Kabanata 18
Kissmarks
Mabilis ang panahon pag ayaw mong matapos. Hindi ko namalayang bumalik na lang agad si Jacob sa Alegria. Napabunton-hininga ako habang tinitignang nawawala na ang sasakyan nila sa kanto.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kailangan ko pang maghanda para sa pag alis ko mamaya pero hindi matanggal sa isipan ko ang pangamba. Mas nangangamba na ako ngayon kumpara sa unang pag alis ni Jacob.
Alam mo yung feeling na pinagsisisihan mo yung isang desisyon mong di mo na pwedeng bawiin? Alam ko kung ano ang nakakabuti kay Jacob at eto yun. Ayaw kong maging selfish... Ayokong dahil sa pagseselos at mga pangamba ko ay ipagkakait ko na sa kanya ang pagkakataong ito.
Jasmine...
May gusto ka ba kay Jacob?
Kaya mo bang rumespeto sa relasyon naming dalawa?
"Rosie?" Kinalabit ako nang tumabing model sakin.
"H-Ha?" Tumaas ang kilay ko sa kanya.
"Okay ka lang?" Tanong niya. "Kanina ka pa tulala."
Ngumisi ako at bumuntong-hininga. "Marami lang akong iniisip."
Nasa loob kami ng airplane papuntang Sortee. Maingay ang mga kasama ko. Pinili ko talaga ang pinakahuling upuan para walang makaistorbo sakin. Hindi naman sa anti-social ako pero talagang wala ako sa mood makipag usap kahit kanino ngayon.
Natulala ulit ako. Pero ilang sandali ay nakuha ni Brandon ang atensyon ko. Nakatitig siya sakin... Nanliliit ang mga mata niya. Nasa unahan siya at maraming kaibigang kasama. Nagtatawanan silang lahat pero nakatoon ang buong atensyon niya sakin.
Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Tinignan ko na lang ang mga clouds sa labas.
Buong byahe niya akong tinitigan kaya buong byahe din akong nakatingin sa labas.
"You okay?" Tanong niya nang nakalabas na kami sa airplane.
Mainit at maganda agad ang bumungad na tanawin dito sa Sortee. Damang-dama mo ang summer kahit July na. Inisip ko tuloy na magbakasyon dito kasama si Jacob.
"Is this about your boyfriend?" Tumaas ang kilay ni Brandon habang tinitignan ako.
Umiling na lang ako at inirapan siya.
"Hey! Sinabi mo saking magkaibigan na tayo! Pag magkaibigan tayo, you should at least tell me your problems-"
"Wala akong problema kaya wala akong masasabi sayo." Sabi ko.
Sinusundan ko na sina Kira kasama ang iba pang models papasok sa Sortee Beach Club.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...