Kabanata 24
Handa akong magparaya
Naiiyak ako buong oras na kasama ko sina Jamie. Tahimik sila at hindi nila ako masyadong binabagabag. Tapos na akong nag apologize kay Ms. Bubbles. Tinanggap niya pero pinagsabihan akong dapat kinausap ko si Jacob. Baka sakali dawng di niya yun ginawa kung nagkausap lang kami ng maayos.
Sa ngayon, nag-aalab pa ang galit ko. Ayaw ko muna siyang makausap. Baka mamura ko lang siya sa inis ko. Alam ko, nagpaalam na ako sa kanya. At sana... sana lumayo muna siya... Dahil sa ngayon, para akong bomba na sasabog na lang kahit anong minuto.
"Rosie, sama ka?" Tanong ni Angela nang nakangiti saakin.
Siya lang yata ang nagkalakas loob na tanungin ako. Nakikita ko si Brandon, nakaupo lang siya sa isang gilid at wala ring pinapansin. Pareho kaming dalawa. Hindi ko nga lang alam bakit ganyan ang reaksyon niya.
"Oo naman." Pinilit kong ngumiti pero awkward na ngiti lang ang nagawa ko.
"O, guys, game daw siya!" Nakangiting tawag ni Angela sa kanila.
Nginitian ko sila isa-isa pero di rin nagtagal ay napalitan parin ang ngiti ko ng simangot. Damn!
May dalawang oras pa bago kami pupunta sa bar. Saka na daw kami pumunta pag nasa gitna na ng party kasi mas masaya. Tapos na rin kaming naghapunan dito. Kanina pa kami nakaupo dito sa Candy's at nagpapatay ng oras.
"Shots na lang muna tayo habang naghihintay?" Sabi ni Dennis, yung isang model sa finale (kanina ko pa nalaman kung ano ang pangalan niya).
Sumang-ayon naman silang lahat at umorder ng mga beer at hard drinks.
Hindi naman talaga ako heavy-drinker kasi hindi ako nasasarapan sa lasa ng liquor. Kaya lang, dahil sa pait at hapdi ng naranasan ko this past few days ay parang naging tubig lang ang lasa ng lahat.
"Hinay-hinay lang, Rosie." Sabi ni Brandon habang iniinom yung beer niya.
Hindi siya nakisali sa inuman ng hard drinks. Pero pinagmamasdan niya akong mabuti habang umiinom ako ng bawat shot.
Napapikit ako sa sobrang tapang ng iniinom ko. Patay, dapat hinay-hinay lang ang pag-inom. Hindi pa naman ako sanay baka malasing ako ng wala sa oras... wala pa naman si Jac-. UGH! Ayan na naman. Eto na naman ako. Hindi ko na naman kayang isipin man lang ang pangalan niya.
Nilagok ko ang isa pang shot. Hindi ko na alam kung pang-ilan na 'to. Naiisip ko parin kasi yung pagyayakapan ni Jac- at Jasmine. Yung niyayakap siya ni Jasmine at unti-unting pag tapik niya sa balikat niya. Yung paghaharap nila nang umiiyak si Jasmine. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman at iniisip ni Jac- sa mga puntong iyon. Ang alam ko lang, si Jasmine ang tanging nasa loob ng utak niya nun at posibleng maging pati sa puso. Tapos yung nakakapanlumong halik naman ang nakikita habang nakapikit ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...