Kabanata 17
Pero di ko kaya...
Buong araw kaming namasyal ni Jacob sa buong syudad. Umaga nang nagpunta kami ng mall para manood ng sine. Kumain din kami sa labas. Tumikim kami ng bagong cuisine. Sinubukan namin ang sushi. Nag enjoy kami sa pagkain pero hindi ko masyadong type. Ayaw din ni Jacob pero tuwang-tuwa kami sa ginawa namin.
"Next time, sa ibang restaurant naman?" Tumatawa si Jacob nang paalis na kami sa japanese restaurant.
"O sige, hmmm, chinese restaurant naman."
Tumango siya at inakbayan ako.
Papasok na kami sa sasakyan. Malaki ang ngisi niya nang pinagbuksan niya ako at umikot para umupo sa driver's seat.
"Saan tayo ngayon?" Tanong ko.
"Mag hotel?"
"HA?" Uminit ang pisngi ko.
Ngumisi siya.
"Jacob!"
"Hmmm! O sige, umuwi na lang tayo. Next time na tayong mag hotel." Tumawa siya.
Umiling ako. Ibang klase din ang appetite nitong boyfriend ko ah. Sa bagay, ilang araw din naman kaming di nagkita.
"Okay..."
"Miss na miss na kitang nakakasama sa kama."
"Hmmmp! Ayan ka na naman?" Umirap ako.
Tumawa siya, "Hindi yung may ginagawa... yung niyayakap lang siyempre. Yung niyayakap lang habang nakahiga at nagkukwentuhan."
"Hmmm. Magandang ideya yan." Ngumiti ako.
Maging ako mismo ay nami-miss na ang pakiramdam na iyan. Lalo na ngayong nagsimula nang umambon. Parang gusto ko na lang ding tignan ang bintana ni Jacob na basa sa tubig-ulan habang nag yayakapan kami sa kama.
I like that.
Busy siya sa pagdi-drive habang lumalakas ang ulan.
Nakita kong umilaw ang cellphone niya. Kinuha ko ito. As usual, hindi naman siya pumalag. In-unlock ko ang screen at binasa ang message na galing kay Jasmine.
Jasmine:
Super thank you, Jake.
Napalunok ako. Ilang sandali pa bago ako nakapag isip ulit ng diretso.
Jake ang tawag niya kay Jacob. At walang conversations sa cellphone ni Jacob. It's either ni-delete iyon ni Jacob lahat o ito talaga ang unang text ni Jasmine.
Bakit siya nag thi-thank you kay Jacob? Hindi ba dapat si Jacob ang mag thank you kay Jasmine dahil sa pinadalang pagkain ni Jasmine?
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...