Log 11: Infiltration: The Guild Summit

1.3K 64 11
                                    

Log 11: Infiltration: The Guild Summit

"Are you Insane!?" sabi nilang tatlo

"Hoy Levi diba kakasabi mo lang kani kanina na level 1 ka pa lang?" sigaw ni Kook.

"Forget about less than 5% chance of success, ang Celestial Spades ay isa sa mga top ranking guilds ng server. Hello is your brain made of bean paste? Nagiisip ka ba!?" sigaw ni Janna.

"Oo nga tol. Your plan is impossible." sabi naman ni Enzo.

"Guys don't worry. What I've said kanina is that less than 5% ang chance, yun ay kung kayong tatlo lng ang gagawa nun. Wiith me around siguradong 100% percent ang success rate."

"Tol, pare, bro, whatever... alam kong malakas ka. Pero ang e infiltrate ba naman ang isa sa pinaka secure na facility sa loob ng game, dapat isa ka muna sa mga Legendary Players noong last Game, gaya nina [Silver Demon], [Dia Mond], [Corazon], [Spades], [Malunggay], [Golden Crow], [Jade Rabbit] at [Obsidian Angel]," mahabang bulalas ni Enzo.

"May point nga naman si inutil. Kung di ka man isa sa mga Legendary Players--- kasi mga halimaw ang mga yun-- at the very least kasabayan mo yung mga kagaya ng apat na guild masters ng Celestial Alliance ngayon, o ang apat na guild masters ng Divine Beast Alliance, o ang dalawang guild masters ng Shadow Striders at Black Moon Merchant Guild. Si [Eclipse] na Vice Guild Master ng Azure Dragon Guild, o di kaya si [Faćadé] na isang rouge player. Puwede din si [Crimson Bright] na leader ng Crimson Bright League. Oo nga pala, ang nga pala wag niyong kalimutan ang grupo ng mysterious players na tinatawag nilang 'Knights of the Round the Table', or si [Dao Seeker] na isang wandering expert." napakahabang bulalas ni Kook. Grabe di man lang siya kinapusan ng hininga.

"Guys chill.... I know my limits and I'm not afraid or anything."

Hmph. Minamaliit nila ata ako. Totoo nga level 1 pa lang ako, kasi nga di pa ko kumuha ng level advancement quest, pero ang combat abilities ko are no less than those level 10 players.

Tiningnan ko sila isa isa at nakikita kong nagdadalwang isip sila sa gagawin namin. Oo nga naman, sino ang hindi magtataka sa plano na 'to na tila walang konkretong idea kung papaano isasagawa ang 'plano'.

"Guys don't doubt. Here's the plan..."

The Day after Tomorrow...

Sa isang malaking kastilyo.

Ang kastilyong ito ay matatagpuan sa Norte ng City of Haven. Maraming NPC na kawal nagpapatrolya sa mga borders nito. May dalawang tore ang kastilyo na makikita sa entrance gate nito kung saan oras oras ay nagbabantay na mga sentry.

Bukod sa NPC's na nakakalat sa kastilyo, marami ring players ang makikita na pagala gala sa loob. Kapansin pansin ang guild badges ng mga players, na nasa kaliwang braso nila. Ito ang sumisimbolo ng kanilang pagiging miyembro ng isang guild. Ang badge nila ay isang kulay itim na Spade (♠).

Celestial Spades Guild.

Ang pangalan ng guild nila ay Celestial Spades at ang kastilong ito ay ang main headquarters ng Guild nila.

Guild Castle Mainhall. Makikitang naglalakad ang dalawang lalaking nakasuot ng full body armor. Ang isa ay may kulay pulang buhok, at may nakastrap na Broadsword sa likod nito. Ang isa naman ay may kulay brown na buhok at isang Heavy Sword naman ang dala dala nito.

"Guild Master Red Nax. Maya't maya dadating na ang ibang Guild Masters at magsisimula na po ang Guild Summit. Marami na rin po ang mga media na nakatambay sa labas." sabi ng lalaking kulay brown ang buhok.

Sa in game, may mga broadcasting companies na nag cocover ng mga important eventa sa loob ng game, gaya ng mga guild assemblies, guild wars, tournament battles, at marami pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warring Ages Online: The Council of DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon