Kabanata 5
Mga Panira
"Tamang tama lang kay Rosie yung gown." Sabi ni Kira.
Sinusukat ko yung gown na susootin ko sa finale. Nasa harapan ko si Jacob. Pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa talaga niya ako tinignan.
"Okay ba?" Umikot ako at naghintay sa reaksyon ni Jacob.
"Wow! Mukha kaming ikakasal!" Nawindang ako sa biglang narinig ko.
Nandito pala si Brandon! Pinili ko pa namang gabi na pumunta para mahuli ako at di ko na siya makita pa.
"Bagay?" Tumaas ang kilay niya habang tinitignan si Kira.
"Ewan ko sayo, Brandon. Ayusin mo yang tikas mo at baka matanggal kita dito."
"Ito naman. Di mabiro." Tumawa siya.
"Pasalamat ka gwapo ka!" Ani Kira.
Sumulyap ako kay Jacob at napalunok na lang ako nang nakita ko siyang tinitignan si Brandon.
"Hindi naman bagay eh. Sakit nga sa mata."
Natigilan kaming lahat sa biglang pagsasalita ni Jacob. Tingin ko ay nagalit talaga siya sa sinabi ni Brandon. Bakit niya pa kasi binabanggit na mukha kaming ikakasal? Alam naman nating lahat na frustrated si Jacob na pakasalan ako. Siguro ay pag naiisip niyang magpapakasal ako sa iba, magwawala ito. Wrong move, Brandon! Leche!
Nilapitan ko agad si Jacob.
"'Mukha' lang naman pare. Easy..." Tinaas ni Brandon ang kamay niya.
"Tsaka itim yung soot ni Rosie. Hindi kasal, burol siguro."
Hinaplos ko si Jacob para kumalma. Kitang-kita ko na ang galit sa mga mata niya habang tinitignan si Jacob. Umubo pa si Kira dahil sa naramdamang tensyon.
"Jacob..." Bulong ko.
"Baka burol niya." Bulong niya sakin at hinalikan ako. "Sakin ka, Rosie. Sakin."
Of course... Kabanas na talaga yang Brandon na yan, ah? Kainis na!
"Okay, anyway, okay na yan, Rosie. Okay na yung stilletos?"
"Yep." Sagot ko kay Kira.
"Okay... Mag ready na sa Sabado. Okay na yan. Magbihis ka na."
"Ako din ba, Kir?" Tanong ni Brandon.
"Wa'g muna! Oh, heto na pala sila." Umalis si Kira para salubungin ang grupo ng mga babaeng models na kakarating lag din.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...