng dalawang huling title ng Event? Gusto ko kasi siyang e recruit sa Guild ko." Sabi ni Kuya Matt habang masusing tinitigan si Dad na humihigop lang ng kape at nagbabasa ng diyaryo.
Hindi sumagot si Dad bagkus ay binaba niya lang ang diyaryo niya at tiningnan kami isa isa habang nakatitiig naman kaming lima sa kanya at naghihintay ng sagot. Binaling ni Dad ang tingin niya at tiningnan niya naman si Grandpa, pero tila wala itong paki sa pinaguusapan namin. Si Grandma naman ay nakangiti lang at patuloy lang sa kanyang pagkain.
Ilang sandali pa ay nagsalita na si Dad.
"Ang bagay na yan ay hindi ko puwedeng sabihin. Kung gusto niyo talagang hanapin siya at e recruit sa Guild niyo, kayo dapat mismo ang maghanap sa player na yun." sabi ni Dad.
BINABASA MO ANG
Warring Ages Online: The Council of Demigods
Ficțiune științifico-fantasticăA game where fantasy meets reality. Isang anonymous game developer/programmer ang nakapaghack ng various advanced weapon systems ng buong mundo kabilang na dun ang mga malalakas na bansa gaya ng U.S. , U.K. , Japan, China, Russia, India at iba pa. N...