Hindi pa nagkakaroon ng love life sila Anna at Jon. ever.
Saklap no?
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tadhana ng dalawang ito. Baka chamba lang talaga. Or fate.
Hindi pa nagkikita si Anna at Jon sa buong buhay nila. As in kahit salubong man lang sa kalye, sa MRT Guadalupe, sa Market! Market!, o sa McDo malapit sa kanila.
Ang masaya pa nito, nasa parehong kalye lang nakatira si Jon at Anna.
Cypress St.
Sabihin na nating malaking factor sa di pagkikita ng dalawang ito ay ang taliwas nilang workshift.
Call center Supervisor si Anna, samantalang Araling Panlipunan teacher si Jon.
Pagpasok ni Anna ng 9:00 pm, ay siya namang pagtulog ni Jon. At ang 5:00 am na pagpunta ni Jon sa school ay siya namang punch out ni Anna sa work.
May mga panahon na rin namang nagkrus ang landas nina Jon at Anna. Gaya ng panahon na nalate si Jon ng gising at sumakay siya sa parehong tricycle ni Anna. Yun nga lang naka backride si Jon, habang nasa loob naman si Anna. O kaya nung panahon na nagkasabay ng bili ng shampoo si Anna at Jon kanila Aling Rose, okay na sana kaya lang sakto namang pagtalikod ni Jon dahil may kumausap sa kanyang studyante. paglingon niya naka alis na si Anna.
Marahil may mas magandang plano lang talaga sa kanilang dalawa ang tadhana.
Or malakas lang talaga magtrip.
Bago ko ituloy ang kwento nila Anna at Jon, gusto ko lang bigyan kayo ng isang payo- kung okay lang.
Mahalin niyo ang mga taong mahal ninyo.
Masyadong mapaglaro ang tadhana.
Kayo din baka mapagtripan kayo.