Prolouge: The Beta Test

2.6K 91 6
                                    

Prolouge: The Beta Test

Third Person POV

"Rawwrrr. Filthy Humans! You dare challenge my power!? Rawwwrrr "

Malakas ng sigaw ang maririnig sa kabuuan ng Death Valley.
Kasalukuyang ginaganap ang final phase ng Beta Test at iyon ay ang pabagsakin ang Demon Lord na ngayo'y nasa 60% na lang ang HP.

Enemy Status

Name: Gul'Dan (Final Boss)
Category: Ancient
HP : 60%
MP : 75%
SP : ∞
RANK : ★★★★★★★★★★★★★★★
TITLE : EXILED DEMON LORD
RACE : DEMON
CLASS : UNHOLY TYRRANT

SKILLS : UNKNOWN
STATS : ???

Yan ang lumalabas sa bawat virtual screen ng mga players na tumitingin ngayon sa status ng boss, kabilang na dito ang binatang nakahood ng itim at tanging makikita lang ay ang gray na mata nito, natatakpan din kasi ng itim na tela ang bibig nito hanggang sa bandang ilong.

"Oi Levi anu ginagawa mo diyan? Humanda kana at susugod na tayo." Sabi ng isang binatang lalaki na pitong taong gulang na mas matanda sa binata na nakahood na tinawag niyang Levi.

"Ge, kuya Xander, tinitingnan ko lang naman ang status ng Boss, sina ate Liza at ate Lynn nga pala at si kuya Matt din, asan? " tanong ni Levi kay Xander na naka battle armour na dark red at may itim na highlights.

"Ahh, nandun na sila sa mga puwesto nila, si Liza nasa south ng valley, si Lynn naman nasa east, at si Matt nasa west."
Sagot naman ni Xander at agad na binaling ang atensyon sa labanan na kasulukuyang ginaganap.

"Archers, ready!!!" Sigaw ni Xander habang tinataas ang kamay nito.

"Fire!!!" Pagkasabi nun, sabay baba pa ng kamay niya, ay mabilis na pinakawalan ng mga Archers sa likod niya ang mga palasong may [Holy Enchanment] na nakakapagdagdag damage sa boss na demon type.

"Elite Warriors... Sugoooodd!!! " sigaw ulit ni Xander at biglang lumusob ang mga players na matataas ang mga level na ang pinakamababa ay 7. Nasa mahigit kumulang 25000 na Beta Players ngayon ang naririto kasama na dito ang mga nasa ibang bansa, nagkakaintidihan lang sila sa pamamagitan ng World Language Translator na naka enable sa Beta Testing.

Ang maximum level cap kasi sa larong ito ay level 10 which is makukuha lang if nagawa mong matalo ang isang Mythical Creature ng solo, which is mahirap dahil ang Mythical Creatures ay may rank na 13-14 stars, kasunod lang ng Ancients. Basta paliwanag ko na lang sa susunod na chapters. Para may thrill.

Kasulukuyang lumulusob ang mga elite warriors sa posisyon ng boss habang nagpapaulan pa rin ng mga palaso ang mga archers. Hindi naman natatamaan ng mga palaso ang mga pasugod na elite warriors, sa laki ba naman ng boss na ito na umaabot ng 50 ft.

"Mages, cooldown naba skills nyo?" Tanong ni Xander sa mga players na naka robe na may mga hawak na staff, meron ding mga may hawak na wands. Napatango naman sila sa tanong.

"Kung ganoon e restrict nyu ulit ang movement ng boss, saka kayo magpakawala ng skills, pero sa ngayong pagkakataon patamaan niyo sa ulo lang na bahagi dahil umaatake na ang mga Elite Warriors." Tumango lang mga Mage sabay cast ng skills nila.

"[Binding Roots]!!"

"[Static Shock]!"

"[Frost Bite]!"

"Ngayon na! Pakawalan niyo na ang mga offensive skills niyo." Sigaw ni Xander ng hindi na gumagalaw ang boss. Dahil dun mabilis na nagsiliparan ang mga samo't saring projectiles mula sa mga mages. Kasabay din dun ang pag atake ng mga Elite Warriors na kakarating lang sa pinaroroonan ng boss, may kalawakan din kasi itong Death Valley, at tinawid pa nila ang kalahati ng Valley papunta sa boss.

Warring Ages Online: The Council of DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon