Kabanata 16

1M 26.4K 5.3K
                                    

Kabanata 16

Malabong Mangyari

Mahaba at mabagal ang panahon. Bawat minuto ay ramdam na ramdam ko. Lagi akong nakaabang sa cellphone ko o sa relo ko. Lagi kong tinitignan kung may text ba si Jacob o malapit na bang matapos ang araw para makapagvideo-call na kami.

May mga araw na pagod si Jacob pero nagsisikap parin siyang pasayahin ako. May mga araw namang ramdam na ramdam ko ang pangungulila nila.

"Kanina ko pa hinihintay na sagutin mo texts ko." Lagi niyang sinasabi. "Miss na miss na kita, Rosie... Sana nandyan ako. O sana nandito ka..."

Kinukurot ang puso ko tuwing naririnig ko siyang nagrereklamo. Sinasabi ko rin sa kanyang na mi-miss ko na siya pero ayokong iparamdam sa kanya na sobra-sobra ang pangungulila ko sa kanya dahil baka magbago na naman ang isip niya at bumalik pa dito.

"Hello, Rosie?" Nabigla ako sa tawag ni Kira.

Biyernes nang gabi at nandito ako kina Jacob. Sa wakas! Makakauwi na rin siya pagkatapos ng isang linggo sa Alegria. Dami kong gustong itanong sa kanya. Nag uusap naman kami gabi-gabi pero iba pa rin yung sa personal.

Naka alarm na ang orasan ko ng 6AM. Yun kasi ang expected time of arrival nila. Alas nuebe silang bumyahe kaya mukhang darating sila sa oras na yun. Kailangang gising ako para agad kong maaninaw ang mukha niya.

"Yes? Good evening, Kira! Napatawag ka?" Tanong ko.

"May bagong collection si Ms. Bubbles. Sa Sunday night ang ramp. No rehearsal kasi sa Sortee natin gagawin."

"Ha? Sortee? Yung isla? Bakit?"

"Yun kasi yung theme, 'Summer Night'"

Paano naging Summer ngayon eh July na?

"Sunday night?" Nag isip ako.

Wala na si Jacob sa oras na yan. Uuwi siguro siya Sunday morning para nasa Alegria na siya sa gabi.

"Summer night? Tapos anong sosootin? Kailan ang alis?"

"Gowns din, ano ka ba! Uhm... 6PM yung ramp. By 9PM siguro nakaalis na tayong Sortee. 3PM naman tayo aalis ng Maynila. Wa'g kang mag-alala, kalahating oras lang ang byahe, may private plane na gagamitin para sa inyong mga models."

Kinagat ko ang labi ko.

Ayokong sumama. Alam kong mas maganda ito kasi gowns na naman. Hindi aangal si Jacob. Pero gustong-gusto ko nang iwasan si Brandon as much as possible.

Mukhang alam yata ni Kira ang iniisip ko kaya agad siyang sumingit.

"Hindi pwedeng hindi, Rosie. You are still under the contract!"

Napasinghap ako, "O-Oo. I know."

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon