Kabanata 11
Putikan
Pulang-pula ang pisngi at labi ko nang pabalik na kami sa bahay nila.
"Mabibigla ang papa mo sa pagdating natin." Sabi ko kay Jacob habang nakatingin parin sa salamin.
"Hindi siguro... Alam niyang uuwi tayo ngayon."
Tumango ako.
Gising na ang mga katulong nina Jacob. Pero unang bumungad samin si manang na nakasimangot.
"Kanina pa kayo nakarating dito, diba? Saan kayo galing?" Mataray na tanong ni Manang.
Dinalaw ako ng kaba. Bakit ba kasi tuwing may milagro kaming ginagawa ni Jacob, parang may nakakaalam. O baka talagang guilty lang ako kaya napaparanoid ako ng ganito?
"Kaka almusal-este-uhm... mag-aalmusal na kami. Galing kami sa trucking, manang."
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Jacob. Kitang-kita ko ang pag pula ng pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na lang palayo kay manang.
"Sige po..." Paalam ni Jacob.
"Sige... Nandyan ang papa mo sa dining room. Mag almusal na kayo."
Nilingon ko si manang. Tumaas ang kilay niya habang tinitignan ako. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Uy, Jacob! Rosieee!"
Tumayo ang daddy ni Jacob para yakapin siya. Nagpayakap si Jacob pero nang umambang yayakapin na ako ng daddy niya ay umalma siya.
"Pa!"
"Bakit?" Tumawa ang daddy niya.
"Alam mo namang off-limits itong si Rosie, wa'g mo ng subukan!"
"Pati ba naman ako, Jacob?"
Hinintay niya ang reaksyon ni Jacob. Nag iwas lang si Jacob ng tingin at umupo sa hapag kainan. Umiling ang daddy niya at umupo na rin. Umupo din ako sa tabi ni Jacob.
"Dito ka na mag fi-field study?" Halos mapunit ang mukha ng daddy ni Jacob sa kakangisi.
Umirap si Jacob at uminom ng tubig. Ako yung nagsabi na dito siya mag fi-field study. Pumayag na siya kanina pero alam kong labag parin ito sa kalooban niya.
Bumaling ang daddy niya sakin.
"Ikaw ba, Rosie? Ikaw ba ang nagpapayag sa kanya?"
Napalunok ako, "O-Oo. Pumayag na siya. Sayang din naman po kasi kung di siya dito mag fi-field study. Sayang yung mga negosyo niyo..."
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...