Kabanata 14
Unti-Untiin
Mahirap gumising pag alam mong wala si Jacob sa tabi mo habang amoy na amoy mo siya sa paligid. Gaya ng pinangako ko sa kanya, sa bahay niya na ako pansamantalang titira.
"Ma, oo, dito na po muna ako." Sabay kusot ko sa mata ko.
Kakagising ko lang sa kama ni Jacob. Wala siya, syempre, nasa Alegria. Kailangan ko ng bumangon para maghanda. Kahit mamayang hapon pa yung ramp modeling, kailangan ko ng i-kondisyon ang sarili ko ngayon pa lang. Alam ko kasing ma-iistress ako. Tatlong beses akong magpapalit ng damit sa backstage. Wala pa si Jacob na inspiration ko.
"Hay, Roseanne! Bakit ba kasi ayaw mong sumama na lang kay Jacob sa Alegria-"
"Ma! Napag-usapan na po natin 'to. Wa'g na nating pagtalunan pa."
"Hay! Ewan ko talaga sayo! Pag nakahanap yun ng iba, lagot ka sakin."
Umirap ako sa inis. Ilang taon na ang nakalipas, ganun parin ang pananaw ni Mama. Wa'g ko raw pakawalan si Jacob dahil 'big catch' siya. Oo, big catch si Jacob kasi loyal at mapagmahal siya. Pero alam nating lahat kung ano ang ibig sabihin ni mama sa big catch niya: dahil mayaman siya. Yun lang.
"Ma, sige na po. May tumatawag na. Si Jacob na ito. Bye."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad ko ng pinutol ang linya. Hindi pa tumatawag si Jacob, malamang tulog pa yun o pagod sa byahe kaya ni-text ko na lang.
Ako: Good morning Jacob. Call me pag nasa Alegria ka na or gising ka na. Mag aayos lang ako for later. I love you.
Bumangon ako at nagpunta sa kitchen. May tatlong katulong sina Jacob sa bahay na ito, dalawang security guard at isang driver. Hindi ako sanay mamuhay nang may katulong pero di rin naman ako sanay na mamuhay na ako yung nagluluto. Sadyang di lang talaga ako talented sa kusina. Si Maggie ang talented sa kusina kaya siya yung nagluluto saming dalawa. Ako yung naghuhugas ng pinggan. Kaya hindi narin bago sakin na handa na agad ang almusal pagka gising ko.
"Salamat po." Hindi nga lang ako sanay na pinagsisilbihan.
Inubos ko ang oras ko sa banyo. Naligo, toothbrush, hair dry, lagay ng lotion at kung anu-ano pa hanggang sa tumawag si Jacob.
"Rosie..." Malambing na boses ang sumalubong sakin.
Napangiti ako at tinigil ang pag aayos na ginawa ko, "Nasa Alegria ka na?" Sabay tingin ko sa relo.
"Oo. Kanina pa. Kaya lang napagod ako sa byahe. Tulog agad ako sa kama pag karating. Nasan ka na?"
"Nasa kwarto mo." Ngumiti ako.
Hindi siya sumagot. Ilang sandali pa bago ko siya narinig na huminga nang malalim...
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...