Kabanata 3
Walang Makakapagpabago
Kabado ako habang naglalakad sa stage. Ako yung huling rarampa. Ako din yung nasa gitna naming lima. Halos di ako makalunok sa sobrang kaba ko.
"First time?" Tumaas ang kilay ni Brandon habang nililingon ako.
Siya kasi ang huli sa mga lalaki. Ibig sabihin, magkasunod kami sa linya. Una siyang lalabas, tapos ako.
"Yep." Hindi ko siya tinignan.
Pinanood ko si Jasmine na nakanganga ang ngiti habang naglalakad. Para bang over confident kung makapaglakad sa ramp.
"Kaya pala pang finale yun." Narinig kong sinabi ng isang model.
Mas lalo akong dinaluhan ng kaba. Wala akong experience sa mga ganito kaya kabadong-kabado ako ngayon.
"Ikaw si Rosie, diba?" Tanong niya.
Kabanas! Ayokong makipag-usap sa ngayon. Ayoko ring makipag-usap bukas o kahit kailan man. Tumango ako. Ayoko namang maligo sa tsismis na lumalaki ang ulo kaya nagsusuplada.
"I'm Brandon." Naglahad siya ng kamay.
Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba yung kamay niya. Pero tinanggap ko rin nang may kasamang buntong hininga.
Mabilis lang yung kamayan namin pero nang bawiin ko na ang kamay ko, hindi siya pumayag. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakasimangot ako habang nakangiti siya.
"Ang bilis mo namang makipag shake hands." Aniya at ngumisi.
"Shake hands lang naman. Hindi holding hands." Tuluyan ko nang nabawi ang kamay ko.
Inirapan ko siya pero natawa na lang siya.
"Sungit..." Tumawa ulit siya.
"BRANDOOON!" Narinig kong sigaw ni Kira galing sa stage. "It's your turn! Hindi ka ba nakikinig?"
"Oh! Sorry!" Mabilis siyang tumakbo palabas ng back stage.
Pinasadahan niya ng daliri ang mahabang buho niya habang confident na rumarampa sa harapan. May mga tinuro pa siyang mga babae. Nag flying kiss din siya sa mga ito.
"THAT'S NOT HOW YOU DO IT, BRANDON! Hindi ito rampa ng mga naka hubo't-hubad! Seryosong rampa ito. Suite yung susootin mo!" He rolled his eyes.
"Sorry, Kir..." Tumawa ulit si Brandon.
"Nagpapasikat lang yan!" Sigaw ng mga babae sa backstage.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...