Kabanata 22
Magsama Silang Dalawa
Lumipas ang isa pang linggo ng wala si Jacob. Tumatawag parin siya araw-araw pero hindi na tulad nung unang linggong nagkahiwalay kami, hindi na siya nag titext oras-oras. Tawag na lang ang inaasahan ko sa kanya. Dalawang tawag sa isang araw.
Thursday nang napansin kong iniiwasan niyang banggitin si Jasmine.
"Hello, Rosie?"
"Jacob... Kumusta na?" Tanong ko.
"O-Okay lang. Ikaw? I miss you so much. Sana pwedeng umuwi ngayon. Isang buwan na lang matatapos ko na ang Field Study na ito." Aniya.
"Miss na din kita. Okay lang yan. Malapit na rin naman. Uuwi ka naman ngayong Sabado diba?"
"Uhm... Syempre! Hindi ka parin ba natutulog sa bahay?"
Napalunok ako sa sinabi niya, "Oo. Sorry. Nabobore kasi ako doon. Dito kasi sa bahay, madaldal si Maggie kaya ayun."
Napabuntong-hininga siya, "Sorry, Rosie... Alam ko dapat umuwi ako last Saturday. Haay."
"Bakit nagsisisi ka? Hindi ba maganda naman yung birthday ng daddy ni Jasmine?" Natigilan ako.
"Oo n-naman. Kumusta ang studies mo? Malapit naba ang midterms?" Tanong niya.
"Okay lang naman. Ikaw? Kumusta negosyo niyo ni Jasmine?"
"Okay lang din. Hmmm... Kailan ba ang next ramp mo?"
Bakit parang iniiba niya ang usapan? OMG! Ito na ba yung sinasabi ni Brandon?
"Jacob... Binibigyan ka pa ba ng pagkain ni Jasmine?"
"H-Huh?" Natahimik siya ng ilang segundo, "Ba't mo naitanong?"
"Diba araw-araw ka niyang binibigyan ng pagkain? Taste test?" Sabi ko.
"Oo. Noon. Pero ngayon, di na... Teka... Ba't siya pinag uusapan natin?"
BAKIT HINDI!? BAKIT NGAYON MO PA NAPAPANSIN NA TUMATAWAG KA NAMAN MINSAN SAKIN PARA PAG-USAPAN NATIN SIYA?
"Wala naman. Natanong ko lang."
"Rosie..." Suminghap siya. "I miss you..."
"Bakit di ka na niya binibigyan ng pagkain ngayon? May nangyari ba?" Tanong ko.
"ROSIE! Ano ba yang iniisip mo!?"
Narinig ko ang pagtalon niya.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako!"
"Bakit parang iba ang tono mo? Wala naman akong ginagawang masama dito."
"Ba't ka defensive?" Huminahon ako.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...